PANSAMANTALANG lilipat ang tanggapan ng gobernador ng Cavite matapos magpositibo sa corona virus ang apat na empleyado nito.
Agad idineklara ni Provincial Governor Juanito Victor ‘Jonvic ” Remulla, Jr. ang lockdown sa Kapitolyo upang isailalim ito sa disinfection at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Base sa social media page ni Remulla, dalawa sa mga nagpositibong kawani ay fully-vaccinated na habang ang dalawa pa ay naturukan na ng 1st dose ng bakuna.
Ang dalawang fully-vaccinated ay may mild na sintomas o asymptomatic na nakahawa sa isang buong pamilya habang ang dalawang infected naman ay bahagya lamang ang sintomas.
Muling bubuksan ang nasabing tanggapan sa Biyernes.
Sa huling ulat, ang lalawigan ng Cavite ay mayroong 57,720 COVID-19 cases. Sa bilang na ito, 3,576 ang active cases, 52,594 ang mga nakarekober at 1,550 ang mga namatay. (CYRILL QUILO)
270 