Sa mga lalawigang winasak ni Odette PAGKAIN, TUBIG PAUBOS NA

NAGKUKUMAHOG ang tatlong Major Service Command ng Armed Forces of the Philippine na makapaghatid ng pagkain at malinis na tubig sa daang libong tao sa evacuation centers at mga nawalan ng tirahan bunsod ng paghagupit ng Typhoon Odette, dahil nararamdam na ang pagkaubos ng pagkain at tubig-inumin sa maraming lugar. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na siya ring chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, prayoridad sa ngayon ay ang paghahatid ng pagkain, tubig at tulong medikal sa mga biktima. Aniya, inatasan na niya ang AFP na i-deploy ang lahat ng…

Read More

P37-M SMUGGLED AGRICULTURAL PRODUCTS NASABAT

TINATAYANG nasa P37 milyong halaga ng smuggled na produktong agrikultura ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of Subic noong nakaraang Martes sa Zambales. Base sa report ng BOC, nadiskubre ang kontrabando dahil sa pagsasagawa ng Pre-Lodgment Control Orders sa shipment na naka-consign sa EMV Consumer Goods Trading at JKJ International Co. Ayon sa ulat, nagsagawa ang BOC ng physical examination sa isang container van na idineklarang 4,050 pakete ng ‘anti-bacterial wipes’ ngunit lumabas na mga ‘refined sugar’ pala ang laman. Isa pang container van na idineklarang ‘mantou bread’ at ‘egg tarts’ ang…

Read More

1K TURISTA SA SIARGAO, APEKTADO KAY ODETTE

MAHIGIT 1,000 domestic tourist sa Siargao Island sa Surigao del Norte ang naapektuhan nang manalasa ang bagyong Odette noong Disyembre 16. Ito ang kinumpirma ni Agusan del Norte Rep. Francisco Jose “Bingo” Matugas II sa media kahapon, kung saan 600 pa lamang sa mga turistang ito ang nailikas habang ang mahigit 400 ay nasa isla pa dahil sa problema sa transportasyon. Ang Siargao Island ang surfing capital ng Pilipinas na dinarayo, hindi lamang ng mga dayuhan kundi ng mga local tourist. Bukod sa mga turista, 99% umano sa 180,000 populasyon ng Siargao Island…

Read More

NO PLANS TO PAUSE – NBA

“NO plans right now to pause the season,” ayon kay NBA Commissioner Adam Silver, Martes (Miyerkoles sa Manila) bilang tugon sa katanungan kung may plano ba ang liga na itigil ang ongoing season dahil sa COVID-19. “We’ve, of course, looked at all the options. We’ve had trouble coming up with what the logic would be for pausing,” dugtong ni Silver. Sa ulat ng ESPN, sinabi ni Silver, ang NBA league, gaya rin ng komunidad, ay kinakailangang mapag-aralan ang pamumuhay sa kabila ng virus, kahit pa nga naririyan ang Omicron variant…

Read More

PAGTULONG SA ODETTE VICTIMS, TINOTODO NA NG PITMASTER

TINOTODO na ng Pitmaster Foundation ang pagtulong sa mga apektado ng kalamidad sa iba’t ibang panig ng bansa. Sinasabing dahil pahirapan ang paghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette sa Mindanao at Visayas Region, minabuti ng Pitmaster na makipag-ugnayan sa Philippine Marines 72nd Marangal Battalion. Sa ganitong paraan nga naman, mabilis na maihahatid ang mga kinakailangang ayuda sa mga biktima. Sa isang panayam, sinabi ni Pitmaster Foundation ­Executive Director Caroline Cruz na personal nilang sinilip ang mga dinaanan ni Odette at marami talagang mga kalsada ang sira o…

Read More

DASAL SA MGA BIKTIMA NI ODETTE

RAMDAM natin ang pinagdadaanang pagsubok ng mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao dahil wala siguro sa atin, maliban sa taga-Metro Manila, ang nakaranas ng matinding hagupit ng bagyo. Sa Cagayan Valley na probinsya namin, maraming malalakas na bagyo ang sumubok sa amin tulad ng bagyong Lawin noong Oktubre 2016; Ompong noong 2018 at Ulys­ses noong November 2020. Maliban sa Ulysses na nagpalubog sa halos buong lalawigan ng Cagayan, ang Lawin at Ompong ang pinaka­mapaminsala na talagang ininda ng Cagayanos dahil hindi lamang ang kanilang ari-arian ang nasira…

Read More

SUGALAN SA VIKING PERYA, MENOR DE EDAD ANG PARUKYANO?

TILA walang pakialam ang may-ari ng peryahan ng Viking na matatagpuan sa tabi ng Caloocan City Complex sa Brgy. 171 Bagumbong, sa mga menor de edad na nagsusugal sa kanila ng tinatawag na “color game”. Sinasamantala ng may-ari nito ang kasabikan ng mga bata na matagal na hindi nakalabas sa loob ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic. Ngayon dahil muli na namang nagluwag ang gobyerno sa kanilang ipinatutupad na quarantine protocols matapos humupa na nang paunti-unti ang mga nahahawaan ng veerus, ay muli namang namamayagpag ang mga sugal sa…

Read More

BALIK-SINDIKATO

WALANG masama sa paalala ng ibayong pag-iingat sa gitna ng panibagong banta ng mutated virus strain, bagay na ginawa naman ng punong tagapagpaganap ng pamahalaan. Ang masama ay ang kalakip na rekomendasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pwersahang pagpapatupad ng muling paggamit ng face shields na tila pahiwatig nang muling pamamayagpag ng mga tiwali at kasapakat na sindikato sa likod ng kartel na nagsusuplay ng medical logistics sa pamahalaan. Ayon sa Pangulo, dagdag proteksyon ang paggamit ng face shields sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19. Malaki rin…

Read More

EDAD 18 PATAAS PASOK SA BOOSTER

EPEKTIBO Disyembre 22, 2021, ang lahat ng adults na nasa edad 18 pataas ay puwede nang tumanggap ng single dose booster ng COVID-19 vaccine. Inulit ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang paalala ng DOH sa kanyang public briefing. “At least 3 months,” matapos na makatanggap ng isang indibidwal ng second dose ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac o Sputnik vaccine ay puwede nang makatanggap ng single dose booster, ani Nograles. O kaya naman aniya ay, “at least 2 months” pagkatapos nilang makatanggap ng Janssen ay puwede na…

Read More