MARCOS CRONIES PANALO SA AMYENDA NG EPIRA

WALANG mapapala ang mga hilahod na konsyumer sa isinusulong na amyenda ng Department of Energy (DOE) sa Republic Act 9163 na mas kilala sa tawag na EPIRA Law. Para kay House deputy minority leader France Castro, tanging mga crony ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang makikinabang sa sandaling amyendahan ang ilang tampok na probisyon sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA). Ganito inilarawan ni House deputy minority leader France Castro ang panukala na idinepensa ni DOE Undersecretary Sharon Garin sa House committee on energy (DOE) kamakalawa.…

Read More

GMA SINIBAK BILANG SENIOR DEPUTY SPEAKER

(BERNARD TAGUINOD) HINDI totoong nais lang mabawasan ang trabaho ni dating pangulo at ngayo’y House deputy speaker Gloria Macapagal Arroyo kaya tinanggal ito bilang “Senior Deputy Speaker” kundi sinibak ito. Ayon ito sa ilang mambabatas sa Kamara na hindi na nagpabanggit ng pangalan matapos alisin si Arroyo bilang pangalawang pinakamataas na lider ng Kamara kasunod ni House Speaker Martin Romualdez. Ang pananaw ng mga impormante ay base sa pahayag ni Arroyo na “It’s the prerogative of the House” hinggil sa pagkakatanggal sa kanya bilang Senior Deputy Speaker bago natapos ang…

Read More

MGA KONGRESISTA AYAW NANG PUMASOK SA KAMARA?

HINDI pinalusot ng isang militanteng kongresista ang mga kapwa mambabatas na aniya’y biglang naglaho sa plenaryo pagkatapos ng roll call. Para kay House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng grupong Gabriela, halos mabakante ang buong plenaryo dahil sa aniya’y kawalan ng physical quorum para sa itinakdang pagtalakay ng mga priority bills na isinusulong ng Palasyo. “Mr. Speaker, I would like to ask, how can we be like this? We are talking of a national framework on the national land use bill and there is no physical quorum right now,” ani…

Read More

GOBYERNO DAPAT MAGKAROON NG PERMANENTE AT MALINAW NA ESTRATEHIYA SA ISYU SA WEST PH SEA

NAIS ni Senador Alan Peter Cayetano na bumalangkas ang gobyerno ng malinaw na estratehiya o mga hakbagngin upang mapangalagaan ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea. Sa ngayon, puna ni Cayetano ay walang malinaw na paraan ang Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo dahil tuwing magpapalit ng administrasyon ay nababago din ang estratehiya ng bansa. Napansin ng senador na sa mga naupong Pangulo, mayroong pro-China, anti China, pro-US at anti-US. Ibinabala ng senador na kung ganito palagi ang sistemang paiiralin sa West Philippine Sea ay tiyak na “recipe” ito sa tuluyang…

Read More

GILAS PILIPINAS: ANG TELENOBELA NG PINOY BASKETBOL

MY POINT OF BREW UNA sa lahat, nais ko batiin ang Gilas Pilipinas para sa kanilang panalo laban sa bansang Cambodia at nakuha muli natin ang gintong medalya. Ito ang patunay muli na ang Pilipinas ang hari ng basketbol sa Southeast Asia. Napakaganda at nakaka-suspense ang mga pangyayari sa Gilas Pilipinas sa kanilang lakbay upang mabawi ang gintong medalya sa larong men’s basketball division sa SEA Games. Matatandaan na tinalo tayo ng bansang Indonesia, dalawang taon na ang nakaraan sa 31st SEA Games na ginanap sa Vietnam. Binatikos ng mga…

Read More

MALAKING PHARMACEUTICAL FIRM DAPAT DING IMBESTIGAHAN

RAPIDO NI TULFO MAYROONG bagong kampanya na inilunsad ang Bureau of Internal Revenue (BIR), ito ang RAFT o Run After Fake Transactions. Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., hahabulin nila ang mga negosyanteng gumagamit ng pekeng sales invoices at resibo dahil ito ay nagreresulta sa bilyong pisong pagkalugi sa gobyerno. Bukod sa mga negosyante o sellers, layunin din ng kampanyang ito na mahuli ang buyers o mamimili at maging ang Certified Public Accountants o CPA na nakikipagsabwatan sa mga negosyante. Babala ng commissioner, bukod sa mabigat na multa…

Read More

CONG. AMBEN AMANTE NAMAHAGI NG AYUDA

TARGET NI KA REX CAYANONG KAAKIBAT ng pakikinig sa mga nasasakupan ay gawa. Ganyan si Congressman Loreto “Amben” Amante ng Ikatlong Distrito ng Laguna. Kamakailan, muling personal na pinamunuan ni Amante ang Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) payout. Ayon sa tanggapan ng kongresista, nasa 226 benepisyaryo ng medical at funeral assistance sa distrito ang tumanggap naman ng ayuda sa San Pablo City Central School Gymnasium. Sinasabing dumalo rin si Sanggunian Federation President ng Laguna Bokal Yancy Amante sa payout. Nasa 223 benepisyaryo naman mula sa 13 barangay ng lungsod…

Read More

PAIIYAKIN NA NAMAN TAYO NG SIBUYAS

MAY pampakalma na naman ang pamahalaan sa pagkaligalig at balisa ng publiko sa tumataas uling presyo ng sibuyas. Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi na aabot sa P700 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas, tulad ng nangyari noong nagdaang Kapaskuhan. Bago ito, sinabi ng DA na posibleng mag-angkat ang pamahalaan ng 22,000 metric tons ng sibuyas para makontrol ang supply at presyo. May kasiguruhan ba ang paniniyak na ito, at ang tunay na rason at layunin ng pag-angkat ng sibuyas? Ang isa sa dapat gawin ng pamahalaan…

Read More

CLARK SAMARTINO, NILAYASAN NA ANG DATING MANAGER

SA imbitasyon ni direk Ryan Manuel Favis ay dumalo kami sa pocket presscon ng Whirl To Flower Castle sa Cabalen, sa pangunguna ng King and Queen na sina Clark Samartino at Cherin Maruji. Naroon din ang beneficiary at kinatawan ng PWD na si direk Ron Sapinoso. Isa itong fashion show for a cause na produce ng Inding Indie Film Festival. Hindi rin maiwasan matanong si Clark tungkol sa dating manager nito na iniwan na niya at nasa pangangalaga na nga siya ng produksyon ni direk Ryan pagdating sa film. “Sunud-sunuran…

Read More