3K WPD COPS IDI-DEPLOY SA SONA NI DIGONG

TATLONG libong mga tauhan ng Manila Police District ang itatalaga sa iba’t ibang “protest zone” sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 26. Ayon kay Capt. Philipp Jose Ines, chief ng MPD Public Information Office, idi-deploy ang mga pulis Maynila sa Chino Bridge na dating Mendiola, sa Liwasang Bonifacio, US Embassy, at sa Supreme Court (SC) na puntirya ng mga raliyesta. Nabatid na sa kabila na wala namang banta sa national security, ilalagay ang MPD sa full alert status. Gayunman, inatasan ni…

Read More

PDU30 PUPULUNGIN ANG IATF

KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Harry Roque na nagpatawag ng special meeting si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasama ang maliit na bilang na miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF). “I confirm that PRRD called a special meeting of the small IATF tomorrow @6pm (ngayong Sabado),” ayon kay Sec. Roque. Napaulat na kokonsultahin ni Pangulong Duterte ang mga eksperto kung isasara ang borders ng Pilipinas sa gitna ng tumataas na kaso ng Delta coronavirus variant. Sinabi ng chief executive, ang gobyerno ay maaaring magpatupad ng “more stringent measures” kumpara sa umiiral na…

Read More

PUBLIKO PINAG-IINGAT SA PATULOY NA NARARANASANG PAG-ULAN

HINILING ng Malakanyang sa publiko lalo na sa mga residente ng mga naapektuhang lugar ng malakas na pag-ulan at mataas na tubig baha na manatiling vigilant at alerto. Hiling din ng Malakanyang na gumawa ng precautionary measures, at makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga lokal na awtoridad “in case of an evacuation.” Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na mahigpit na minomonitor ng pamahalaan ang weather situation, lalo na ang mga flood-prone at landslide-prone areas, kung saan ang heavy rainfall warning na dala ng southwest monsoon ay itinaas. Ani Sec. Roque, mayroong…

Read More

SOTTO, 2 BESES PINAGTANGKAANG IKUDETA

KINUMPIRMA ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na dalawang beses pinagtangkaang ikudeta si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III bilang lider ng Senado. Sinabi ni Lacson na ang pinakahuli ay dahil sa deklarasyon ni Sotto na kakandidato ito bilang Vice President sa 2022 Elections. “Lumabas ang information na merong gustong magpakalat ng resolution para palitan siya (Sotto),” saad ni Lacson. “May information na dumating sa kanya (Sotto), ako rin nagulat, meron gumagalaw sa mga kasamahan namin para palitan siya. May gustong magpaikot ng resolution para sa signature. Tinitignan kung aabot ng…

Read More

EX-VP BINAY, PASOK NA SA SENATORIAL LINE UP NG LACSON-SOTTO TANDEM

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na kasama na sa Senatorial line up ng Lacson-Sotto tandem si dating Vice President Jejomar Binay. Sinabi ni Sotto na matapos ang kanilang pulong nitong Sabado sa pangulo ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Binay ay pumayag na siyang mapasama sa kanilang Senatorial line up. Sa naunang press briefing ni Sotto nitong Huwebes, sinabi niya na may kinakausap silang isang beteranong politiko para kumandidato bilang senador sa ilalim ng kanilang tandem. Idinagdag ng lider ng Senado na mayroon na rin silang…

Read More

Naramdaman din sa mga karatig na lugar BATANGAS NIYANIG NG 6.6 QUAKE

DAKONG madaling-araw nitong Sabado, libo-libong mga residente ang ginising ng malakas na pag-uga nang yanigin ng magnitude 6.6 earthquake ang Calatagan, Batangas na naramdaman hanggang sa kalapit na mga lalawigan kabilang ang Metro Manila. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol ito dakong 4:48 ng madaling araw nitong Hulyo 24. May lalim ang nasabing lindol na 116 kilometers subalit naramdamam ang pagyanig sa maraming bahagi ng Metro Manila, Pampanga, Bulacan at Pangasinan. Nagbabala rin ang nasabing ahensiya na mayroong aftershock na mararamdaman dahil sa pagyanig.…

Read More

2 TULAK NABITAG SA P130-M SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P130 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa arestadong dalawang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation Bacoor City nitong Sabado ng umaga. Kinilala ang mga arestado na sina Michelle Castro Bardolesa, 39, at alyas “Jahmir,” 16, kapwa residente ng Block 14, Lot 24, Phase 1, Avida Settings, Brgy. Molino IV, Bacoor City. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-10:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng ISAFP Task Force NOAH, PDEA RO EDO, PDEG…

Read More

TRAVEL BAN SA MALAYSIA, THAILAND EPEKTIBO MULA NGAYONG LINGGO (JULY 25)

SIMULA ngayong Linggo (Hulyo 25), magpapatupad ang Bureau of Immigration (BI) ng travel ban sa bansang Malaysia at Thailand na nakararanas ng surge sa COVID-19 dahil sa Delta variant. Ito ang napag-alaman mula kay Immigration Commissioner Jaime Morente bilang tugon sa direktiba ng Malacañang na isama sa mga pasaherong hindi papapasukin ng Pilipinas ang mga galing sa Malaysia at Thailand hanggang sa katapusan ng buwan. Bukod dito, iniulat na umakyat na sa 10 bansa ang nasa travel ban ng Pilipinas. Kabilang dito ang India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman,…

Read More

3 PA TUMBA SA PANDEMYA SA VALENZUELA

TATLO pa ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa Valenzuela City noong Hulyo 23. Bunsod nito ay 552 na ang COVID death toll sa lungsod, habang umakyat naman sa 329 ang active cases matapos na 54 ang nagpositibo at 38 lamang ang gumaling. Pumalo na sa 21,379 ang confirmed cases sa siyudad at sa nasabing bilang ay 20,498 na ang gumaling. Samantala, pansamantalang ipinagbabawal ang pagdalaw sa Bahay Kalinga, Bahay Pag-asa at Bahay Kanlungan para maprotektahan sa banta ng COVID-19 ang mga inabandonang lolo’t lola at Children in Conflict with…

Read More