GINTO, ABOT-KAMAY NI PETECIO

Ni ANN ENCARNACION NAMUMURONG mag-gold din sa Tokyo Olympics ang isa pang Pinay na si 2019 women’s world ­boxing champion Nesthy Petecio. Umusad si Petecio sa semifinals ng 54-57kg ­boxing competition Miyerkoles ng umaga makaraang dominahin sa 5-0 score ang nakalaban sa quartefinals na si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia. Dahil sa panalo ay ­sigurado na sa bronze medal ang 29-anyos na ­boksingerang tubong Davao City. Makakatapat ng 2019 Southeast Asian Games (SEA) gold medalist na si Petecio ang 23-anyos at 5-foot-9 na si Irma Testa ng Italy sa…

Read More

Mungkahi ng experts laban sa Delta variant CITY, PROVINCE LOCKDOWN IKASA

IMINUNGKAHI ng isang eksperto na dapat ituring na kaso ng Delta variant ang bawat maitatalang kaso ng COVID-19 kaya kailangan ang paghihigpit. Ito’y sa harap ng napatunayan na presensiya ng pinangangambahang Delta variant sa bansa. Ang panukala ay ginawa ni Infectious Disease expert Dra. Anna Lisa Ong-Lim sa special IATF meeting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon kay Dra. Lim, nais lang nilang makasiguro na matutugunan nang tama ang bawat naitatalang kaso ng Covid, Delta man ito o hindi. Mas mabuti, ani Lim na huwag nang makauna o…

Read More

Pilipinas sa 1928 Olympics: Unang Olympic medal, handog ni swimmer Teofilo Yldefonso

Ni EDDIE ALINEA MULA sa isang atleta at isang opisyal na unang kumatawan sa Pilipinas noong 1924 Paris Olympics, noong 1928 sa Amsterdam ay lima kataong delegasyon na ang ipinadala ng Philippine Amateur ­Athletic Federation, ang namamahala noon sa programa ng palakasan sa bansa. Ngunit tulad ng biyahe noon nina sprinter David Nepomuceno at coach nito na si Dr. Regino Ylanan na tumagal ng 33 araw sakay ng barko, nagpaikot-ikot din ang sinakyan ng mga swimmer na sina Teófilo Yldefonso at Tuburan Tamse, high jumper Simeon Toribio at sprinter Anselmo…

Read More

Inutang ni Duterte, P6.052 trillion na DEBT CRISIS SA PINAS NAKAUMANG

NAHAHARAP sa matinding dagok ang mga Filipino ngayong baon na sa utang ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang kontra-SONA kahapon, sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na isa sa mga hindi inamin ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address noong Lunes, ang pagkabaon sa utang ng bansa dahil sa loob lamang ng 5 taon ay nakautang na ito ng P6.052 trillion. Posible pa umanong madagdagan ang utang na iiwanan ng Duterte administration bago ito bumaba sa puwesto sa 2022. “The national…

Read More

IRAN DINUROG NG USA

IBINALING ng Team USA ang frustration sa Iran, 120-66 kahapon. Kasunod ito ng nakadidismayang 83-76 pagkatalo sa kamay ng France noong Linggo sa Tokyo Games. Umiskor si Jayson Tatum ng 14 points, kung saan pinag-init niya sa fourth-quarter ang opensa at pinaabot sa 50 puntos ang abante ng NBA-laden team. Sa huling apat na minuto ay kumayod si Tatum ng 10 points tungo sa 108-57 count. Top scorer si Damian Lillard, 21 points, kabilang ang anim na 3-pointer sa first-half, at 16 points naman mula kay Devin Booker. Kinakailangan ng…

Read More

Isko kumasa, nagpasaring DUTERTE, PALPAK AT PURO NGAWA

(NELSON S. BADILLA) PINATUNAYAN ni Manila Mayor Isko Moreno na handang-handa na siyang makipagbanggaan kahit sa pinaka makapangyarihan at pinakamataas na opisyal sa Pilipinas. Ginawa ito ni Moreno nang igiit at manindigan ang alkalde na tuloy ang pagtuturok ng bakuna kahit umuulan, o bumabagyo man, sapagkat mahalaga sa alkalde ang kaligtasan ng mga residente ng Maynila laban sa patuloy na pag-atake ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19). Hindi man binanggit ni Moreno ang pangalan ng kanyang kinakalaban, malinaw na malinaw na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, o PRRD,…

Read More

GILAS GUMANTI SA SAUDI

Ni ANN ENCARNACION GALING sa nakadidismayang debut game sa 2021 King Abdullah Cup nang matalo kontra Egypt, bumangon ang Gilas Pilipinas at ibinuhos ang ngitngit sa Saudi Arabia, 77-62, Martes ng gabi sa Prince Hamzah Sport Hall sa Amman, Jordan. Bunga nito, napasama sa win column ang Gilas (1-1) sa King Abdullah Cup. Sa pangunguna ni Justine Baltazar, na off the bench ay umiskor ng 16 points kabilang ang apat na three pointer, apat na assists at tatlong rebounds, nakabawi ang nationals sa 60-73 loss kontra Egypt noong Lunes. Maliban…

Read More

46% NG MGA PINOY, HINDI BOBOTO KUNG MAGPAPATULOY ANG COVID-19 PANDEMIC SA ELEKSYON

INIHAYAG ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nasa 46 porsiyento ng mga Pinoy ang hindi boboto sa Mayo 2022 elections kung magpapatuloy ang COVID 19 pandemic. Sinabi ni Zubiri na batay ito sa kanyang pinakomisyon na survey sa Pulse Asia kaugnay sa kahandaan ng taumbayan sa vaccination program at sa national elections. “Hindi po natin sila masisisi kung ganun ang kanilang pangamba at posisyon. Mas mahalaga naman po talaga ang buhay kaysa sa pagboto,” saad ni Zubiri. “Nakakatakot lang dahil posible pong ang mahahalal na mga lider ng…

Read More

SIGE SAKAY PA

NAGTALUNAN sa tuwa ang sambayanang Filipino dahil bago sumapit ang isang daang taon, nagkaroon tayo ng kauna-unahang Gold sa ­Tokyo Olympic, sa pamamagitan ni Hidilyn Diaz ng Zamboanga. Unang sumabak ang mga atletang Filipino sa Olympic noong 1924 at 10 ­medalyang bronze at silver ang nakamit ng mga magigiting na ­manlalaro, pero wala pang gold medal hanggang manalo nga ng gintong medalya si Hidilyn. Nabaling sa gintong medalya ni Hidilyn ang atensyon ng mga tao sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil saka pumutok ang…

Read More