HINIHINALANG pinatay sa palo ang isa umanong bading dahil sa sugat nito sa ulo makaraang matagpuang walang buhay sa Quezon Bridge sa Quiapo, Manila noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Jonel Frio alyas “Jessa,” vendor, residente ng Oscariz St., Quiapo, Manila. Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-5:00 ng madaling araw nang madiskubreng patay ang biktima habang duguang nakahandusay sa tulay ng Quezon Boulevard sa Quiapo. Ayon kay Anthony Cladio, delivery man, binabaybay niya ang nasabing tulay nang makita niyang nakahandusay ang biktima. Agad…
Read MoreMonth: July 2021
Dahil sa 105.6% COVID case growth rate 24-ORAS CURFEW SA MINORS IBINALIK SA NAVOTAS
BUNSOD nang muling pagdami ng mga kaso ng COVID-19, inihayag ng pamahalaang lungsod ng Navotas na muling ipatutupad ang 24-oras na curfew sa mga menor de edad. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, batay sa COVIDKAYA report na may petsang Hulyo 17, nakapagtala ang Navotas ng 105.06% growth rate ng COVID cases sa loob ng dalawang linggo, ang pinakamataas sa Metro Manila. “In June, we had the lowest average daily attack rate in the region. We even recorded 41 active cases on June 25. Now, our active cases have multiplied almost…
Read More28 SUGAROL NABITAG SA QC
ARESTADO sa mga operatiba mula sa iba’t ibang police stations ng Quezon City Police District ang 28 sugarol sa pinaigting na kampanya laban sa illegal gambling sa Quezon City. Nadakip ng Novaliches Police Station (PS 4), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang, ang apat na mga suspek sa pagsasagawa ng tupada dakong alas-9:30 ng umaga noong Hulyo 18, 2021 sa isang bakanteng lote sa Goldmine St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City. Naaresto ng mga tauhan ng PS 4 ng tatlong suspek dahil sa paglalaro ng cara y…
Read MoreKahit sa loob ng private subdivisions GUARD HOUSE SAPUL NG CLEARING OPS SA QC
GINIBA noong Hulyo 17, 2021 ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City ang mga guard house ng ilang pribadong subdibisyon dahil sa perwisyong dulot nito sa mga sasakyang dumaraan. Kabilang sa mga giniba ng DPOS ang guard house California Village, Kingspoint Subdivision, Goodwill Subdivision at Serria Vista Subdivision dahil maituturing ang mga ito na road obstruction sa mga pampublikong kalsada. Ang isinagawang paggiba ng DPOS sa mga guard house sa nabanggit na mga subdibisyon ay alinsunod sa kautusan ni Mayor Joy Belmonte. Bukod dito, napag-alaman ng…
Read MoreNadiskubre ng Army, PNP-PRO5 MINORS ISINASAMA SA EXCURSION NG CTG PARA GAWING NPA
MARIING kinondena ng Joint Task Force-Bicolandia ang hanay ng communist terrorist group sa panlilinlang sa mga menor de edad na iniimbitahan sa mga excursion para pwersahang gawing kasapi ng New People’s Army. Ito ang nabulgar na pamamaraan ng CPP-NPA sa pangangalap ng child warriors matapos na sumuko ang 26 miyembro ng communist terrorist group na karamihan ay mga menor de edad sa lalawigan ng Masbate. Ayon sa ulat na natanggap ni PNP-Police Regional Office 5 Director General Jonnel C. Estomo, sa kabuuan ay 19 children involved in armed conflict (CIAC)…
Read More2 NPA CADRE UTAS SA ARMY, PNP-PRO5
DALAWANG miyembro ng New People’s Army ang napaslang habang at 12 high powered firearms ang nasamsam ng pinagsamang pwersa ng Philippine Army at PNP Police Regional Office 5 sa inilunsad na anti-communist terrorist group (CTG) operation sa Barangay Bongalon, Sagñay, Camarines Sur. Ayon sa ulat na isinumite kay Army MGen. Henry A. Robinson Jr. commander ng Joint Task Force (JTF) Bicolandia, bandang alas-10:45 ng umaga nang makasagupa ng 83rd Infantry Battalion (83IB), katuwang ang PNP-PRO5, ang 20 CTG members sa Barangay Bongalon, sa bayan ng Sagñay. Makaraan ang 30 minutong…
Read MoreKAPITOLYO NG CAVITE, NILOCKDOWN
PANSAMANTALANG lilipat ang tanggapan ng gobernador ng Cavite matapos magpositibo sa corona virus ang apat na empleyado nito. Agad idineklara ni Provincial Governor Juanito Victor ‘Jonvic ” Remulla, Jr. ang lockdown sa Kapitolyo upang isailalim ito sa disinfection at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Base sa social media page ni Remulla, dalawa sa mga nagpositibong kawani ay fully-vaccinated na habang ang dalawa pa ay naturukan na ng 1st dose ng bakuna. Ang dalawang fully-vaccinated ay may mild na sintomas o asymptomatic na nakahawa sa isang buong pamilya habang ang dalawang…
Read MoreTYPHOON VICTIMS SA BULACAN TUMANGGAP NG P2-M HOUSING MATERIALS
TINATAYANG aabot sa P2 million halaga ng housing materials ang ipinagkaloob ng Japanese global apparel retailer sa pamamagitan ng SM Foundation Incorporated sa mga biktima ng bagyo sa mga bayan ng Obando at San Miguel sa Bulacan kamakailan. Kabilang sa mga makikinabang ng donasyon ang mga nasalanta ng nagdaang bagyong Ulysses na nalubog sa baha, nawalan ng tirahan at napilitang mag-evacuate at pansamantalang nanirahan sa evacuation centers o public disaster shelters. “Malaking bagay po (donation) kasi maitatayo po yung nasira na bahay namin nung Ulysses,” ayon kay Rolando Santos mula…
Read MoreP3.4-M SHABU NASABAT SA BIGTIME DRUG DEALER
COTABATO CITY – Arestado ang isang umano’y ‘bigtime’ na tulak ng ilegal na droga makaraang mahulihan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Barangay Sta. Maria, Zamboanga City, iniulat nitong Martes. Kinilala ang suspek na si Benhar Mowa, nasa hustong gulang, at nakatira sa Ipil, Zamboanga Sibugay. Ayon kay Jury Rocamora, pinuno ng PDEA-Zamboanga City, nadakip ang suspek dakong alas-7:55 ng gabi sa parking lot ng isang shopping mall sa ikinasang anti-drug operation. Bukod sa 500 gramo ng shabu…
Read More