2021 World Swimming Championship CHLOE ISLETA MAY NEW PH RECORD

SA pangalawang pagkakataon ay nakapagtala ng bagong Philippine swim record si Chloe Isleta, Lunes ng umaga sa 2021 FINA World Swimming Championship (25m course) sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Nakuha ng 23-anyos na si Isleta ang bagong national record sa 50m backstroke nang lumangoy ng 27.62 segundo.

Tinabunan niya ang dalawang taong record na 29.53 segundo ni Olympian Jasmine Alkhaldi noong Disyembre 5, 2019 sa 30th Southeast Asian Games.

Kamakalawa ay binura din ni Isleta ang 13-taong women’s 100 backstroke national record nang magtala ng 1:00.42 minuto.

Nahigitan niya ang dating record na 1:02.33 ni Joan Simms noong Abril 9, 2008.

Umaasa si Isleta na makakasama sa pambansang delegasyon sa 31st SEA Games sa Vietnam sa Mayo, 2022. (ANN ENCARNACION)

131

Related posts

Leave a Comment