P10M SMUGGLED YOSI, SILAT SA ZAMBOANGA

SA kabila pa ng paghihigpit ng Bureau of Customs (BOC) sa mga pantalan at paliparan, walang takot naman ang mga sindikato sa patuloy na tangkang pagpupuslit ng mga smuggled na sigarilyo sa gawing timog ng bansa. Kamakailan lang, dalawang magkahiwalay na operasyon kontra cigarette smuggling ang ikinasa ng mga operatiba mula sa BOC-Zamboanga kung saan hagip 263 master cases – katumbas ng P9.9 milyong halaga ng iba’t ibang klase ng imported na sigarilyo Unang nasilat ng pinagsanib na pwersa ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service-Customs…

Read More

PAGBIYAHE NG 100 MT NG NICKEL, PINIGILAN

HINDI nakalusot ang tangkang pagbiyahe ng tinata­yang 100 metriko toneladang nickel na lulan ng isang barkong patungo sana sa bansang China. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), inalerto ng BOC-Surigao District Collector Jonah Herbert Dollano ang tanggapan ng district inspector na nakabase sa Lungsod ng Surigao kaugnay ng diumano’y nakatakdang pagbiyahe papuntang China ng tinatayang 100 metriko tonelada ng nickel na sakay ng MV Lucky Source at MV De Xin Xing Long. Sa kanyang nilagdaan direktiba, agad na ipinag-utos ang pagdidiskarga ng mga lulan nickel batay na rin sa…

Read More

18.6% labis sa October target collection P75.5B PARA LANG SA ISANG BUWAN!

Ni JOEL O. AMONGO HINDI nagpaawat ang Bureau of Customs (BOC) sa pagtatala ng higit pa sa nakatakdang target collection matapos makasungkit ng tumataginting na P75.5 bil­yong kita mula sa pumasok at lumabas na kargamento para sa buwan ng Oktubre. Sa datos ng BOC Financial Service Office, lumalabas na walang patlang ang naitalang labis na koleksyon ng kawanihan sa nakalipas na sampung buwan, kasabay ng pahayag na mas paiigtingin pa ang paglikom ng buwis at taripa sa patuloy na pagdagsa ng kalakal bunsod na rin ng nalalapit na kapaskuhan. Ayon…

Read More

1 PANG YBL BUS PINASABUGAN 1 PATAY, 10 SUGATAN

ISA na namang unit ng Yellow Bus Line company, ang pinasabugan ng hinihinalang lawless elements o extortionist group kahapon ng umaga sa Tacurong City, na ikinamatay ng isang pasahero at ikinasugat ng sampu pang mga biktima, base sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni Maj. Gen. Roy Galido, commander ng 6th Infantry Divison ng Philippine Army. Ayon sa paunang impormasyon, dakong alas-6:00 nitong Linggo ng umaga, isang YBL bus mula Kidapawan City via Mlan at Tulunan Road patungong Tacurong City, ang sumabog pagsapit sa bisinidad ng Saint Louis Hospital sa Barangay…

Read More

P2.4-M PAINTINGS IBINENTA, CARETAKER TIKLO

CAVITE – Bunsod ng isang post sa social media, nabuking na nawawala ang mamahaling paintings ng isang event stylist at nalaman nitong nabili ito ng isang buyer, na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanyang 30-anyos na caretaker sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Personal na dumulog sa tanggapan ng Alfonso Police Station ang biktimang si Manuel Francisco y Junio, 63, ng Brgy. Esperanza Ilaya, Alfonso, Cavite, at ipinaaresto ang suspek na kanyang stay-in caretaker na si Virgilio De Lima y Roldan. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Boyet…

Read More

P50K DONASYON SA SIMBAHAN NINAKAW

LAGUNA – Nilooban ng hindi kilalang suspek ang simbahan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Guadalupe sa Brgy. Poblacion Uno, sa bayan ng Pagsanjan sa lalawigang ito. Dakong alas-6:30 noong Sabado ng umaga nang madiskubre ang insidente sa simbahan kung saan sinira ng magnanakaw ang tabernakulo at kinuha rin ang Sacred Host. Ayon sa imbestigasyon ng Pagsanjan Police, natuklasan na nakapasok ang suspek sa pamamagitan ng pag-akyat sa pader sa likod at saka dumaan sa bintana ng chapel. Nang makapasok, winasak ang pinto ng parochial office at…

Read More

Sa unang linggo ng Nobyembre 123 SUSPEK TIKLO SA LAGUNA PPO

kulong

UMABOT sa 123 suspek ang natimbog ng Laguna Provincial Police Office sa isinagawang mga operasyon laban sa ilegal na droga, ilegal na sugal, loose firearms at wanted persons sa lalawigan sa unang linggo ng Nobyembre. Ayon kay Provincial Director, Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, ng Laguna Provincial Police Office, ang nasabing bilang ng mga suspek ay nadakip ng Laguna PNP simula Nobyembre 1-6, 2022  sapamamagitan ng aktibong suporta ng mamamayan ng lalawigan. Nagsagawa ang Laguna PNP ng anti-illegal drugs buy-bust operation, anti-illegal gambling operations, manhunt operations at anti-loose firearms operations. Sa…

Read More

DO No. 49 inilabas ng DepEd GURO, MAG-AARAL HINDI PWEDENG SOCMED FRIENDS

SA hangaring tiyakin ang patas na trato ng mga guro sa mga estudyante, isang direktiba ang inilabas ng Department of Education (DepEd) – bawal ang ano mang ugnayan sa labas ng silid-aralan. Sa ilalim ng Department Order No. 49, hinikayat din ng kagawaran ang mga guro at non-teaching personnel na iwasang makipagrelasyon, makisali at makipag-usap sa tinuturuang mga estudyante gamit ang social media. “DepEd officials and employees are expected to… refrain from engaging in any activity or any relationship that may impair one’s ability in making objective decisions in the…

Read More

BUSINESSWOMAN HINATULAN NG ISANG TAONG KULONG SA TAX EVASION

HINDI pinanigan ng Court of Tax Appeals ang petisyon ng abogado ng isang negosyanteng ginang na inakusahang guilty sa kasong tax evasion. Bukod sa hatol na isang taong pagkakulong, inatasan din ng CTA Second Division ang akusadong si “Julie”  may-ari ng isang enterprises sa Cubao, Quezon City, na bayaran ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng higit P16 milyon base sa “deficiency income” at “value-added taxes” para sa taong 2012. Ayon kay Associate Justice Jean Marie A. Bacorro-Villena, ang ponente ng desisyon, binalewala umano ng ginang ang “assessment and collection…

Read More