GAGAMITIN ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa pandemya sa COVID-19 upang masiguro na manatili ang mga ito sa puwesto. Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas dahil wala umanong balak ang Malacanang na magbigay ng ayuda ngayong taon gayung mas kailangan na kailangan na ito lalo na’t muling magpapatupad ng lockdown ang gobyerno sa susunod na linggo. “Sinabi pa ni Duterte na isama na lamang sa budget para sa 2022. Alam nyo bakit? So 2022 pala ang balak ni Duterte…
Read MoreMonth: July 2021
Suporta ng ilang miyembro nasa hindi kapartido IWANAN TULOY SA PDP-LABAN
(BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng hidwaan sa loob ng partidong PDP-Laban, tila nababawasan na ang puwersa ng mga ito matapos ang lantarang pagsuporta ng kanilang mga miyembro sa hindi nila kapartido. Ito ang obserbasyon ng marami matapos ang tila pag-abandona na ni House Speaker Lord Allan Velasco sa PDP-Laban at lantarang pagsuporta kay Davao City Mayor Sara Duterte. Kabilang si Velasco sa mga politikong nagpagawa na agad ng campaign stickers na posibleng paghahanda sa kanyang reelection bid bilang kinatawan ng Marinduque o kaya pagtakbo bilang gobernador ng nasabing lalawigan. Maugong…
Read MoreNCR BALIK-ECQ SA AGOSTO 6
(CHRISTIAN DALE) INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) “subject to heightened restrictions” mula Hulyo 30, 2021 hanggang Agosto 5, 2021. Simula naman sa Agosto 6, 2021, ang klasipikasyon ng NCR ay itataas sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang Agosto 20, 2021. “Hindi po naging madali ang desisyon na ito. maraming oras ang ginugol para pagdebatehan ang bagay na ito dahil binabalanse natin yung pagpapabagal ng COVID-19 dahil sa Delta…
Read MoreCOACHES AT TRAINERS BIGYAN DIN NG INCENTIVES
NANAWAGAN si Deputy Speaker Valenzuela Representative Wes Gatchalian sa pamunuan ng Philippine Sports Commission na ibigay sa mga atletang Pinoy na nagsipag-uwi ng medalya ng karangalan sa bansa ang nakalaang cash incentives na nakapaloob sa Republic Act (RA) No. 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act. unsod na rin ito ng pagkapanalo ng gintong medalya ni Weight Lifter Hidilyn Diaz sa Tokyo Japan Olympics kung saan, ayon kay Rep. Gatchalian ay nararapat na paalalahanan ang PSC na isama ang mga coach sa makatatanggap ng cash incentives. “The…
Read MorePAGSUGPO SA HUMAN TRAFFICKING, PAIGTINGIN
KASABAY ng paggunita nitong Biyernes, Hulyo 30, ng World Day Against Trafficking in Persons, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapatatag sa mga batas ng bansa upang masugpo ang iba’t ibang anyo ng human trafficking. “Sa mga nalalabing buwan ng kasalukuyang administrasyon, mahalagang tutukan natin ang pagsugpo sa human trafficking, lalo na’t marami sa mga kabataan natin ang nanganganib maging biktima nito,” ani Gatchalian. Nananatili ang “Tier 1” status ng Pilipinas sa 2021 Trafficking in Persons Report ng United States Department of State. Ibig sabihin, naipatutupad ng…
Read MoreTumalon sa Malabon creek LASING NA JEEPNEY DRIVER BANGKAY NA LUMUTANG
BANGKAY na nang matagpuan ang isang 26-anyos na jeepney driver makaraang tumalon sa isang creek sa Malabon City nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon kay Malabon Police chief, P/Col. Albert Barot, nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Jay Paul Maniego, residente ng #29 Bisig ng Nayon, Brgy. Sangandaan, Caloocan City, ni Erlinda Teorica, 70, dakong alas-6:40 ng umaga habang nakalutang sa Tugatog Creek sa P. Concepcion St. Bunsod nito, nagtulong-tulong ang mga kapitbahay na maiahon ang bangkay ng biktima. Sa isinagawang imbestigasyon nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Jose Romeo…
Read MoreDRUG LORD NA KASAMA SA BILIBID 19, NAMATAY
KINUMPIRMA ng Department of Justice na binawian ng buhay ang umano’y drug lord na si Vicente Sy, makaraang atakihin sa puso sa loob ng New Bilibid Prison Hospital sa Muntinlupa City. “I have just been informed that Vicente Sy has died… But I still have to receive a formal report about it,” ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra. Kinumpirma rin ni Bureau of Corrections (BuCor) Spokesperson Gabriel Chaclag ang pagpanaw ni Sy noong Huwebes ng gabi sa NBP Hospital bago maisugod sa Ospital ng Muntinlupa. Nabatid na mula sa New…
Read More7 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS
NAKAPAGTALA ng pitong namatay dahil sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hulyo 29 habang umabot sa 224 ang bagong kaso ng nasabing sakit. Mula 1,119 noong Hulyo 26, umakyat sa 1,123 ang total deaths sa Caloocan City, habang 487 na ang active cases matapos na 51 ang mahawaan. Pumalo na sa 39, 574 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 37,964 na ang gumaling. Dalawa namang COVID patients ang binawian ng buhay sa Valenzuela City sa nasabing araw kaya’t umakyat na sa 561 ang pandemic…
Read MoreTRAFFIC ENFORCER TINUMBA NG TANDEM
BULACAN – Patay ang isang traffic enforcer makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang namamahinga sa tapat ng laundry shop sa Barangay Caypombo, sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Mario Domingo alyas “Bangis,” namatay noon din sa pook ng insidente bunga ng tatlong tama ng bala sa katawan habang tumakas naman ang mga suspek nang matiyak na napuruhan ang pakay. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-3:20 ng hapon nang mangyari ang insidente habang namamahinga sa tapat ng…
Read More