FOOD STAMP NI BBM LAKAS MAKA-PULUBI

MISTULANG insulto ang pagpapalabas ng food stamp ng administrasyong Marcos Jr. dahil tila pinagmumukha lang pulubi ang mga Pinoy. Ani Danilo Ramos, chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), imbes patatagin ang local food production para bumaba ang presyo ng pagkain at mabawasan ang bilang ng mga nagugutom, binubuhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang istilo ng amang si Ferdinand Sr. sa Food Stamp Program. “Please do not treat Filipinos as beggars seeking for alms. Bigyan naman natin ng dignidad ang ating mamamayan. Nagugutom na nga ang karamihan, ituturing…

Read More

Drama sa Kamara may part 2 – solon GMA RERESBAK KAY ROMUALDEZ

MAGPAPALAMIG lang si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo subalit inaasahan na reresbak ito matapos mapahiya nang i-demote ito sa kanyang posisyon sa Kamara. Ito ay ayon kay Liberal Party (LP) president at Albay Rep. Edcel Lagman na hindi naniniwalang palalagpasin ni Arroyo ang inaning kahihiyan nang sibakin ito bilang senior deputy speaker. “The drama in the House has not ended. Astute and experienced politician that she is, GMA will not take lying down her humiliating and insulting demotion. She may be biding her time to make a…

Read More

Maaring ihain ng Senado CLASS SUIT SA MGA PULIS SA ‘COVER-UP’ SA DRUG CASE NI MAYO

IGINIIT ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na maraming opsyon ang Senado upang pilitin ang mga resource person na makipagtulungan sa isinasagaw nitong investigation in aid of legislation. Ginawa ni Zubiri ang pahayag kaugnay sa pagtatanong ni Senador Robin Padilla kung ano pa ang maaaring gawin ng Senado upang makuha ang kooperasyon ng mga pulis na iniimbestigahan kaugnay sa umano’y pagtatangkang icover up ang pagkakasabat ng 990 kilos na shabu sa lungsod ng Maynila. Sinabi ni Zubiri na totoong nakakagigil at nakakagalit ang aksyon ng mga pulis na humarap…

Read More

MALAKING KITA NG NGCP NAPUPUNTA SA DIBIDENDO

DISMAYADO ang mga senador nang makumpirma na malaking porsyento ng kita ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay napupunta sa dibidendo ng mga shareholders nito. Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy kaugnay sa operasyon ng NGCP, iprinisinta ng NGCP ang kanilang financial statements. Sa datos noong taong 2019, lumalabas na sa P20.3 billion na net income o kita ng NGCP ay nasa P15 billion ang napunta sa dibidendo na katumbas ng halos 75 percent ng kita ng kumpanya. Tugon naman ni NGCP Asst. Corporate Secretary Atty. Ronald…

Read More

Sa Degamo murder KATOTOHANAN ‘DI MATANGGAP NI REMULLA

(RUDY SIM) TILA hindi umano matanggap ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang katotohanan sa malagim na Pamplona massacre na ikinamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ito ay matapos ang magkakasunod na pagbawi ng testimonya ng apat sa 11 suspek sa nasabing krimen na nagdidiin kay Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. Sinabi ni Remulla na kumpiyansa pa rin ang DOJ na maipapanalo nila ang isinampang kaso ng National Bureau of Investigation laban kay Teves sa kabila ng pagbaliktad sa naunang testimonya ng apat na suspek at pagsisiwalat…

Read More

SUPERCAT O SUPERCRASH?

PUNA ni JOEL AMONGO ISA na namang aksidente ang kinasangkutan ng dalawang barko sa Pier 1 sa Cebu City kamakailan. Ang nasabing banggaan ay kinasangkutan ng MV St. Jhudiel ng Supercat Fast Ferry Inc. (passenger vessel) at isang cargo vessel. Kitang-kita sa lumabas na video na viral ngayon sa social media, kung paanong nagbanggaan ang dalawang barko. Kapuna-PUNA sa lumabas na video na nagdulot ng takot sa mga pasahero ng passenger vessel ang naturang banggaan ng dalawang barko. Batay sa nakuhang impormasyon ng PUNA, ayon kay Captain Florito Norman Teves,…

Read More

SANA HINDI LANG SA SALITA

DPA ni BERNARD TAGUINOD SA wakas, nagsalita na ang Group of Seven o G7 na kumikilala sa ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na ang mga lugar na sinakop ng China sa West Philippine Sea (WPS) ay pag-aari ng Pilipinas. Kinondena din ng grupong ito sa kanilang summit sa Japan, ang pambu-bully ng China sa mga claimant sa Spratly Islands partikular na ang Pilipinas, at iginiit nila na dapat irespeto ang arbitral ruling. Pitong taon na ang nakararaan nang ipanalo ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang kasong…

Read More

GIFT GIVING AT FEEDING NG MIRA AGROPARK AT DIEGO ILORICO

Ikinatuwa ng mga residente ng Sitio Magata, Brgy. Laiban, Tanay, Rizal ang isinagawang Gift Giving at Feeding Program ng Mira Agropark Company at ni Diego Ilorico (showbiz personality) sa kanilang lugar noong Mayo 21, 2023. Nasa 200 beneficiaries mula sa 700 mga residente ng naturang lugar ang nakinabang ng Gift Giving Activity at Feeding Program na isinagawa ng Mira AgroPark at ni Diego Ilorico. Bukod dito, naging bahagi rin nito ang Dada’s Litson at naging official media partner din ang SAKSINGAYON (Peryodiko Filipino Inc.). Ayon kay Mira AgroPark Operations Manager…

Read More

BIG BERT NG VOLTES V UMIYAK TAPOS KANTAHIN ANG LIHAM

Sa launching ng latest single ni Matt Nolasco na Liham under GMA Records ay ikinuwento niya kung gaano kabilis niyang natapos i-compose ang kanta not like before na kapag nagsusulat siya ng bagong ire-record na kanta ay sobrang tagal bago matapos. “This is the first time na sumulat ako ng kanta na mabilis kong natapos. Iba kapag personal experience mo ang nilalaman ng kanta. Nang matapos kaagad ko ipinakita sa manager ko at pumayag ang GMA Record na maging third single ko ang Liham.” pahayag ni Matt Nolasco. Dahil dito…

Read More