ISANG police general at 11 iba pang mga tauhan ng Philippine National Police ang kinasuhan kaugnay sa nangyaring shootout sa isang COMELEC checkpoint na ikinamatay ng isang close-in bodyguard ng bise-alkalde sa bayan ng Pilar, lalawigan ng Abra. Sa isang pulong balitaan, dinepensahan ni PNP chief, Police General Dionardo Carlos ang mga pulis na sinasabing gumaganap lamang sa kanilang tungkulin subalit nahaharap ngayon sa kasong murder kaugnay ng nangyaring shooting incident sa Pilar, Abra noong Marso 29. Nilinaw ni Gen. Carlos na kanyang iginagalang at kinikilala ang trabaho ng National Bureau…
Read MoreDay: May 3, 2022
231 GRAMO NG KUSH NASABAT NG PDEA, BOC
TINATAYANG nasa 231 gramo ng kush o high grade marijuana ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang kargamento na naglalaman ng kontrabando na nagmula sa Spain. Tinatayang nagkakahalaga ng P392,700 ang mga parcel na naglalaman ng ilegal na droga. Unang idineklara na naglalaman ang mga kargamento ng “city comfort bufanda mujer invierno”. Subalit nang isalang sa masusing pagsusuri ay nadiskubre ang dalawang plastic pouches na naglalaman ng dried leaves, buds, at stem sa kargamento mula sa Madrid.…
Read MorePasasalamat sa suporta ng Iglesia Ni Cristo sa tambalang BBM-SARA:
“Ang tambalang Bongbong Marcos-Sara Duterte ay buong kababaang loob na tinatanggap ang pag indorso ng mga kapatiran natin mula sa Iglesia Ni Cristo sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan Kapatid Eduardo Manalo. Amin pong pakahahalagahan ang suportang inyong ibinigay katulad din sa suportang ipinamalas ng higit sa mayorya ng ating mga kapwa Pilipino. Ang ganitong uri ng pagtitiwala ang siyang magiging gabay nila presidential frontrunner Bongbong Marcos at vice-presidential leader Inday Sara Duterte sa pamumuno ng ating bansa sakaling sila ay palarin at ihalal ninyo sa darating na eleksyon sa ika-9…
Read MoreMagsasaka tutulungan MARICULTURE ISUSULONG NI BBM
PLANONG isulong ni presidential frontrunner former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang “mariculture” o marine farming upang mas matulungan ang mga mangingisdang makabangon muli mula sa pandemiya kapag siya ang nahalal na susunod na pangulo sa nalalapit na halalan. Inihayag ito ni Marcos kamakailan sa isang virtual press conference kasama ang mga lokal na mamamahayag sa Bicol at Western Visayas regions kung saan kanyang inilatag ang kanyang mga plano para sa sektor ng agrikultura na isa sa kanyang mga priority program upang makatulong sa mga mangingisda na lubos na naapektuhan…
Read MorePinakamalaking ‘landslide victory’ BBM MAGTATALA NG KASAYSAYAN SA HALALAN
MAGTATALA ng kasaysayan sa halalang pampanguluhan ng Pilipinas si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., dahil base sa pinakahuling resulta ng Kalye Survey, nakakuha siya ng 68.3 percent, gayundin ang running-mate niya na si Inday Sara Duterte na may 68.2 percent. Dahil dito, sinabi ng SPLAT Communications, maaaring ito na ang pinakamalaking ‘landslide victory’ sa history ng presidential elections ng bansa. Inihayag ito ilang araw na lang bago ang inaabangang May 9 elections. Ang Kalye Survey ay isinagawa noong April 11-30 kung saan ay tinambakan ni BBM ng malaki ang…
Read MorePANALO NI BONGBONG SIGURADO NA—PULSE ASIA
LIMANG araw na lamang bago ang eleksyon sa Mayo 9, naniniwala ang Pulse Asia, isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang survey company sa bansa, na nakapag-desisyon na ang karamihan sa 65 milyong botante sa bansa at hindi na ito mababago hanggang sa dumating ang halalan. At base sa pinakahuling pre-election survey, lumalabas na halos sigurado na rin ang panalo ni presidential frontrunner dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. matapos nitong mapanatili ang malaking kalamangan sa mga katunggali at muling umiskor ng 56 porsyentong voter preference. Sa panayam sa DZRH, iginiit ni Ana Maria…
Read MorePULIS, MILITAR DAPAT EXEMPTED SA GUN BAN – PDU30
DAPAT na awtomatikong exempted mula sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec) ang kapulisan at pwersa ng militar. Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ito ay sa kabila na may ilang uniformed personnel ang may ugali na namamaril kapag nalalasing. Sa kanyang Talk to the People nitong Martes, sinabi ng Pangulo na may mga miyembro ng kapulisan at militar ang nahihirapang makakuha ng clearances lalo pa’t wala na silang oras para iproseso ito. “Getting individual clearances from the Comelec is really a bad idea, kasi po some policemen are…
Read MoreSariling resolusyon ‘binabali’ ng MCBOC? PAGBILANG NG BOTO SA M’LA CITY HALL PINALAGAN
PINALAGAN ng abogado at tumatakbo sa Konseho ang desisyon ng Manila City Board of Canvassers ng Commission on Elections (Comelec) na sa loob ng session hall ng Manila City Hall gawin ang pagbibilang ng mga balota sa May 9 national and local elections. Nakapaloob sa ilang pahinang petisyon na isinumite ni Atty. Eduardo ‘Bimbo’ Quintos sa Comelec na dapat gawin ang canvassing sa isang lugar na hindi kontrolado ng sinomang tumatakbong kandidato o partido. Si Quintos ay kandidato para konsehal sa ika-4 na distrito ng Maynila sa ilalim ng PDP-Laban.…
Read MoreSUSUNOD KAMI SA UTOS – ATONG ANG
“NAGSALITA na ang Pangulo (Rodrigo Duterte), kaya susunod kami sa utos niya”. Ito ang pahayag ni Charlie “Atong” Ang, pangulo ng Pitmaster Live na isa sa mga kumpanya na may palarong e-sabong, kaugnay ng tuluyang pagpapahinto ni Duterte sa operasyon ng e-sabong sa bansa. Dagdag pa ni Ang, “gagamitin namin ang panahon na ito para ayusin ang mga isyu hinggil sa sinasabi ng Pangulo na mga problema sa e-sabong.” Nauna nang ipinatigil ni Pangulong Duterte ang lahat ng e-sabong sa bansa simula ngayong Martes, bunsod ng rekomendasyon ni Department of…
Read More