PAGKILALA SA HUWARANG PUBLIC SERVANTS

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO LAMAN ng balita at social media nitong nakaraang linggo ang kaliwa’t kanang insidenteng kinasasangkutan ng mga personalidad na dapat sana ay kaisa ng pamahalaan sa pagsusulong ng pampublikong kaligtasan. Sangkot sa mga road rage at isyu ng pagpositibo sa paggamit ng illegal na droga ang ilang miyembro ng kapulisan at isang dating sundalo. Hindi maiiwasang mapailing dahil talaga namang nakadidismaya ang mga pangyayari lalo na para sa ating mga ordinaryong mamamayan na wala namang kapangyarihan. Paano na tayo kung ang mga tao na mismong dapat…

Read More

SAKRIPISYO TAUMBAYAN SA TAMAD NA GOBYERNO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINIHINGI ng gobyerno ang sakripisyo ng mga rice retailer para sa ikabubuti ng mamamayan. Ito ang pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Asst. Sec. Agaton Uvero makaraang magreklamo ang mga nagbebenta ng bigas na maaaring malugi matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng price ceiling para sa regular milled rice sa presyong P41 kada kilo at P45 kada kilo naman ang well-milled rice na P45 per kilo. Pwede naman daw mabenta na hindi lugi pero wala lang kita, at pansamantala lang…

Read More

ANG HEALTHCARE ADVOCACY NI SEN. GO AT ANG PAGDALO NI SEN. PADILLA SA CLOSING CEREMONY NG SCOUT RANGER

DI KO GETS! ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) KILALANG healthcare advocate itong si Sen. Christopher “Bong” Go. Isinusulong niya ang karapatan ng bawat Pilipino para sa abot-kayang health care services. Aminado si Go na ilang barangay ang matagal nang humaharap sa mga hamon pagdating sa emergency medical services. Sinabi niya na ang kawalan nila ng dedikadong ambulansya ay kadalasang humahantong sa pagkaantala sa tulong medikal at inilalagay sa panganib ang buhay ng mga residente. Kaya naman, gumanap ng mahalagang papel si Go, chairman ng Senate Committee on Health, upang…

Read More

1 PATAY SA NABUWAL NA NARRA, 1 PATAY RIN SA ROCKSLIDE SA ILOILO

NAMATAY ang isang 46-anyos na tricycle driver habang sugatan ang pasahero nito nang mabagsakan ng nabuwal na puno ng narra habang bumibiyahe sa Gen. Trias City, Cavite noong Sabado ng hapon. Isinugod sa Gen. Trias City Medicare Hospital ang biktimang si Abelardo Garcia Adriano, 46, subalit hindi umabot nang buhay, habang sa Gen. Trias Medical Center naman isinugod ang pasahero nito na si Bonn Carlo Rubia, 20, dahil sa sugat sa katawan. Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Tierra Nevada Road, Brgy. San Francisco,…

Read More

2 MWPs NATUNTON SA MEYCAUAYAN JAIL

NATUNTON ng mga operatiba ng Tracker Team ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10, ang dalawang most wanted person sa kasong robbery holdup, sa male dormitory ng Meycauayan City Jail sa Barangay Camalig, Meycauayan City, Bulacan. Base sa ulat na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, station commander, bandang alas-5:35 ng hapon nang magtungo sa nasabing piitan sina Police Captain Vianny Ortiz at Police Captain Ramel Lucero at ilan nitong mga tauhan upang isilbi ang arrest warrant sa dalawang suspek na sina Roland Dela Cruz, 44, at…

Read More

PANGAMBA NG RICE RETAILERS NA MAAAPEKTUHAN SA PRICE CEILING PAKIKINGGAN – ROMUALDEZ

TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pakikinggan nila ang mga pangamba ng retailers ng bigas na maaapektuhan ng price ceiling na itinakda ng Palasyo sa bigas. Kaugnay nito, sinabi ni Romualdez na plano niyang kausapin ang lider ng rice retailers sa buong bansa ngayong linggo hinggil dito. “Hindi naman manhid ang gobyerno kaya we want to listen to their concern and we will try to find a solution doon sa pangamba nila na malulugi sila,” ayon kay Romualdez. Dagdag pa niya, “Alam naman natin na mataas na ang…

Read More

EX COP SA ROAD RAGE ‘DI PA NAGSAULI NG RETIREMENT PAY

KINUMPIRMA ni Senador Francis Tolentino na hindi pa rin ibinabalik ng dating pulis na nasangkot sa road rage ang kanyang retirement pay kahit ipinasasauli na ito sa kanya. Sinabi ni Tolentino na may kautusan na ang Philippine National Police kay Wilfredo Gonzales na ibalik ang kanyang retirement pay. Naniniwala si Tolentino na sinasadya ni Gonzales na hindi sundin ang atas ng PNP. Dapat din anyang sumailalim sa psychological tests si Gonzales bago isyuhan ng bagong lisensya. Inirekomenda ni Tolentino sa PNP na ipagpatuloy ang ebalwasyon sa mga pulis upang maiwasan…

Read More

SMART SIM CARDS PINAKAMARAMI SA MGA NAKUMPISKA SA PASAY POGO HUB RAID

PINANINIWALAAN ng mga awtoridad na mas paboritong gamitin sa online scam ang SIM card ng Smart telecom kung pagbabasehan ang mga nakumpiskang digital items sa raid sa isang POGO hub sa Pasay City kamakailan. Kinumpirma ni Presidential Anti-Organized Crime Commission head Usec. Gilbert Cruz na sa mahigit 20,000 pre-registered SIM cards ay umaabot sa 15,683 ang sa Smart telecom. Ang natitirang bilang ay pinaghati-hatian umano ng parehong local at international internet service providers, kabilang ang Globe telecom. Ang POGO hub raid sa Pasay ay kabilang sa serye ng pagkilos ng…

Read More

GRAFT ISINAMPA VS PAGCOR OFFICIALS

SINAMPAHAN ng kasong ‘graft and corruption’ sa Office of the Ombudsman ang limang dating opisyal at dalawa sa kasalukuyang administrasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at tatlong iba pa, nitong nakalipas na August 31 na kinapapalooban ng P75 milyong halaga ng anomalya. Ang mga inaakusahan ay kinabibilangan nina dating PAGCOR Chairman Andrea Domingo, former Board Members Gabriel Claudio, Carmen Pedrosa, Reynaldo Concordia, James Patrick; Jewel Castro at mga magulang nitong sina Rizalina and Simplicio Castro. Kasamang kinasuhan ang bagong PAGCOR Chairman na si Alejandro Tengco at Dianne Erica…

Read More