SIYAM katao, kabilang ang ilang paslit, ang naiulat na nasawi sa loob ng dalawang araw na pananalasa ng bagyong Maring sa Mimaropa at bahagi ng hilagang Luzon base sa paunang ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC). Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations sa 16 na nawawala. Ayon kay Mark Timbal na siyang tumatayong tagapagsalita ng NDRRMC, kabilang sa mga hinahanap pa rin ang apat kataong pinaniniwalaang natabunan sa pagguho ng lupa sa Benguet. Binayo ng bagyong Maring ang malaking bahagi ng Luzon na nagdulot…
Read MoreDay: October 12, 2021
3 PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON
QUEZON – Tatlong lalaki ang namatay sa dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Lunes. Ayon sa ulat, magkasamang nanonood ng telebisyon sa loob ng isang vulcanizing shop sa Brgy. Malabanban Norte sa Candelaria ang dalawang biktimang sina Michael Tañada Fuentes, 40, at Jerome Luterte Maraon, 28, nang dumating ang mga suspek at sila ay pinagbabaril dakong alas-9:00 ng gabi. Habang sa bayan ng Lopez, pinagbabaril din hanggang sa mapatay ang furniture maker na si Michael Nobilla Fullante, 40, sa loob ng bahay nito sa Barangay Calantipayan. (NILOU DEL CARMEN) 120
Read MoreRIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA DUMP TRUCK
CAVITE – Patay ang isang rider habang sugatan ang angkas nito nang mawalan ng balanse ang motorsiklo matapos masagi ng dump truck at magulungan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Isinugod sa Las Piñas District Hospital ang mga biktima ngunit hindi umabot nang buhay si Eleazar Gulfo Agaraw, nasa hustong edad, habang inoobserbahan ang kalagayan ng angkas nitong si Orlando Pongon Velche. Pinaghahanap naman ang driver ng isang pulang HOWO dump truck na si Kenneth Mariano na tumakas makaraan ang insidente. Ayon sa ulat ni…
Read MoreFRANK, UMUKIT NG NEW PH RECORDS
HINDI man nag-podium finish sa 2021 Finlandia Trophy Linggo ng gabi (Manila time), wagi pa rin si Filipino-American figure skater Sofia Frank nang makapagtala ng bagong national records. Ayon sa Philippine Skating Union via Facebook, hawak na ni Frank ang record para sa country’s best score sa short program, free skating at total score. Sa Finlandia Trophy ay umiskor ang 16-year-old figure skater ng 53.30 sa short program at 94.79 sa free skating event para sa total score 148.09, para tumapos na 18th place. Kaya masayang binati ng PSHU ang…
Read MoreKAP SASAGUPA SA BATA NI DU30
NAHAHARAP sa matinding sagupaan ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Bulacan. Ang kanyang tatapatan – pambato ng administrasyong Duterte. Gayunpaman, kampante si Kapitan Renato Castro ng Barangay Manggahan, na makakasilat ng panalo laban sa pambato ng PDP-Laban na si Vice-Mayor Ricky Buenaventura, lalo pa’t kabi-kabilang pag-endorso na ang ipinahatid ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor. Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta kay Castro ang 20 pastor mula sa iba’t ibang religious organizations, mga negosyante, non-government organizations at maging ang mga residente…
Read MorePBA IMPORTS BABALIK SA 2nd CONFERENCE
Ni ANN ENCARNACION MULING ibabalik ng Philippine Basketball Association (PBA) ang import-laced conference sa huling bahagi ng taon. Ngunit sinabi ni PBA Commissioner Wilie Marcial, may height limit na hanggang 6-foot-6 lang ang mga import sa second conference, na planong simulan sa kalagitnaan ng Nobyembre. Kabilang sa mga nakaraang import na pasok sa height limit sina Justin Brownlee, Allen Durham, Eugene Phelps at KJ McDaniels. Maliban sa height limit, required din na fully vaccinated laban sa COVID-19 ang kukuning import ng 12 member teams ng PBA. Ang Barangay Ginebra ang…
Read MoreCURFEW HOURS SA NCR MAS PINAIKLI
BABAWASAN pa ang oras ng ipinatutupad na curfew sa Metro Manila. Ayon kay Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, napagkasunduan ng Metro mayors na pairalin mula ngayong araw ang 12-midnight hanggang 4:00 AM na unified curfew. Layon umano nito na mas marami pang negosyo ang magbukas ngayong patuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR). Kahapon nagtapos ang 10 P.M. hanggang 4 A.M. na curfew sa Metro Manila. (CHRISTIAN DALE) 218
Read More3 HOLDAPER TUGIS SA PAGPATAY SA STORE OWNER
PAKAY ngayon ng follow-up operation ng Manila Police District ang tatlong kalalakihan na nanloob at tumangay ng mahigit P100,000 cash at mobile phone sa 52-anyos na store owner na kanila ring binaril at napatay sa Singalong, Malate, Lunes ng madaling araw. Sa ulat ng pulisya, alas-5:40 ng madaling araw nang looban ng mga salarin ang tindahan ng biktimang si Rodrigo Nuneza Arizo sa 2224 – B, Singalong St., Malate. Salaysay ni Elona Mae Yanggo, 25, stay-in tindera ng biktima, dumating sa tindahan ang tatlong armadong lalaki sakay ng dalawang motorsiklo…
Read MoreAKTOR KINASUHAN TAPOS PAKAWALAN
KUMAMBYO ang Eastern Police District (EPD) sa ginawa nitong pagpapakawala sa artistang si Jake Cuenca na una nang dinakip matapos takbuhan ang police service car na nabangga ng sasakyang kanyang minamaneho noong nakaraang Linggo ng gabi sa Mandaluyong City. Nauwi lang sa regular filing ng kasong Disobedience at Reckless Imprudence Resulting in Damage to Properties na isinampa ng pulisya sa piskalya dahil lagpas na sa 12-hour prescribed period ang pagsasampa ng asunto laban sa aktor. Ayon sa pulisya, Linggo ng gabi nang mabangga ni Cuenca ang sasakyan ng mga pulis…
Read More