FREE MEDICAL CONSULTATION NI DOK G LUMBAD AT PARANGAL NG DILG SA PANIQUI LGU

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TULOY-TULOY ang paglilingkod ni Dok G Lumbad sa kanyang nasasakupan. Kahit abala na siya sa kanyang tungkulin bilang isa sa mga miyembro ng Sangguniang ­Panlungsod, walang tigil ang handog niyang free medical consultation at iba pang serbisyo para sa mga taga-Quezon City. Bukod nga pala sa libreng online consultation, may handog ding mga libreng gamot katulad ng maintenance at vitamins si Dok G para sa kanyang mga ka-distrito. Marami kasing nanga-ngailangan ng medical ­assistance sa kanilang lugar. “Dahil sa sakit na diabetes, ­inoperahan…

Read More

MARAMING BUHAY ANG NAILIGTAS NG “FACEMASK”

ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO JR. NGAYONG pinapayagan na ang hindi pagsusuot ng “facemask” sa loob man o labas ng mga gusali, marami ang nagbubunyi. Ito Ang Totoo: Kahit na noong ipinaiiral pa ang ­pagsusuot ng “facemask”, marami rin ang ­pasaway na nagpapalusot, kung hindi talagang walang suot, meron nga pero ang ­pagkakasuot ay hindi tama, kung hindi ­nakalabas ang ilong, sa leeg lang ­nakapatong. Pero sa dami ng ­nabakunahan na at may ­”booster” pa, hindi na inaasahan ngayon ang ­matinding epekto ng COVID-19 kaya may katwiran na…

Read More

DOUBLE MURDER VS KILLERS NINA LAPID, VILLAMOR

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Justice o DOJ ang posibilidad na maaaring “murder” ang magiging kaso sa kamatayan ni Jun Villamor, ang nasawing inmate ng Bilibid at sinasabing ­”middleman” sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid. Sa ambush interview kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, sinabi ng kalihim na hindi lamang iisang murder case ang pinag-uusapan, dahil may posibilidad na ang pagkasawi ni Villamor ay maaari ring murder case. Inihayag naman ng kalihim na walong “person of interest” na ang nasa kustodiya ng…

Read More

MAS LIGTAS KUNG IPAGPAPATULOY ANG PAGSUSUOT NG FACE MASK

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA INISYU kamakailan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos (PBBM) ang Executive Order (EO) No. 7 o ang opsyonal na paggamit ng face mask sa bansa. Kung tutuusin, napakarami nang bansa ang nagpapatupad nito. Subalit, ngayong ipinatutupad na ito sa bansa, handa kaya ang Pilipinas sa maaaring maging epekto nito gaya ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19? Batay sa datos ng Department of Health (DOH) noong ika-2 ng Nobyembre, nasa halos 74 milyon ang bilang ng may ­kumpletong doses ng bakuna. Bagaman malaking porsyento…

Read More

Drug lords, gangs business as usual BITAY GAMOT SA ‘KANSER’ SA BILIBID

(BERNARD TAGUINOD) PANAHON nang bitayin ang mga indibidwal na napatunayang guilty sa karumal-dumal na krimen partikular ang mga drug lord upang matuldukan ang problema sa National Bilibid Prison (NBP). Ito ang paniwala ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. dahil ‘business as usual” aniya ang mga drug lord at ‘violent gangs” sa Bilibid kahit sino pang presidente at hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nakaupo. Katunayan, noong isang linggo matapos italaga si BuCor acting Director General Gregorio Catapang Jr., nakakumpiska ng 7,500 beer in can sa loob ng bilibid bukod…

Read More

FARMERS, FISHERS MABEBENEPISYUHAN SA KADIWA NG PASKO

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga nakiisa sa isinagawang paglulunsad ng Kadiwa ng Pasko na naglalayong makapagbigay ng murang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong panahon ng Kapaskuhan. Sa video message ng Chief Executive, ipinaabot nito ang kanyang pasasalamat partikular sa sellers na kalahok sa trial run ng nabanggit na programa. Umaasa ang Pangulo na makatutulong ang naturang programa sa mga Pilipino lalo na’t panahon na ng Kapaskuhan kung kailan karaniwang tumataas ang halaga ng prime commodities. Napakahalagang tulong ayon sa Pangulo ang partisipasyon ng mga nakilahok…

Read More

Final and Executory na PERPETUAL DQ KAY PICHAY – SC

MATAPOS ang mahigit isang dekadang pagdinig ng husgado, tuluyan nang diniskwalipika ng Korte Suprema si dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay kaugnay ng maanomalyang P78-milyong graft case noong panahong siya pa ang chairman ng Local Water Utilities Administration. Sa dalawang pahinang Entry of Judgment na pirmado ni SC Deputy Clerk of Court at Chief Judicial Records Officer Basilia Ringol, kinatigan ng Kataas-taasang Hukuman ang resolusyon inilabas ng Office of the Ombudsman na una nang nanindigan tablahin ang dating kongresista sa anomang posisyon sa gobyerno. Ayon kay Ringol, “final and…

Read More

Bundok at putik tatahakin makapagturo lang MOUNTAIN SCHOOL TEACHERS: DEDIKASYON AT SAKRIPISYO

NAGSISILBI NANG MAY NGITI. Hirap man ang kalagayan, masaya ang mga tinaguriang Mountain School Teacher na nagiging instrumento sila upang matuto ang mga kabataan. (NILOU DEL CARMEN) “NAPAPAGOD pero hindi susuko para sa mga minamahal naming mag-aaral,” ito ang saad ni Jhojie Villegas sa video post nito sa Facebook na hinangaan ng netizens. Ipinakikita ni Villegas sa naturang video ang malaking sakripisyo sa kanilang pagtungo sa pinagtuturuang eskwelahan sa bulubunduking bahagi ng Lopez sa Quezon province. Tatlong kilometrong putikan at paakyat na lugar ang tinatahak ng limang guro patungo sa…

Read More

KALAHATING KILONG DAMO HAGIP SA CLARK

HINDI pa man ganap na tinatalakay sa plenaryo ng Kamara ang panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot, isang negosyante ang nagtangkang magpasok sa Pilipinas ng halos kalahating kilo ng damong idineklara pang “prescription medicines.” Sa kalatas ng Bureau of Customs–Port of Clark (BOC-Clark), timbog sa pinagsanib na operasyon ng kawanihan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 448 gramo (katumbas ng P672,000) ng pinatuyong dahon ng marijuana. Batay sa mga dokumentong kalakip ng naturang kontrabandong ikinubli sa 21 canister tubes, nagmula pa sa Quebec, Canada ang…

Read More