SEDITION CASE NI VP SARA DUTERTE, PENDING PA RIN — SOJ VIDA

INAMIN ni Department of Justice (DOJ) Secretary Frederick Vida na wala pang panibagong ulat kaugnay sa mga reklamong isinampa laban kay Vice President Sara Duterte sa kagawaran.

Ayon kay Vida, patuloy pa ring sinusuri ng DOJ ang draft resolution sa mga reklamong inciting to sedition at grave threats laban sa Bise Presidente.

Magugunitang noong Pebrero 2025 ay naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga reklamong nabanggit laban kay Duterte kaugnay sa mga umano’y pagbabanta nito laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., First Lady Louise Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Binigyang-diin naman ni Vida na hiwalay ang proseso ng DOJ sa kasalukuyang impeachment trial laban kay Vice President Duterte kahit na kabilang sa mga usaping tinatalakay sa paglilitis ang umano’y pagbabanta ng Bise Presidente.

(JULIET PACOT)

130

Related posts

Leave a Comment