LIBU-LIBO ang sumalubong kina UniTeam Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice Presidential aspirant Sara Duterte sa kanilang pagbisita sa Borongan, Eastern Samar, nitong Lunes, Nobyembre 30. Unang nagtungo ang BBM-Sara UniTeam upang opisyal na pasinayaan ang pagbubukas ng UniTeam headquarters sa Borongan City. Bago naman tumuloy sa UniTeam rally sina Marcos Jr. at Sara, isang motorcade ang isinagawa nila bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga Boronganon sa kanilang tambalan. Napuno naman ng mga tao na nakapula at berde ang mga kasuotan ang kahabaan ng Bay Boulevard…
Read MoreDay: November 30, 2021
PAYAGAN, LIVE AUDIENCE SA PRO SPORTS – GAB
ASAM ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Baham Mitra na pagbigyan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kahilingan nila para sa live audience sa mga professional league tulad ng PBA, VisMin Super Cup, football, golf championship, volleyball, gayundin sa promosyon ng boxing at combat sports at horse racing. “Hopefully yung face-to-face chess competition mapagbigyan na rin maibalik pati yung e-sports competition para makabawi na rin ang ating mga atleta at sponsors. Importante, susunod sa masinsin na safety and health protocol dahil priority pa rin naman ang kalusugan,” pahayag ni…
Read MoreABOGADO NI OBIENA HAHARAP SA PATAFA
HINDI na makikipag-usap si 2020 Tokyo Olympian Ernest John “EJ” Obiena sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Sa halip, si Atty. Alex Avisado at ang Gana Tan Atienza Avisado Law Offices na ang gagawa nito para sa ’embattled’ athlete sa lahat ng “current and future investigations, including the filing of any possible and appropriate civil, criminal, and administrative actions” kaugnay sa mga paratang sa kanya ng national sports association (NSA). Sina Jim Lafferty at Atty. Bobbet Bruce naman ang magiging official spokespersons ni Obiena na sasagot sa mga…
Read MoreUS TEAM BINUHAT NI IT vs CUBA
SA Chihuahua, Mexico, isinalba ni Isaiah Thomas ang US Team sa kamuntik nang upset, nang talunin ang Cuba, 95-90 sa World Cup qualifying opener. Qualifying event ito para sa 2023 Fiba World Cup. Umiskor si Thomas ng 21 points, kasama ang pinang-selyong 3-pointer sa huling 13.3 seconds, nang burahin ng Americans ang seven-point deficit sa fourth quarter. “It’s an honor and a privilege to put USA on your chest,” pahayag ng 32-year-old na si Thomas. “So, anytime USA Basketball comes calling, I’m always going to be for it. We have…
Read MoreCurry natawagan ng ‘T’ GALIT BINUNTON SA CLIPPERS
MATAPOS matawagan ng ‘T’, ibinuhos ni Stephen Curry ang galit sa Los Angeles Clippers. Ang oras, 9:08 sa fourth quarter nang pituhan ang Golden State Warriors star ng technical foul. Makaraan nito, iniskor niya ang 11 ng kanyang 33 points para durugin ang Clippers 105-90, at i-extend sa walong sunod ang winning streak, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Staples Center. “It was just an accumulation of all types of weird stuff. All that led into where I thought I got a foul,” komento ni Curry, mayroon ding season-high…
Read More160K VOLUNTEERS IKINALAT SA 11K VAX SITES
SA unang araw ng pagsipa ng National Vaccination Days, tinatayang nasa 160,000 volunteers ang itinalaga sa 11,000 vaccination sites sa iba’t ibang panig ng bansa para sa tatlong araw na malawakang pagbabakuna kontra COVID-19. Sa loob ng tatlong araw, target ng pamahalaan bigyang proteksyon laban sa nakamamatay na sakit ang hindi bababa sa siyam na milyong Pilipino sa hangaring mapabilis ang national vaccination program na pinangangasiwaan ng mga local government units (LGU). “Handang-handa na po ang buong sambayanan sa ating Bayanihan, Bakunahan. Prepared na prepared na po ang ating National…
Read MoreLOCAL RESPONSE VS COVID-19 PINALALAKAS
TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na pinalalakas at pinaiigting na ng gobyerno ang local response laban sa COVID-19 makaraang ideklarang variant of concern ang Omicron. Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan ang pagbibigay kautusan sa mga local government unit o LGUs na palakasin pa ang kanilang mga paghahanda at pagsasagawa ng clustering ng mga kaso ng virus. Mahalaga rin aniyang mas mapalawak pa ng mga ito ang kanilang active case finding sa pamamagitan ng pagsasagawa ng agarang contact tracing…
Read More35% DISKWENTO SA SENIOR CITIZENS, LUSOT SA KOMITE
LUSOT na sa committee level ng Kamara ang panukalang VAT-exemption na nagpapaliwanag ng diskwento para sa mga Pilipinong edad 60 pataas. Bukod sa VAT exemption, aprubado na rin sa House committee on ways and means ang panukalang diskwento sa hanay ng mga senior citizens para sa mga buwanang bayarin sa kuryente at tubig. Gayunpaman, tanging mga bayaring katumbas ng konsumong 150 kilowatts (sa kuryente) at 30 cubic meters (sa tubig) ang pasok sa ilalim ng substitute bill na ipinasa sa komite. Nakatakda na rin isampa sa plenaryo ang consolidated version…
Read MoreOFWs, NALUNGKOT SA ‘REDLIST’ NG IATF
MAPAGPALANG araw mga ka-Saksi, abot-abot ang kalungkutan at panghihinayang ng mga kabayani nating overseas Filipinos dahil sa inanunsyo ng IATF ang travel ban sa mga bansang nasa ilalim ng red list dulot ng bagong COVID variant na ‘Omicron’ na nananalasa sa mga bansa sa Europa at Africa. Sa group chats ng mga kabayani natin, nanghihinayang sila sapagkat naka-book na umano ang kanilang flights sa Pilipinas para makasama ang kanilang pamilya sa Kapaskuhan hanggang New Year. Nagastusan na umano sila sa COVID tests, tiket at nabiling mga pasalubong at iba pang…
Read More