PDu30 sa mga nasalanta ni ‘Odette’ ‘GIVE US MORE TIME’

NAKIUSAP si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa local chief executives ng mga lugar na labis na sinalanta ng bagyong Odette na bigyan pa ng sapat na panahon ang gobyerno na makapangalap ng pera para tulungan ang mga ito na makabalik sa kanilang normal na pamumuhay.

Umamin ang Pangulo na nasimot na ang pondo ng bansa dahil napunta ito sa paglaban sa COVID-19.

Ang pahayag na ito ng Chief Executive ay matapos siyang mangako ng P2 bilyon para tulungan ang mga nabiktima ng bagyo sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao noong nakaraang linggo.

Sa situation briefing sa Maasin City, Leyte, noong Sabado, humingi ng pang-unawa ang Pangulo sa publiko habang ang pamahalaan ay nangangailangan ng sapat pang panahon para makapangalap ng pondo.

Nagpatawag na ang Pangulo ng pulong para resolbahin ang usaping ito.

“The important thing is — let’s not talk about how long the help will arrive. Give us a little bit of time because the year is about to end, the budget, and a big chunk of our funds was spent on COVID,” ayon sa Pangulo.

“There’s no limit even until now for as long as the people need it. So that’s what we’re going to work on tomorrow. I called for a meeting with the Budget team today. I already met with a few of my Cabinet members last night,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

105

Related posts

Leave a Comment