MAG-ASAWA PATAY, 2 SUGATAN SA AMBULANSYA VS MOTOR

QUEZON – Dalawa ang patay habang dalawa ang malubhang nasugatan matapos magbanggaan ang isang ambulansya at isang motorsiklo sa national highway sa Sityo Yuyuan, Barangay Camflora, sa bayan ng San Andres, sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Ayon sa imbestigasyon ng San Andres Police, tumatakbo sa highway ang ambulansya na pag-aari ng San Andres LGU, patungo sa direksyon ng katabing bayan ng San Narciso, nang biglang pumasok sa highway ang motorsiklong sinasakyan ng apat na magkakapamilya galing sa barangay road. Sinubukan pa itong iwasan ng driver ng ambulansya subalit…

Read More

TARGET SA ILLEGAL DRUGS, 1 PA TIMBOG

NASADLAK sa likod na rehas na bakal ng Manila Police District – Barbosa Police station 14, ang isang hinihinalang tulak ng shabu, at nadamay ang umano’y kasabwat nito, sa inilatag na buy-bust operation sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Coromina Street, Barangay 391 sa Quiapo, Manila. Kinilala ang target sa operasyon na si Auria Ferrer, 36, dalaga, ng Barangay 485, habang arestado rin ang umano’y kasabwat nito na si alyas “Rodolfo”, 39, ng Sampaloc, Manila. Ayon sa ulat na isinumite ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng…

Read More

BIGO SA JOB HUNT, NAGBIGTI

PINANINIWALAANG dahil sa pagkabigong makahanap ng trabaho, nagpasyang magpakamatay ang isang 44-anyos na lalaki sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanilang bahay sa Brgy. 104, Tondo, Manila nitong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si Dennis Sargantes, ng nabanggit na lugar. Base sa ulat na ipinarating kay Police Captain Dennis Turla, bandang alas-10:20 ng umaga nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa nylon rope na nakatali sa steel bracket. Agad itong isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, subalit dakong alas-10:45 ng umaga ay idineklarang dead on arrival ni Dr. Cristine…

Read More

KLASE, TRABAHO NGAYONG LUNES SUSPENDIDO

walang pasok12

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suspensyon ng klase at trabaho sa National Capital Region (NCR) ngayong Lunes, Hulyo 24. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko mula sa epekto ng bagyong ‘Egay’ at pagaanin ang epekto ng nakatakdang 72-hour transport strike. “In view of the forecasted inclement weather brought about by Typhoon ‘Egay’ and the scheduled seventy-two (72)-hour transport strike in Metro Manila, work in government offices and classes in public schools at all levels in the National Capital Region are hereby suspended on 24 July…

Read More

DISMAYADONG PINOY BUBUHOS SA KALSADA SA SONA NI MARCOS

DUMARAMI ang dahilan para lumabas at magprotesta ang mga tao sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong araw. Ito ang tinuran ni dating Congressman at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael Mariano ukol sa inaasahang pagdami pa ng mga sasali sa rally kontra sa SONA ni Marcos sa Commonwealth Avenue, Quezon City at iba’t ibang lugar sa bansa. “Filipinos now have more reasons to express discontent and join protests during President Bongbong Marcos Jr’s second State of the Nation Address…

Read More

P120-B PINAKAKALAP PARA SA MUP PENSION

INATASAN na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Committee on Appropriations at Ways and Means Committee na agad mangalap ng P120 bilyon ngayong taon para sa Pension Fund ng Military and Uniformed Personnel (MUP). Ayon kay Speaker Romualdez, kailangan ng P3.6 trilyon ng gobyerno sa susunod na 30 taon para matugunan ang problema sa pension fund ng MUP tulad ng backlog at pagdami na taon-taon ng retirees. “But this fund must self-generate tulad ng sabi ni Pangulong Marcos para hindi maubos and continue to grow beyond that 30 year…

Read More

TOP PERFORMING NCR MAYORS, CONGRESSMEN INIHAYAG NG RPMD

MATAPOS ang isang taon na serbisyo, masusing sinuri ng RP Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD) ang job performance ng mga alkalde at kongresista sa National Capital Region (NCR). Lumalabas sa independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” survey na si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City ay nananatiling top performing sa NCR na may 95.7% approval at 97.2% trust ratings, na sinundan ni Jeannie Sandoval (92.5% approval, 94.6% trust) ng Malabon, Along Malapitan (approval 92.3, 93.7% trust) ng Caloocan, John Rey Tiangco (92.1% approval, 93.5% trust) ng Navotas at Emi…

Read More