SINABI ng OCTA Research Group kamakailan na mayroon nang surge ng Delta variant sa bansa. Salungat naman ang sinabi ng Department of Health (DOH) dahil idiniin nitong hindi pa raw masasabing mayroong surge ng Delta variant sa Pilipinas. Ito ang pahayag ni DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire dahil mayroon umanong sariling basehan ang kagawaran para masabing may surge (pagdagsa) ng Delta variant sa bansa. Pero, ayon sa DOH nitong nakaraang linggo, mayroong naitalang 55 pinakabagong kaso ng Delta variant sa Pilipinas. Sa kabuuan, nakapagtala ng 119 kaso ng Delta variant.…
Read MoreMonth: July 2021
NAPAKABABA NG TIWALA NG PUBLIKO KAY PACQUIAO
MISTULANG nakatikim ng mag-asawang sampal si Senador Emmanuel Pacquiao dahil 35 porsiyento ang nakuha niyang “disapproval rating” mula sa mga Filipino. Resulta ‘yan ng sarbey na inilunsad ng PUBLiCUS Asia Inc. mula Hulyo 13 hanggang 19. Ayon sa nasabing kumpanya, ang markang 35% mula 12% ay iskor ng publiko sa mga birada ni Pacquiao laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Pokaragat na ‘yan! Kung paniniwalaan ang PUBLiCIS, nadagdagan ng 23 porsiyento ang 12 porsiyentong nabuwisit na dati kay Pacquiao dahil inupakan ng senador si Duterte. Ang approval rating ni Pacquiao ay…
Read MorePERMANENT EVACUATION SITES MULING IGINIIT NI GATCHALIAN
INIHAYAG ni Senador Win Gatchalian na napapanahon na upang isaalang-alang ng gobyerno ang pagkakaroon ng permanenteng evacuation centers sa mga lugar na madalas masalanta ng kalamidad. Ipinanawagan muli ni Gatchalian ang kanyang panukala at iginiit ang paglalaan ng kaukulang pondo sa taunang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para masiguro ang pagpapatayo ng nasabing pasilidad na akma sa mga pangangailangan ng mga nasasalanta. “Sa dami at dalas na manalasa ng kalamidad sa bansa natin, dapat natuto na tayo sa mga trahedyang nagdaan at may nakalatag nang mga…
Read MoreDELIVERY RIDERS SAKOP NG LABOR LAW
PINAGTIBAY na ang Labor Code of the Philippines sa mga food delivery rider kung mapatutunayan na may umiiral na ’employer-employee relationship’ sa digital platform company na kanilang pinapasukan. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, ang advisory ay bilang gabay sa pagtukoy sa ugnayan ng riders at ng digital platform company at kung mapatutunayan na direktang empleyado ng isang digital platform ang isang rider, may karapatan sila sa mga benepisyo na nasa ilalim ng Labor law. Ngunit para sa mga ‘independent contractors’ o mas kilala sa tawag na ‘freelancers’, sasakupin…
Read MoreMagkapatid na Vargas inireklamo ‘TUPAD’ SCAM SA QC BUKING
INIREKLAMO ng isang watchdog ang magkapatid na politiko sa Quezon City dahil umano sa paggamit sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) para sa kanilang interes. Base sa reklamo na inihain ng Bantay Kaban—Citizens Forum Against Corruption and Poverty sa Presidential Complaint Center kamakailan, tinukoy ang magkapatid na Quezon City Rep. Alfred Vargas at Quezon City Councilor Patrick Michael ‘PM’ Vargas na umano’y nasa likod ng scam sa TUPAD program ng gobyerno. Ang TUPAD ay ‘cash for work’ program ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbibigay ng…
Read MoreWANTED SA MAYNILA, TIKLO SA CAVITE
NALAGLAG sa mga operatiba ng Manila Police District ang isang 59-anyos na wanted sa kasong attempted rape makaraang maispatan sa Dasmariñas, Cavite, iniulat ng pulisya nitong Miyerkoles. Kinilala ang suspek na si Tirso Pacheco y Alba, nanunuluyan sa Barangay Salitran, Dasmariñas, Cavite, number 8 most wanted person sa MPD. Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Regional Director na si National Capital Region Office, P/Major General Vicente Dupa Danao Jr., nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ni P/Lt. Col. Evangeline Cayaban, commander ng MPD-Station 5, at natunton si…
Read More3 ARESTADO SA P183K SHABU
SYUT sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal makaraang makumpiskahan ng halos P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City noong Martes ng gabi. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong mga suspek na sina Jonathan Soriano, alyas “Atan,” 31, ng Tulay 9, Brgy. Daang Hari, Navotas City; Allan Ruthirakul, 49, at Irene Flores, 42, kapwa ng Esguerra St., Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan City. Ayon kay P/SSgt. Jerry G. Basungit, dakong alas-11:00 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba…
Read MoreCOVID-19 Delta variant tumataas NCRPO NAKAALERTO VS MASS GATHERINGS
INALERTO ni Philippine National Police–National Capital Region Police Office Director P/Maj. Vicente Danao ang lahat ng district directors at unit commanders hinggil sa mas mahigpit na pagbabantay sa mass gatherings bunsod nang biglang paglobo ng mga kaso ng Delta variant ng coronavirus. Ito ay matapos na paalalahanan ni Philippine National Police (PNP) chief, P/Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office na mahigpit na ipatupad ang quarantine rules at palaging nakaalerto laban sa mga pagtitipon sa gitna ng banta ng COVID-19 Delta variant. Nabatid…
Read MoreDATING DH, 3 PA HULI SA BUY-BUST
BINITBIT ng mga operatiba ng Manila Police District-Station Drug Enforcement Team ng Sta. Cruz Police Station 3, ang isang babaeng dating domestic helper, na target ng inilatag na buy-bust operation, at tatlo pang sangkot sa ilegal droga sa Sta. Cruz, Manila nitong madaling araw ng Miyerkoles. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Anisa Sandad y Sambilan alyas “Sarah,” 24, tubong Lagao, Maguindanao, may asawa, isang dating domestic helper at residente…
Read More