HUSTISYA IPINAGKAKAIT NI BBM SA PAMILYA NG WOD VICTIMS

MISMONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang humahadlang para maparusahan ang grupo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at makamit ng pamilya ng libu-libong biktima ng madugong war on drugs ang hustisya. Reaksyon ito ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares matapos isara nang tuluyan ni Marcos ang pintuan sa International Criminal Court (ICC) kasunod ng pagbasura ng nasabing korte sa kanilang apela kaugnay ng imbestigasyon sa drug war ni Duterte. “By refusing to cooperate with the ICC, the government is sending a message that it is not committed to upholding…

Read More

Approval wasak sa isyu na ‘weak leader’ at korupsyon MARCOS LAGAPAK SA 60%

(CHRISTIAN DALE) BUMAGSAK sa 60% ang approval rating ng administrasyong Marcos sa unang taon nito. Ito ang makikita sa ipinalabas na resulta ng Publicus Asia survey, sumasalamin sa 2% na pagbaba mula sa first quarter ng 2023. Ayon sa Manila-based political consultancy firm, makikita sa pigura na ang four-point na pagbaba mula sa 64% approval rating ay naitala sa last quarter ng 2022. Kapansin-pansin din ang pagbaba ng performance rating ni Marcos sa bawat quarter. Sa ikaapat na quarter noong 2022, nakapagtala ng 64% ang Pangulo. Sa unang quarter ng…

Read More

BBM IPRISINTA SA SONA TUNAY NA ESTADO NG BANSA

HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iprisinta sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA ang tunay na sitwasyon ng bansa. Sinabi ni Pimentel na karapatan ng taumbayan na malaman ang realidad sa lagay ng Pilipinas. Kasama sa mga isyung dapat anyang talakayin sa SONA ang mataas na cost of living sa bansa, hindi sapat na kita ng mga Pinoy, mga problema sa edukasyon, unemployment at underemployment, at ang lumolobong utang. Binigyang-diin pa ng senador ang kahalagahan ng edukasyon…

Read More

Romualdez, Co backer ng DepEd contractor? LAPTOP SUPPLIER ‘UNTOUCHABLE’

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG ‘untouchable’ ang supplier ng “pricey” at “outdated” laptops na halagang P2.4 billion at binili para sa Department of Education (DepEd). Ito ay dahil sa kabila ng rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) noong isang taon na i-blacklist ang supplier ay hindi rin ito inaksyunan. Sa 2022 annual audit report ng COA sa PS-DBM, ipinunto nito na base sa isinagawang balidasyon ng kanilang audit team, hindi ginawa ng PS-DBM hanggang Disyembre 31 noong nakaraang taon…

Read More

BAGONG SINGIL NG NLEX, MAS MABABA KUMPARA SA IMPLASYON NG PILIPINAS

SA GANANG AKIN ni JOE ZALDARRIAGA MAHIGIT isang buwan na ang nakalipas mula nang inumpisahan ng NLEX Corp. ang pagpapatupad ng dagdag singil matapos maaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang kanilang petisyon. Ayon sa TRB, karagdagang P7 sa open system, at P0.36 kada kilometro naman para sa closed system ang kanilang inaprubahan para sa lahat ng mga motoristang babaybay sa North Luzon Expressway. Sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) agreement sa pagitan ng kumpanya at ng gobyerno, pinahihintulutan ang NLEX Corp. na magpatupad ng dagdag singil kada dalawang taon.…

Read More

MARAMING HINDI MAKATULOG SA APELYIDONG DUTERTE

COACH OLI NEWS PH ANO ang makabagong pagfi-flex ng muscles? HUMAWAK SA TUNGKOD. Naniniwala ako na ang pagpunta ni PRRD sa China at pagharap kay President Xi Jinping ay isang paraan ng pagpi-flex ng muscles. Alam ng China na “powerful” pa rin si PRRD. At ang relasyon ng Pilipinas at China ay gumanda lalo na noong panahon ng pamumuno ni PRRD. Tatandaan po natin na sila ang pangalawa sa pinakamalakas na bansa sa buong mundo. At ako’y naniniwala na ang pinakamalakas pagdating sa influence ay si PRRD pa rin, kahit…

Read More

MAAASAHAN BA SI BBM?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO ANO ang aasahan sa isinabatas na Maharlika Investment Fund na bunga ng sumingaw sa utak ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.? Kapag ginusto ay ipipilit na magkatotoo. Kahit tinadtad ng kritisismo at agam-agam ay mabilis na lumusot. Salamat sa mga kasangga ni Jr. na mula sa unang baytang ay katuwang na para marating ang katuparan na magkaroon ng sovereign wealth fund ang bansa. Ganap nang batas kaya dapat nang magpahinga ang mga kapanalig, ngunit sa halip na maging kampante sa estado ng MIF ay lalong pinaigting ang…

Read More

CONGRATS, CONG. ERWIN TULFO!

TARGET NI KA REX CAYANONG YOU can never put a good man down. Ganyan nga ang nangyari matapos pormal na naiproklama bilang kinatawan ng ACT-CIS Partylist si Cong. Erwin Tulfo. Si Tulfo ay dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Socorro Inting ang mismong nanguna sa pagbibigay ng Certificate of Proclamation kay Tulfo. Ito’y katibayan ng kanyang opisyal na pag-upo bilang kinatawan ng party list sa Kamara. Kung hindi ako nagkakamali, ang proklamasyon ay isinagawa sa session hall ng COMELEC En…

Read More

WANTED SA MURDER PATAY SA ENGKWENTRO

CAVITE – Patay ang isang lalaki na may patong-patong na kaso nang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Cavite Police habang isinisilbi ang dalawang warrant of arrest sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Dead on arrival sa CARSIGMA Hospital ang suspek na si Ronnie Edondo Kilme, nasa hustong edad, ng Brgy. Kaong, Silang, Cavite dahil sa tama ng mga bala sa katawan. Sugatan naman ang isang alyas “Robot”, nasa hustong edad, isang confidential informant, at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Velasco Hospital. Ayon sa…

Read More