KAMARA KASADO NA SA SONA

HANDANG-HANDA na ang Batasan Pambansa complex para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte at nakalatag na ang red carpet na dadaanan ng may 350 mambabatas, cabinet officials at diplomatic corps na inimbitahan sa nasabing okasyon. Subalit, mistulang itsapuwera si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa SONA sa Lunes (Hulyo 26) dahil hindi pa ito nakatatanggap ng imbitasyon. Sa isang panayam kay Cayetano, kinumpirma nito na hindi pa siya nakatatanggap ng imbitasyon sa liderato ng Kamara para dumalo nang personal sa huling SONA ni…

Read More

Usapin sa Ivermectin aapurahin DEFENSOR, ET AL DUDULOG SA SC

DUDULOG na sa Korte Suprema ang grupo nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta para pilitin ang gobyerno na payagan na ang paggamit ng gamot na Ivermectin bilang pangontra sa COVID-19. Kahapon ay ihahain sana nina Defensor at Marcoleta ang mandamus subalit naudlot ito dahil sa paglakas ng bagyong Fabian na naging dahilan para masuspinde ang trabaho sa Korte. “Its about time na magfile na talaga (ng case sa Supreme Court). Why? Papasok na ang Delta Variant,” ani Defensor. Ito aniya ang pangunahing dahilan kung bakit…

Read More

Go toTEAlly crazy at SM Supermalls Milk Tea Fest this July!

We’re spilling the tea! Did you know that milk tea is one of the world’s top five most-consumed beverage? In the Philippines alone, Filipinos are so crazy about milk tea that they drink an average of at least five cups per month! This month of July, SM Supermalls will be holding something special for all milk tea lovers, with a Milk Tea Fest from July 19 to 31! With #SafeMallingAtSM protocols, you can be sure that your Milk Tea Fest experience will be safe and fun. Here are the exciting…

Read More

Kamara pinag-iimbestiga CHINA NAGHUHUKAY NA NG LANGIS SA WPS

HINDI na dapat maghintay ng matibay na ebidensya ang Kongreso at dapat mag-imbestiga na ito sa posibleng paghuhukay ng China ng langis sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) partikular na sa Scarborough Shoal. Ito ang panawagan ng mga progresibong mambabatas sa liderato ng Kamara matapos makarekober ang mga Pilipinong mangingisda sa karagatan ng Zambales ng kagamitan sa oil exploration. “The equipment, which bore Chinese characters, was confirmed by an expert to be an ocean bottom seismometer or OBS,” ayon sa Makabayan bloc na isang indikasyon na naghuhukay…

Read More

LIFETIME MOBILE NUMBER MAISASAKATUPARAN NA

DALAWANG taon matapos maisabatas ang Mobile Number Portability Act (MNPA), maisasakatuparan na ito, ayon kay Senador Win Gatchalian. Sa ilalim ng batas, pinapayagan na ang mga mobile phone subscriber na panatilihin ang kasalukuyang gamit na cellphone numbers kahit na magpalit o lumipat sila sa ibang network providers. Naging hamon kasi sa tatlong malalaking telecommunications companies (telcos) sa bansa ang proseso ng “interoperability” kaya kamakailan lamang nila nakumpleto ang technical initial test. Sinabi ni Gatchalian na dapat tuparin ng telcos ang pangako nilang implementasyon ng mobile number portability sa Setyembre 30…

Read More

BORDER CONTROL HIGPITAN VS DELTA VARIANT

KINALAMPAG ni Senador Nancy Binay ang Inter-Agency Task Force (IATF) na higpitan pa ang pagbabantay sa mga paliparan at daungan laban sa pagpasok ng Delta variant ng COVID-19 na mas mabilis kumalat at makahawa. Sa pahayag, sinabi ni Binay na kailangan nang higpitan pa ng pamahalaan ang border control dahil malapit na tayo sa tipping point ng pandemya. “Malapit na tayo sa tipping point. Hindi lang naman Covid ang concern ng lahat ngayon–we are already full with other things beyond our control,” ayon kay Binay. Sinabi rin nito na patuloy…

Read More

DRUG GROUP MEMBER NASUKOL

NADAKIP sa inilatag na anti-narcotics operation ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5, na pinamumunuan ni P/Brig. Gen. Jonnel C. Estomo, ang isa sa umano’y miyembro ng notoryus na Rey Gutierrez drug group noong Martes ng umaga sa Daet, Camarines Norte. Kinilala ang suspek na si Christopher Vargas y De Guzman, 37, may asawa, isang lineman, at residente ng Purok 6, Brgy. Borabod, Daet, Camarines Norte, nadakip makaraang bentahan ng umano’y shabu ang isang poseur buyer ng pulisya. Ayon kay P/Major Malu Calubaquib, Regional spokesman, bandang alas-8:30 ng…

Read More

11th MOST WANTED NG NCRPO, TIMBOG

NASAKOTE ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang itinuturing na rank 11 regional most wanted person ng PNP National Capital Region sa kasong pamamaslang, noong Martes ng umaga sa bayan ng Bulan sa lalawigan ng Sorsogon. Ayon sa ulat na ibinahagi ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, natunton ng kanilang Tracker Team ang pinagtataguan ng puganteng si Arvyn Austral y Gersalia alyas “Niknok,” 33-anyos, walang asawa, laborer, at residente ng Brgy. Gate, sa bayan ng Bulan. Ayon kay P/Major Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PNP-PRO5 bandang alas-9:30…

Read More

PNP-PRO5 strikes again 3 DRUG TARGETS NAPATAY, P1.7-M SHABU NASABAT

“IT was a tall order, but we made it,” pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na mapatay ng kanyang mga tauhan ang tatlong drug personalities sa inilunsad na anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakasamsam sa P1.7 milyong halaga ng shabu sa bayan ng Oas sa lalawigan ng Albay. Sa report na ibinahagi ni P/Brig. Gen. Estomo, kinilala ang mga napaslang na hinihinalang mga drug dealer na sina Ramon Mutoc alyas “Omar,” Bahala na Gang member, high value priority target, naninirahan sa Saint Louis Compound 5, Malinta, Valenzuela…

Read More