COVID SURGE SA GITNA NG SAID NA PONDO

NANGANGAMBA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mapagastos muli ang pamahalaan sa panibagong surge ng Omicron variant of COVID-19. Sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na nasaid na ang pondo ng pamahalaan dahil sa ginagawang COVID-19 response ng gobyerno. “Let me be frank to the public, depleted na talaga ang pera ng Pilipinas even coping up with the growing expenses for typhoon victims,” ayon kay Pangulong Duterte na ang tinutukoy ay ang pangangailangan para sa relief operations sa mga lugar na hinagupit ng bagyong…

Read More

111 KATAO NALASON SA PAYOUT NG PULI AT LK SA QUEZON

SA hindi pa mabatid na kadahilanan, mahigit 100 katao kabilang ang ilang empleyado ng pamahalaang panlalawigan ang naging biktima ng food poisoning habang ginaganap ang isang malaking pagtitipon sa Quezon Convention Center kamakalawa. As of 9pm, Martes, napag-alaman na umaabot na sa 111 ang bilang ng mga nalason na dinala sa Quezon Medical Center sa lungsod ng Lucena. Ang mga ito ay pawang kaanib ng Provincial Union of Leaders against Illegalities (PULI) at ng Luntiang Katipunero (LK) at nagmula pa sa mga bayan ng Infanta, Tagkawayan, Tiaong, Calauag, Guinayangan, San…

Read More

6 REHIYON ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

INILAGAY na sa state of calamity ang anim na rehiyon na hinambalos ng bagyong Odette noong nakaraang linggo. Sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity sa Region 4B, 6, 7, 8, 10 at 13. Sinabi pa ng Pangulo na ang nasabing deklarasyon ay makapagpapabilis sa relief at rehabilitation efforts sa calamity-stricken areas. Sa ulat, nauna nang nanawagan si Albay Rep. Joey Salceda sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na irekomenda kay…

Read More

MARAMING PWEDENG PAGKUNAN NG PONDO SA RELIEF OPS – SOLON

SA kabila ng pagkaubos ng calamity fund ng gobyerno, iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na marami pang ibang pondong maaaring mahatak upang ipantustos sa rehabilitation effort sa mga tinamaan ng bagyong Odette. Sinabi ni Drilon na nakalulungkot ang pahayag ng gobyerno na wala nang pera upang ipantustos sa mga biktima ng kalamidad. Binigyang-diin ng senador na maaring magsagawa ng cash sweep ang Department of Finance upang masuri ang mga nairelease na pondo subalit hindi pa nagagastos ng mga ahensya. Maaari ring kunin ang mga pondong naka-park sa bank…

Read More

BI sa paalis na travelers: PUMUNTA SA AIRPORT NANG MAS MAAGA

HINIKAYAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa travelers na papaalis papuntang ibang bansa sa panahon ng holidays, na maging maaga sa pagpunta sa airport para sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing. Ayon sa pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, pinaalalahanan niya ang travelers na maging mas maaga na magtungo sa airport sa kanilang scheduled departure flights para matiyak na hindi sila mabitin sa kanilang oras sa pag-check sa kanilang airlines at para matiyak na rin ang social distancing sa immigration area. Suhestiyon din ng local airlines na ang travelers ay magsimulang pumasok…

Read More

P8-M FOOD PACKAGES AYUDA NG CHINA SA ODETTE VICTIMS

KUMILOS na rin ang China matapos na matunghayan ang lawak ng pinsalang idinulot ng Typhoon Odette na nanalasa sa maraming lalawigan sa Visaya at Mindano na tinatayang kumitil ng mahigit 300 katao. Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, naghatid ng 20,000 food packages ang China na nagkakahalaga ng P8 milyon, sa iba’t ibang probinsya sa bansa na hinagupit ng naturang bagyo. Kabilang na aniya rito ang probinsya ng Cebu, Leyte, Negros Occidental, Bohol, Cagayan de Oro City, Surigao City at Negros Oriental. Pahayag pa ni Ambassador Huang, gagawin…

Read More

Kritiko supalpal sa dokumento ng BIR TAX DUES NI BONGBONG BAYAD NA

BINASAG ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. nitong Miyerkoles ang paninirang ginagawa ng mga kritiko hinggil sa umano’y hindi niya pagbabayad ng buwis, nang ipakita nila ang sertipikasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagpapatunay na mali ang lahat ng akusasyon laban sa dating senador. Sa ipinatawag na press conference, mala-bombang pinasabog ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Marcos Jr., ang katotohanan nang ipresenta niya ang BIR certification na inisyu noong Disyembre 9, 2021 na nagpapatunay na bayad na ng dating senador…

Read More

500 BATA SA MARCOS VILLAGE AT AETA COMMUNITIES SA PAMPANGA AT TARLAC, PINASAYA NI BBM

NAGING maligaya ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ng may 500 bata mula sa Marcos Village sa Mabalacat at mga Aeta communities sa Pampanga at Tarlac nang handugan sila ng aginaldo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. nitong Martes. Mainit na sinalubong siyang sinalubong ng mga bata a Marcos Village gymnasium kung saan isinagawa ang Christmas gift giving. Sinabi ni Marcos na ang Pasko ay sumisimbolo sa kapanganakan ni Jesus kaya’t dapat itong ipagdiwang taun-taon, lalo na ng mga batang paslit. “Alam nyo po talagang para…

Read More