CLIMATE CHANGE

PANGALAWA ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na apektado ng Climate Change o pagbabago ng panahon na ang itinuturong dahilan ay ang industrialize countries tulad ng China at Amerika. Ibig sabihin, ang Pinas kasama ang Japan (una sa listahan), Germany, Madagascar, India, Sri Lanka at Kenya ang nagdudusa habang ang industrialize ­countries ay patuloy ang ligaya. Kawawa tayong maliliit na bansa dahil imbes na umangat tayo ay lalo tayong nalulugmok sa kahirapan at utang dahil sa laki ng epekto ng malalakas na bagyo na dumarating taon-taon at pa­lakas nang…

Read More

TUGON NG LGU SA NAGREREKLAMO

HABANG abala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa propaganda… este, pagpapaganda ng Manila Bay kung saan mamamasdan ang nakamamanghang ­pagl­­ubog ng araw sa tuwing sasapit ang dapit-hapon, abala naman sa pagwasak ng kalikasan ang ilang local government officials sa bayan ng Bagac sa lalawigan ng Bataan. Dangan naman kasi, kabi-kabila ang pangangalakal ng mga anyong tubig kung saan may tila walang humpay na pagmimina ng tinatawag na black sand na gamit ng ­construction companies sa iba’t ibang imprastraktura. Ang siste, pawang local permits lang ang hawak ng…

Read More

BBM HUMATAW SA MBC-DZRH SURVEY

ALIKABOK ang kakainin ni Vice President Leni ­Robredo laban kay dating Bongbong Marcos (BBM) kung nitong ­Disyembre 11 hanggang 12, 2021 ginanap ang ­presidential election. Bakit kamo? Base sa inilabas na latest survey ng Manila Broadcasting Company (MBC) DZRH radio station ay sobrang layo ang diperensiya ng boto ng dalawang presidentiable. Sa by region na isinagawang survey ng MBC-DZRH mula Disyembre 11 hanggang 12 taong kasalukuyan, halos lahat ng rehiyon sa bansa ay lamang si BBM laban kay Robredo. Maliban sa nag-iisang Region 5 (Bicol Region) na kilalang balwarte ni…

Read More

2021 World Swimming Championship CHLOE ISLETA MAY NEW PH RECORD

SA pangalawang pagkakataon ay nakapagtala ng bagong Philippine swim record si Chloe Isleta, Lunes ng umaga sa 2021 FINA World Swimming Championship (25m course) sa Abu Dhabi, United Arab Emirates. Nakuha ng 23-anyos na si Isleta ang bagong national record sa 50m backstroke nang lumangoy ng 27.62 segundo. Tinabunan niya ang dalawang taong record na 29.53 segundo ni Olympian Jasmine Alkhaldi noong Disyembre 5, 2019 sa 30th Southeast Asian Games. Kamakalawa ay binura din ni Isleta ang 13-taong women’s 100 backstroke national record nang magtala ng 1:00.42 minuto. Nahigitan niya…

Read More

2022 PARA SA LGUs

SA pagsasabatas ng Local Government Code taong 1991, malinaw ang hangaring bigyang poder ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapasya kung ano ang dapat pagtuunan ng pansin, batay na rin sa sentimyento at pangangailangan ng mga mamamayan. Makalipas ang 30 taon, ang Republic Act 7160 ay nanatiling dekorasyon na tila ba bahagi lang ng makapal nang ­aklat ng mga panukalang ipinasa ng ­Kongreso – bagay na ayon sa gobyerno ay tuluyang matutuldukan sa pagpasok ng taong 2022 na siyang hudyat ng pagsasakatuparan ng tinatawag na devolution o paglilipat ng mga…

Read More

KAHANDAAN SA DELUBYO TINULUGAN NG SENADO

PINAGBUNTUNAN ng sisi ng isang militanteng kongresista ang Senado na aniya’y tinulugan lang ang nakabinbing panukalang batas na naglalayong paghandaan ang hagupit ng mga delubyo. Partikular na tinukoy ni House deputy minority leader Carlos Zarate ang House Bill 5259 na ipinasa ng Kamara noon pang nakaraang Marso. Sa ilalim ng HB 5259, nakasaad ang probisyong naglalayong magtaguyod ng mga permanenteng evacuation centers kung saan pwedeng gawing pansamantalang tahanan ng mga pamilyang apektado ng mga delubyo tulad ng pagbaha, pagguho ng lupa, lindol at iba pa. Aniya, hindi man lang gumalaw…

Read More

BRP Ang Pangulo GAGAMITING FLOATING HOSPITAL

IPINAGAGAMIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ‘BRP Ang Pangulo’ bilang floating hospital. Nauna nang inihayag ng Chief Executive na gamitin ang lahat ng resources ng pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta kasama na ang atensiyong medikal. Kaugnay nito, sinabi ni Acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na kumikilos na ang Department of Health para sa pagpapadala ng augmentation force ng mga health personnel. Maging ang Eastmincom ay magsisimula na ring magdeploy ng medical team upang umasiste at sumuporta sa DOH na tutugon sa mga…

Read More

T’WOLVES NAMAYANI SA MAVS

SA labanan ng dalawang short-handed teams, namayani ang Minnesota Timberwolves kontra Dallas Mavericks, 111-105, sa pa­ngu­nguna nina Karl-Anthony Towns (24 points) at D’Angelo Rus­sell (22 points), sa ­Minnea­polis. Wala sa Dallas si star guard Luka Doncic, at may dalawa pang player na ipinasok sa health and safety protocols sa nakalipas na dalawang araw. Idinagdag naman ng Minnesota si Josh Okogie, habang nauna nang pumasok sa COVID protocol sina Anthony Edwards at Taurean Prince. Minalas pa ang Mavericks nang mawala sa third quarter si forward Kristaps Porzingis sanhi ng right foot…

Read More

PDu30 sa mga nasalanta ni ‘Odette’ ‘GIVE US MORE TIME’

NAKIUSAP si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa local chief executives ng mga lugar na labis na sinalanta ng bagyong Odette na bigyan pa ng sapat na panahon ang gobyerno na makapangalap ng pera para tulungan ang mga ito na makabalik sa kanilang normal na pamumuhay. Umamin ang Pangulo na nasimot na ang pondo ng bansa dahil napunta ito sa paglaban sa COVID-19. Ang pahayag na ito ng Chief Executive ay matapos siyang mangako ng P2 bilyon para tulungan ang mga nabiktima ng bagyo sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao…

Read More