MARAMI pang lugar sa bansa ang inilagay sa ilalim ng pinakamababang Alert Level 1 status mula Mayo 3 hanggang 15. Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang isang rekomendasyon. Sa kabilang dako, ang mga sumusunod na lalawigan, highly urbanized cities (HUCs), at independent component cities (ICCs) ay inilagay sa ilalim ng Alert Level 1: Para sa Luzon, Nueva Vizcaya sa Region II; at para sa Mindanao, Misamis Occidental sa Region X. Ang…
Read MoreDay: May 3, 2022
MAIINGAY NA SUPPORTERS NI LENI, HINDI BOTANTE
HINDI nakapiyok ang mga kilalang supporter ni Vice President Leni Robredo sa patutsada ni Manila Times columnist Bobby Tiglao na hindi sila mga botante sa Pilipinas at hindi maaaring bumoto sa darating na Mayo 9. Hanggang sinusulat ito ay tahimik ang kampo nina Maria Ressa at Jim Paredes sa patutsada ni Tiglao. Sina Ressa at Paredes, kasama ang nakatira rin sa US na si Loida Lewis at iba pang supporter na US citizens, ang nangunguna para ikampanya si Robredo na wala namang ginawa kundi siraan ang kampo ni presidential frontrunner…
Read MorePinahinto na ni Duterte GOODBYE E-SABONG
TULUYAN nang tutuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang e-sabong kasunod ng rekomendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año. “The recommendation of Sec. Año is to do away with e-sabong,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, nitong Martes. “And I agree with it, e-sabong will end by tonight…or bukas,” dagdag na pahayag nito. Epektibo kahapon, Mayo 3, ang pagpapatigil sa operasyon ng e-sabong subalit isasapubliko pa lang ang mga pinal na detalye kaugnay dito. Nauna rito, nagsagawa ng mahigpit na pagsusuri ang Department of the Interior and…
Read MoreIMEE: KRISIS SA PAGKAIN SA BUONG MUNDO PAGHANDAAN
IGINIIT ni Senador Imee Marcos na kailangang maitama sa lalong madaling panahon ang maling distribusyon ng mga produktong pang agrikultura mula sa mga magsasaka tungo sa mga konsyumer, sa gitna ng napipintong krisis sa pagkain sa buong mundo sa taong ito. Binigyang diin ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, na ang isang epektibong sistema ng distribusyon ay hindi lang tutulak sa produksyon ng pagkain at supply nito, kundi magbibigay rin ng kalinawan sa dami ng bigas, asukal, gulay, isda, karne ng baboy, baka, at manok na kailangang…
Read MorePRRD LEGACY SA MGA OFW
MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani! Happy Eid’l Fitr sa ating mga kapatid na Muslim sa buong mundo. Nitong May 2, ipinagdiwang ng mga muslim ang holiday kung saan nagtatapos ang holy fasting ng Ramadan. Base sa Muslim lunar calendar, ang timing ng Eid ay ibinabase sa pagpapakita ng crescent moon. *** Maraming magagandang legacy na iiwanan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa sambayanang Pilipino, partikular na sa overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya na umaabot na sa humigit kumulang sa 10 milyon. Isa na…
Read MorePAGGAMIT NG ALCOHOL AT FACE MASK
PARANG mga bakang nakawala sa koral ang marami sa pagluwag ng “protocols” na ipinatutupad laban sa COVID-19 buhat nang bumaba na ang bilang sa Pilipinas ng mga tinatamaan ng virus na nagmula sa Wuhan, China. Ito Ang Totoo: tuwing “weekend”, lalo na sa “holidays”, apaw ang mga tao sa mga beach, resorts at iba pang pasyalan, kapwa sa mga mamahalin at kahit sa “cheapy-cheapy” lang, at lalo na sa mga libre o walang bayad na mapupuntahan. Hindi naman sa tayo ay kontra sa pamamasyal o paglilibang, pero mahirap arukin ang…
Read MorePAGSASABATAS NG RA 11712, PINASASALAMATAN
ABOT-ABOT ang pasasalamat ng health workers sa pangunguna ng pinuno ng House Health Panel na si Rep. Angelina “Helen” D.L. Tan, M.D. 4th District, Quezon, kay Pangulong Duterte sa paglagda nito upang maging ganap ng batas ang “Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act”. Nilagdaan na kasi ni President Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay mandato para sa tuloy-tuloy na benepisyo ng healthcare workers sa panahon ng COVID-19 at iba pang public health emergencies na maaaring maganap sa mga darating na panahon. Ang Republic Act No.…
Read MoreSOLUSYON SA KRISIS
HINDI na bago ang krisis sa mamamayang Pilipino. Ang totoo, higit na kilala ang mga Pinoy na matibay at may kakayahang bumangon kahit pa sa pinakamatinding hamon – kalamidad, digmaan, maruming pulitika, pandemya at maging sa larangan ng ekonomiya. Sa dinaranas na krisis na dulot ng patuloy na sagupaan sa pagitan ng dalawang oil-exporting countries – ang Ukraine at Russia, tila nakalimutan ng pamahalaan ang punong dahilan kung bakit tayo pinupuntirya at ini-interes ng mga dayuhan. Ang totoo, walang dahilan para mabalisa ang Pilipinas kung noon pa lang ay pinag-ukulan…
Read MoreTRUCK BUMULUSOK SA BANGIN, 2 PATAY
QUEZON – Patay ang driver at ang negosyanteng binata na may-ari ng isang cargo truck matapos na ang sasakyan ay bumulusok sa bangin sa Brgy. Tanauan, sa bayan ng Real, sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kapwa wala nang buhay nang mahugot mula sa nawasak na sasakyan ang mga biktimang sina Alfonso Castro, 43, taga Baliwag, Bulacan, driver, at Danielle Josh De Leon Cruz, 23, binata, taga Candaba, Pampanga. Batay sa report ng Real Police, dakong alas-8:45 ng umaga, tinatahak ng Hino Aluminum wing van na sinasakyan ng dalawa ang pababang…
Read More