NENE SEX SLAVE NG SENIOR NA STEPFATHER

KALABOSO ang isang 60-anyos na lolo nang kasuhan ng rape ng kanyang kinakasama dahil sa panggagahasa sa menor de edad nitong anak na babae sa Malabon City, noong Biyernes ng gabi. Alas-9:00 ng gabi nang dakpin sa Gov. Pascual Ave., Brgy. Catmon ang suspek na si Virgilio Manangan, construction worker, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape na inisyu noong Hulyo 8, 2021 ni Judge Rhoda Magdalene Mapili-Osinada ng Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 289. Mula Laguna ay lumipat ng tirahan ang suspek at kinakasamang si…

Read More

MAG-ASAWANG VENDOR TIMBOG SA DROGA

ARESTADO ang mag-asawang vegetable vendor sa Libertad Market, Pasay City sa implementasyon ng search warrant operation ng mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) noong Biyernes ng gabi sa bahay ng mga suspek sa Brgy. 201, Zone 20, Pasay City. Sa bisa ng Search Warrant No. 2021-035 na ipinalabas ni Presiding Judge Rowena Nieves Tan ng RTC Branch 118, Pasay City, laban kay Arnel Garcia, hinalughog ng mga operatiba ang bahay ng suspek sa No. 3 Sambakai St., Brgy. 201, Zone 20, Pasay City noong Biyernes ng gabi. Sa…

Read More

Cabinet officials, binigyan ng positibong grado PDU30 NAKAKUHA NG HIGH APPROVAL AT TRUST RATINGS

NAPANATILI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang high approval at trust ratings nito, mahigit isang taon at kalahati na simula nang mag-umpisa ang coronavirus crisis na nakaapekto sa kabuhayan ng milyun-milyong Pinoy, ayon sa isang independent pollster. Ayon sa RP- Mission and Development Foundation (RPMD) survey, si Pang. Duterte ay nagkamit ng overall approval rating na 77% sa National Capital Region (NCR) at trust rating na 72%. Samantala, sina Sec. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Sec. Eduardo Año ng Department of the Interior and Local Government…

Read More

Tokyo Olympics nagsimula na MARCIAL DADAAN SA SHORTCUT

Ni ANN ENCARNACION NAKAKUHA ng bye derecho sa Round of 16 ng men’s middleweight sa Tokyo Olympics si Eumir Marcial. Dahil sa fourth seeding, maghihintay pa ng makakalaban ang Pinoy three-time Southeast Asian Games champion at 2019 world silver medalist. Ang mananalo sa pagitan nina Algeria’s Younes Nemouchi at Uganda’s Kavuma David Ssemujju ang makakaharap ni Marcial sa quarterfinals ng men’s 69-75kg sa Hulyo 29 sa Kokugikan Arena. Bigong makakuha ng bye si World champion Nesthy Petecio kaya dadaan siya sa mahabang ruta ng Round of 32 ng women’s featherweight…

Read More

ROWER NIEVAREZ SA Q’FINALS

NAKAPASOK si rower Cris Nievarez sa quarterfinals ng men’s single sculls na ginaganap sa Sea Forest Waterway. Magandang simula ito para sa 20-anyos na tubong Atimonan, Quezon para sa kanyang unang pagsabak sa Olympics. Sinusulat ito ay hindi pa nagsisimula ang q’finals race ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist na si Nievarez, na makikipag-unahan ng pagsagwan kina 2016 Rio Olympic silver medalist Damir Martin ng Croatia, Privel Hinkati ng Benin, Felix Potoy ng Nicaragua at ­Alexander Vyazovkin ng Russia. TAEKWONDO JIN BARBOSA SABAK AGAD SA WORLD NO. 1 MATINDING…

Read More

VisMin Super Cup ILIGAN KUMALAS NA

INANUNSIYO ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ang pag-atras ng Iligan Archangels. ‘Internal problem’ sa loob ng organisasyon ang sinasabing dahilan ng pagkalas ng Iligan mula sa kauna-unahang liga propesyunal sa South. “Team Iligan already backed out from the Mindanao Leg. There was an internal problem and they decided to pull out,” pahayag ni VisMin Cup head of basketball operations Cheltio Caro sa ­ginanap na pagpupulong via Zoom. Tangan ng Archangels, pagmamay-ari ni Mayor Celso ­Regencia at pinangangasiwaan ni coach Dane Lariosa, ang sadsad na 0-5 kartada sa Mindanao leg.…

Read More

Dahil sa COVID-19 surge FIBA ASIA CUP INUSOG SA 2022

NAGDESISYON ang FIBA na i-postpone ang Asia Cup sa susunod na taon. Jakarta, Indonesia pa rin ang host ng ‘biggest cage meet in the region,’ ayon sa FIBA. Sa ginanap na miting sa Lebanon, napagkasunduan ng FIBA Asia Board na kanselahin na muna ang Asia Cup. Ang current surge o pagsipa ng COVID-19 cases sa Indonesia ang pangunahing dahilan kaya’t nagkaisa ang Board na iusog sa Hulyo 2022 ang FIBA Asia Cup. Orihinal na nakaiskedyul ang Asia Cup sa Agosto 16 hanggang 28. “The FIBA Asia Cup will be played…

Read More

KULANG ANG SUPPLY NG BAKUNA

NAWALA na ang pag-aalinlangan ng mga tao sa bakuna kung ang pila sa mga vaccination center ang pagbabasehan na kahit nakalusong sila sa baha ay hindi sila umaalis sa pila. Hindi lang sa Metro Manila mahaba ang pila sa ­vaccination centers, kundi sa mga probinsya, pero hindi lang naiuulat sa media dahil malayo sila sa kabihasnan at hindi sila natututukan. Indikasyon ito na payag na ang mga tao na mabakunahan dahil lumalala ang kanilang anxiety sa COVID – 19 na nagsimula sa Wuhan, China at kumalat sa buong mundo dahil…

Read More

TAMANG GIBAIN ANG MGA GUARD HOUSE SA PRIVATE SUBDIVISIONS SA QC

NAGTAPOS na rin ang matagal nang modus na paniningil ng bayad sa mga motoristang dumadaan sa mga gate ng mga pribadong subdibisyon sa Quezon City makaraang ipag-utos ni Mayor Joy Belmonte ang paggiba sa mga ito. Sinimulan noong nakaraang linggo ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ang mga guard house sa mga pribadong subdivision na sakop ng Brgy. San Bartolome sa Novaliches, ­Quezon City. Ito ay ang mga California Village, Kingspoint Subdivision, Goodwill Subdivision at Sierra Vista Subdivision kung saan ang mga guard house nito…

Read More