POST OFFICE BUILDING: ANG NAPABAYAAN NA MAKASAYSAYANG GUSALI

MARAHIL lahat tayo ngayon ay nanghihinayang at nalulungkot sa nangyari sa isang kilalang palatandaan ng lungsod ng Maynila. Ito ay ang Manila Central Post Office o mas kilalang Post Office Building. Marahil ay wala sa ating mga Pilipino na ipinanganak noong dekada 70s hanggang sa mga lolo at lola natin, na magsasabi na hindi nila alam kung saan ito matatagpuan. Parte na ito sa buhay natin. Ang Philippine Postal Corporation ay itinaguyod noong ika-15 ng Setyembre 1902 at tinawag na Bureau of Post, apat na taon pagkatapos ng okupasyon ng…

Read More

ANG PAGBALUKTOT SA KATOTOHANAN

SA kabila ng pagtanggi ni Department of Justice  Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi makakaapekto sa binuo nilang kaso laban kay Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na pilit na idinadawit na mastermind sa pagpatay Governor Roel Degamo noong March 4, matapos ang pagbaliktad sa kanilang naunang statement, ay isa umano itong dagok sa DOJ.     Inamin  ni dating chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo na ang pagbaliktad ng mga suspek sa kaso at pagsisiwalat ng mga ito na sila’y tinakot at pinahirapan ng pulisya upang pilit na ituro si…

Read More

SERBISYONG TATAK ROXAS AT ATAYDE!

KILALA sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Tarlac sina Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas ng Paniqui. Walang humpay kasi ang ginagawa nilang pagtulong sa kanilang sa mga nasasakupan. Halos isang taon na sila sa kanilang pwesto kaya tambak na ang mga proyekto at programa nila. “Sa mga batang atleta ng Aduas Elementary School na nagwagi ng Silver Medal sa Tarlac Province Football Elementary sa nagdaang CLRAA MEET 2023, bilang tugon sa inyong kahilingan ay parating na ang mga sapatos na inorder ng ating butihing Mayor Max…

Read More

ILL-GOTTEN WEALTH PWEDENG IPASOK SA MAHARLIKA FUND

MAAARI nang ipasok sa Maharlika Investment Fund (MIF) ang mga ill-gotten wealth para gamiting puhunan sa mga proyekto nito na hindi na kailangang humingi ng basbas sa Kongreso. Ito ang isiniwalat ni House deputy minority leader France Castro kaugnay ng nasabing panukala na sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang urgent kaya inaasahang ipapasa na ng Senado sa susunod na linggo. “Dahil sa pagpasok ng real and personal money dito ay na-equate natin ito sa ill-gotten wealth. Halimbawa, kung may pondo ang mga politiko o sinoman na manggagaling sa…

Read More

Pamamahagi ng food stamps PAG-AMIN NG MARCOS ADMIN SA MALALANG KAGUTUMAN

PARA sa mga grupong kinabibilangan ng mga babaeng magsasaka, malinaw na pag-amin ng administrasyong Marcos sa nakaambang krisis ang isinusulong na pamamahagi ng food stamps ng pamahalaan. Ayon kay Zenaida Soriano na tumatayong chairperson ng grupong Amihan, hindi na nagawa pa ng gobyernong mag-isip ng mas komprehensibong solusyon, maliban sa Food Stamp Program na isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Food Stamp Program naman ngayon. Ibig sabihin, wala na silang ibang maisip at hindi na nila talaga ma-deny ang napakalalang kagutuman,” patutsada ni Soriano. Kung pagbabatayan aniya ang pinakahuling datos…

Read More

Pangamba ng mga pamilya ng drug war victims KATARUNGAN MAILAP DIN SA MARCOS JR. ADMIN

(CHRISTIAN DALE) DUDA ang pamilya ng drug war victims na magkakaroon ng progreso ang kaso na may kinalaman sa kontrobersyal na anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Dahil dito, nanawagan ang mga ito sa International Criminal Court (ICC) na ituloy lamang ang imbestigasyon sa nasabing anti-drug campaign ng nakalipas na administrasyon. Sa 20-pahinang report na may petsang Mayo 22, sinabi ng ICC na nakatanggap ito ng representasyon na isinatinig ang pananaw at concerns ng 350 individual victims at 165 pamilya kaugnay sa nagpapatuloy na apela sa proceedings. Ang…

Read More