HINDI naging pabaya ang Bureau of Customs (BOC) sa kampanya kontra fuel smuggling. Ito ang giit ng nasabing ahensya bilang tugon sa panukala ng isang kongresista para sa pagbuo ng bukod na task force na sasagupa sa mga oil smugglers. Sa ulat ng BOC, ibinida nito ang over 81,000 litrong kanilang kinumpiska sa mga isinasagawang operasyon at pagpapatrolya ng kawanihan sa mga karagatang pasok sa mandato ng ahensya. Sa isang pagdinig na ipinatawag ng House ways and means committee, hiniling ng BOC sa Kamara ang pagtalakay sa nakabinbing panukalang pagbuo…
Read MoreDay: December 1, 2021
IMBENTARYO NG BAKUNA, INILABAS NA
BAGO pa man magsara ang taon, inilabas ng Bureau of Customs (BOC) ang imbentaryo ng mga lumapag na bakuna at iba pang medical supplies na kailangan ng pamahalaan kontra COVID-19 mula buwan ng Pebrero hanggang sa ikatlong linggo ng Nobyembre ng kasalukuyang taon. Batay sa datos ng BOC, umabot na sa 202 kargamento ang pumasok at dumaan sa iba’t ibang pasilidad sa saklaw ng kawanihan. Sa nasabing ulat, lumalabas din ini-release ang mga nasabing kargamento sa 164 batches (bugso). Sa tala ng kawanihan, pinakamarami ang pumasok na bakunang CoronaVac na…
Read MoreP102-M tsaa-bu silat sa BOC LAKAS TAMA
SILAT sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Bureau of Customs (BOC) sa Caloocan City ang P102-milyong halaga ng drogang nakakubli sa mga pakete ng tsaa. Sa isang entrapment operation, arestado ang 42-anyos na residente ng Pasay City na si Randy Rafael Rodriguez, kasabay ng pagkumpiska ng 15 kilo ng shabu sa pag-iingat ng suspek. Bago pa man isinagawa ang operasyon kontra droga, una nang nakatanggap ang kawanihan ng isang intelligence report kaugnay ng mga kargamentong tsaa…
Read MoreUNITEAM SUPPORTERS NAGSANIB-PWERSA SA SAN JUANICO BRIDGE
ISANG makasaysayang pagtatagpo ng mga tagasuporta nina UniTeam Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice Presidential bet Sara ‘Inday’ Duterte ang naganap noong Martes ng hapon, Nobyembre 30, 2021, sa pinakamahabang tulay sa bansa, ang San Juanico bridge, na nagdudugtong sa probinsya ng Leyte at Samar. Ang “salubong” sa San Juanico Bridge ay pagkakaisa ng hilaga at timog na sumisimbolo sa pagkakaisa ng Luzon, Visayas at Mindanao sa likod ng BBM-Sara UniTeam at sa paniniwalang sa pamamagitan ng mapagkaisang liderato ng dalawa ay makakamtan ng bansa ang pagkakaisa, kapayapaan…
Read More