ANG trabaho ng Ombudsman ay mangalap ng ebidensya laban sa mga isinusuplong at kinakasuhan kaugnay ng batas kontra katiwalian at pag-abuso sa hanay ng mga taong gobyerno – mula sa simpleng empleyado hanggang sa Pangulo. ‘Yan mismo ang dapat inaatupag ni Samuel Martires sa tanggapan kung saan siya itinalaga ng Pangulo bilang Ombudsman, at hindi ang pagtakpan ang mga abusado, kesehodang siya pa ay ang Pangulo. Nakalulungkot lang isiping siya ay isang abogado. Hindi siya pangkaraniwang abogado. Ang totoo siya ay dating mahistrado bago pa man itinalaga sa pwesto bilang…
Read MoreDay: September 14, 2021
Ipinalalagay ng Senado sa watchlist order MICHAEL YANG TATAKAS?
IPINALALAGAY na ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Presidential Consultant Michael Yang sa watchlist order ng Department of Justice upang matiyak na maagapan ang pag-alis nito sa bansa. Ito ay makaraang hindi sumipot si Yang sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite hinggil sa sinasabing overpriced procurement ng medical equipment ng gobyerno. Ayon sa abogado ni Yang na si Atty. Raymund Fortun, tumaas ang blood pressure ni Yang at pinayuhan ng kanyang mga doktor na manatili sa pagamutan sa loob ng limang araw. Samantala, kinumpirma ni Senate President Vicente ‘Tito’…
Read MorePNP watchlist pinarerebisa ni Eleazar DRUG SYNDICATES BUHAY NA BUHAY
(JESSE KABEL) TARGET ng Philippine National Police (PNP) ang mas pinaigting na kampanya kontra droga kaya naman atas ni PNP director general Guillermo Eleazar sa mga hepe ng lokal na pulisya, rebisahin ang kanilang talaan ng mga personalidad na pinaniniwalaang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot. Paniwala ni Eleazar, malaki pa rin ang banta ng mga sindikatong aniya’y patuloy na naghahasik ng salot sa iba’t ibang panig ng bansa. Aniya, patunay nito ay ang sunod-sunod na operasyon, partikular sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Cavite kung saan nakasamsam…
Read MoreESTAFA VS. FOREIGN CONTRACTOR NG LTO
KASONG estafa ang inihain ng isang kontratistang Pinoy laban sa isang kumpanyang Aleman at mga corporate executives nito kaugnay ng nasungkit nitong kontratang bahagi ng Build-Build-Build ng administrasyong Duterte. Sa asuntong inihain ng Verzontal sa Quezon City Prosecutors Office, inakusahan ang German firm Dermalog Identification Systems, ng pagtalikod nitong bayaran ang kontratistang Pinoy batay sa joint venture agreement na nilagdaan ng mga corporate executives sa pagitan ng dalawang kumpanya para sa DOTR Road Transportation IT Infrastructure Project (LTO Component A). Giit ng Verzontal, isang lisensiyadong Triple A contractor base sa…
Read MoreNEWS BLACKOUT SA SALAMIDA MURDER
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HALOS isang buwan makalipas ang pamamaslang sa Advertising Manager ng Saksi Ngayon na si Gwen Salamida sa kanyang beauty salon sa Quezon City, usad-pagong kundi man tila isang news blackout ang pinaiiral ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng imbestigasyong isinasagawa nito. Maging si Quezon City Police District (QCPD) Director Antonio Yarra na siyang may direktang sakop sa lugar kung saan naganap ang krimen, tikom ang bibig sa mga mga kaganapan kaugnay ng kaso. Ayaw rin niyang magpaunlak ng panayam sa kabila ng paulit-ulit na hiling…
Read MorePAGBILI NG REFORMULATED BOOSTER JABS IKINAKASA
NAKIKIPAGNEGOSASYON na ang National Task Force Against COVID-19 para makabili ng reformulated booster jabs na rekomendado para labanan ang umuusbong na coronavirus variants. Ang tinaguriang next-generation vaccine boosters ang magpapalawig sa pagiging epektibo ng COVID-19 jabs. “We are now negotiating for next year as directed by (Department of Finance) Secretary (Carlos) Dominguez with four manufacturers for the introduction of a reformulated booster,” ayon kay NTF Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. Nauna rito, binanggit na ni Galvez na ang gobyerno ay nasa inisyal na kasunduan sa multilateral partners…
Read MoreSa mga bakunadong estudyante LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES PAYAGAN NA
NANAWAGAN si Senador Francis ‘Tol’ Tolentino sa Malacañang na payagan na ang limitadong face-to-face classes para sa mga mag-aaral sa graduate school at law school. Sa kanyang lingguhang programa sa DZRH, sinabi ni Tolentino na wala siyang nakikitang problema kung papayagan ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ibalik sa face-to-face ang klase ng mga estudyanteng kumukuha ng post-graduate degrees basta’t sila’y bakunado na kontra COVID-19. Ani Tolentino, karamihan sa mga mag-aaral na kumukuha ng post-graduate programs ay kabilang sa uring manggagawa at kwalipikadong bakunahan laban sa COVID. Paliwanag…
Read MoreWALANG UMAY KONTRA ‘UKAY’
SA tulong ng mga impormante, nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cebu ang P2-milyong halaga ng mga pinaglumaang damit na inangkat pa mula sa bansang Korea. Sa impormasyong mula sa BOC, Setyembre 7 nang masabat ng mga kawani ng Port of Cebu ang 288 balyenang naglalaman ng mga ukay-ukay na karaniwang ibinebenta sa merkado sa kabila pa ng batas na nagbabawal sa pag-angkat, pagbebenta at pagbili nito bunsod na rin sa panganib sa kalusugang dala ng mga nasabing lumang kasuotan. Sa isang pahayag, lumalabas…
Read More