P100K SHABU NASAMSAM SA 2 SLIs

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P100,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang arestadong hinihinalang tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng Street Level Individuals (SLIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Matt Lorenz Figuracion at Artemio Tandas y Cacayuran, kapwa nasa hustong edad. Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas City Police sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.…

Read More

GURO INARESTO SA MANILA CITY JAIL SA ESTAFA CASE

MULING inaresto ng mga operatiba ng Station Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, ang isang 39-anyos na guro, dahil sa kasong estafa, sa loob ng Manila City Jail Female Dormitory sa Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng hapon. Itinago ang suspek sa pangalang “Susan”, residente ng Bacoor City, Cavite. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander, bandang alas-3:30 ng hapon nang makipagkoordina ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Police Major Billy Ray Canagan, sa tanggapan ng MCJ…

Read More

PERMANENTENG SOLUSYON SA PAGBAHA AT PAGGUHO NG LUPA

ITO ANG TOTOO ni Vic V. VIZCOCHO, Jr. PAULIT-ULIT na lang na kapag may matinding bagyo, malamang may pagbaha, at minsan ay “landslide” o pagguho ng lupa na naninira, hindi lang ng mga ari-arian kundi pati buhay ng mamamayan. Ito Ang Totoo: Napag-aaralan at napaghahandaan ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga partikular na lugar na “vulnerable”, katunayan, naima-mapa pa ang mga ito gaya ng gawa ng ilang mga ahensya at sangay ng gobyerno. Pero ganoon pa rin, kapag may matinding bagyo, kandarapa ang mga kinauukulan sa…

Read More

SUPORTA NG LAHAT NG PINOY KAILANGAN SA FIBA WORLD CUP 2023

SA GANANG AKIN ni JOE ZALDARRIAGA HINDI na kataka-taka na marami sa atin ay nasasabik na para sa nalalapit na pagdaraos ng FIBA World Cup 2023 sa ating bansa. Noon pa man ay makikita na sa ating mga lansangan ang pagmamahal ng Pilipinas sa basketbol—mula sa mga batang naglalaro sa kanto hanggang sa katanyagan ng laro sa ating bansa. Bahagi na ito ng ating kultura at araw-araw na pamumuhay. Handang-handa na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) pati na rin ang ating pamahalaan para ipakita hindi lamang ang galing ng…

Read More

AYUDA SA EGAY VICTIMS AT PAGBUHAY SA BICOL EXPRESS

TARGET NI KA REX CAYANONG HINDI pinababayaan ni Rizal Governor Nina Ynares ang kanyang mga kababayan. Talagang inihahatid ang mga pangangailangan nila. Kung hindi ako nagkakamali, hanggang nitong kamakalawa ng gabi, aba’y maraming pamilya pa rin na apektado ng Bagyong Egay ang nananatili sa mga evacuation center sa bayan ng San Mateo. Sinasabing karamihan sa kanila ay naninirahan sa low-lying areas kaya’t hindi pa makabalik sa kanilang mga tahanan. Habang isinusulat ko ang kolum na ito, mahigit 900 evacuees pa raw ang nananatili sa Maly Elementary School, Guinayang National High…

Read More

KORAPSYON SA ISABELA DEDMA SA SENADO

BISTADOR ni RUDY SIM ANG hangarin sana ng isang taong may malasakit sa kanyang bayan na noo’y kanya nang pinagsilbihan at hanggang sa kasalukuyan, ay nakikipaglaban upang magkaroon ng imbestigasyon at mapanagot ang mga itinuturong matataas na opisyales ng Isabela, na nasa likod ng walang habas na pagsasamantala sa kanilang kapangyarihan, ay tila pinagtatakpan pa ng mga inihalal ng taumbayan sa nakaraang halalan. Bilang malasakit sa kanyang lupang sinilangan ay mas nanaig pa rin sa dating alkalde ng Angadanan, Isabela na si Manuel “Noli” Siquian Sr. na dinggin ang karaingan…

Read More

ARTA TILA HINDI PABOR SA ‘ANTI-SMUGGLING’ NI BBM

BINALIKTAD ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang naunang rekomendasyon nito sa Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS), isang araw matapos magbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na bilang na ang araw ng mga smuggler at hoarder ng mga produktong pang-agrikultura. Nagmistulang biglang tumiklop ang ARTA sa ilang makapangyarihang grupo na tumutuligsa kung ano ang maaaring pinakamabisang armas ng administrasyong Marcos laban sa anti-smuggling. Sa sorpresang memorandum na inilabas noong Hulyo 25 ni Director General, Sec. Ernesto Perez, sinabi ng ARTA…

Read More

ROMUALDEZ KUMPIYANSANG MAIPAPASA AGAD PRIORITY BILLS NI PBBM

MAMADALIIN ng Kongreso ang pagbalangkas sa priority bills ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para maipasa sa lalong madaling panahon. Ito ang tiniyak kahapon ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at sinabing, “nagawa naming ipasa noong nakaraang session ang 31 sa 42 priority bills ng pangulo noong unang SONA niya.” “Kaya I am sure we can pass the President’s priority bills in his 2nd SONA bago matapos itong 2nd regular session namin,” dagdag ni Romualdez. May 20 priority bills ang Pangulo kabilang ang excise tax sa minsanang paggamit ng mga…

Read More