VM DUTERTE POSITIBO SA COVID-19

NAG-AALALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos malaman na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang anak na Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte. “Of course, the President is concern as a father bagama’t one thing going for vice-mayor ay siya po is bata at malusog. Talaga namang immune system ang panlaban dito sa COVID-19,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sa kabilang dako, wala namang ideya si Sec. Roque kung nakasalamuha ni Pangulong Duterte ang anak. “Wala po akong alam na closed contact si Presidente noh?,” aniya pa rin. Sa…

Read More

POLITICAL PLANS ‘DI BABANGGITIN SA HULING SONA NI PDU30

SINABI ng Malakanyang na walang babanggitin na kahit na anomang political plans para sa 2022 si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA). “Siguro po hindi mapapasama ang kanyang mga planong pulitikal,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “Ang importante is the roadmap for his last year in office,” dagdag na pahayag nito. Matatandaang sinabi ng pangulo na seryoso niyang pinag-iisipan ang pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections. Tumatayong chairman ng PDP-Laban si Duterte na una nang hinimok ng kanyang mga kapartido na tumakbong…

Read More

Bakit mananalo si Pacquiao kay Spence?

WALANG dudang mas bata ng 11 taon ang Amerikanong may-ari ng WBC at IBF welterweight belts na si Errol Spence Jr. kaysa kay eight-division champ Manny Pacquiao. Ito ang dahilan kaya marami ang nagsasabing mapapaganda pa ni Spence ang 27-0 rekord niya. Ngunit hindi rin maikakaila na mas malawak ang karanasan sa ring ng fighting senator at ama ng limang anak niya kay dating Bise Gobernador Jinkee Pacquiao. Ang wala pang talong Amerikano ay may 21 KOs sa 27 laban, habang si Manny ay may rekord na 71-ring fight sa…

Read More

PONDO NG SENATORIABLE KATAS NG KOTONG NI MACHO CHIQUITO?

ISANG ambisyosong opisyal ng pamahalaan na pinuno ng isang ­anti-corruption kuno ang napabalitang ­posibleng kasama sa listahan ng mga tatakbong senador sa ­darating na halalan na, ayon sa bulung-bulungan, ay suportado ito ng isang tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na si alyas “Macho Chiquito”. Ayon sa nakalap nating impormasyon, kaya nananatili sa puwesto si Macho Chiquito ay dahil sa suporta sa kanya ng opisyal ng Malacañang na kasama sa listahan ng senatorial line-up bukod pa sa isang congressman sa Lungsod ng Maynila. Hindi maiwasan na isipin ng mga…

Read More

OFW NABIKTIMA NG ‘TICKET SCAM’ NI CLARRISE GUZMAN?

ISANG OFW na nagtatrabaho bilang kasambahay sa Dammam, Saudi Arabia ang dumulog sa aming ­programa sa DWDD na Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran (UP UP Pilipinas) nitong Miyerkules kung saan isinumbong ang panloloko umano ng isang nagpakilalang travel agent na si ­”Clarrise Guzman”. Ayon kay Jocelyn Bahigting, pinayagan siya ng kanyang employer na makauwi sa Pilipinas dahil sa kanyang karamdaman. Ngunit, ang tagubilin ng kanyang employer ay papayagan lamang ito kung makabibili ng murang tiket ng eroplano. Dahil sa kanyang kagustuhang makauwi agad sa Pilipinas, naghanap siya sa social media ng…

Read More

ALTERNATIBO BA ANG TAMBALANG LACSON-SOTTO?!

NAPAKATINDI ng baha sa maraming bahagi ng Metro Manila nitong Hulyo 21, tapos inanunsiyong siguradong tatakbo sina Senador Panfilo Lacson sa pagkapangulo at Senate President Vicente Sotto III sa pagkabise – presidente. Walang problema riyan. Tapos, inihayag din ni Sotto ang kanilang sampung kandidato sa pagiging senador. Hindi problema ‘yan. Ang problema ay ang iwinasiwas ni Sotto na “alternatibo” ang tambalang Lacson-Sotto. Pokaragat na ‘yan! Kailan naging alternatibo kung ang mga kakandidato sa pagiging pangulo at pagiging pangalawang pangulo ay parehong beteranong politiko at ang mga patatakbuhing mga senador ay…

Read More

Patuloy sa tahimik na pagtulong MARCOS NAMAHAGI NG PPEs SA BAGUIO

(NELSON S. BADILLA) NAGTUNGO si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kamakailan sa Baguio City upang mamahagi ng personal protective equipment (PPE) sa mga medical frontliner ng lungsod. Si Marcos, o BBM, ay personal na nagbigay ng PPEs kay Baguio Mayor Benjamin Magalong dahil kailangan pa rin ng pamahalaang lungsod ng mga kagamitan na magbibigay ng proteksyon sa mga frontliner nito mula sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19). Ang Baguio City na bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR) ay malapit sa puso ni Marcos dahil kapwa niya mga…

Read More

VAT SA PRODUKTONG PETROLYO PINASUSUSPINDE

ISINUSULONG ni Senadora Imee Marcos ang panukala na magbibigay kapangyarihan sa pangulo ng bansa na ibaba o suspendihin ang pagpapataw ng Value-Added Tax sa mga produktong petrolyo sa loob ng isang taon, sa panahon ng national emergency o state of calamity. Sa kanyang Senate Bill 2320, sinabi ni Marcos na dahil sa COVID 19 pandemic, maraming Pinoy ang naapektuhan ang kabuhayan at pinatindi pa ang paghihirap dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kahit hindi pa nakakabangon sa krisis. Simula anya nang ipatupad ang Train Law, patuloy…

Read More

Kinontra ng SC sa ICC withdrawal DUTERTE LALONG MANGGIGIGIL SA VP RACE

LALONG paiigtingin ang pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa vice presidential race sa 2022 matapos kontrahin ng Korte Suprema ang kanyang withdrawal sa Rome Statute. “This decision will further fuel Duterte’s obsession to run for vice president on the errant notion invoking feigned immunity,” pahayag ni Albay Rep. Edcel Lagman kahapon. Nauna rito, lahat ng 15 mahistrado sa Korte Suprema ay nagsabi na hindi puwedeng sariling desisyon ni Pangulong Duterte ang mag-withdraw sa Rome Statute na hindi kinatigan ng Senado. Hindi rin umano maaaring gamitin ni Duterte ang…

Read More