HVI HULI SA P170K SHABU

CAVITE – Tinatayang umabot sa P170,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon. Hawak na ng Dasmariñas Component City Police ang suspek na si alyas “Abedin” ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, itinuturing na high value individual ng pulisya. Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team (DET) ng Dasmariñas CPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Nakumpiska sa suspek ang…

Read More

Sa Cabuyao, Laguna DEATH TOLL SA PAGSABOG NG PAGAWAAN NG PAPUTOK, UMAKYAT SA 4

LAGUNA – Umakyat na sa apat ang bilang ng mga namatay sa pagsabog at pagkasunog sa pagawaan ng paputok sa Cabuyao City sa lalawigan noong Huwebes. Nasa 5 katao naman ang sugatan sa insidente, dalawa sa mga ito ang naka-confine pa sa ospital, at ang tatlo na dumanas ng minor injuries ay nakalabas na sa pagamutan matapos mabigyang ng lunas. Ayon kay PLt. Col. John Eric Antonio, hepe ng Cabuyao City police, bukod sa naunang dalawang dead on the spot noong mangyari ang pagsabog, dalawa sa mga biktima ang pumanaw…

Read More

ANIM PATAY SA BAHA AT LANDSLIDES, 1 PA MISSING SA MINDANAO

UMAKYAT na sa anim katao ang iniulat na namatay bunsod ng patuloy na nararanasang malalakas na mga pag-ulan na naging sanhi ng mga pagbaha at landslides sa malaking bahagi ng Mindanao. Habang isa naman ang iniulat na nawawala bunsod din ng torrential rain na nananalasa ngayon sa Mindanao simula pa noong nakalipas na linggo dahilan para lumikas ang libo-libong tao sa itinayong evacuation centers. Sa huling ulat na ibinahagi ng local NDRRMC office, na-retrieve na ang bangkay ng tatlong biktima na natabunan sa pagguho ng lupa habang nasa kasagsagan ng…

Read More

P27.6-M SIGARILYO NASABAT NG BOC PORT OF ZAMBOANGA

NASABAT ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga ang isang motorized wooden craft lulan ang illegaly imported 482 master cases ng sigarilyo na may market value na P27.6 milyon. Kasama ng BOC Water Patrol Division (WPD) ang Enforcement and Security Service-Customs Police Division, at Customs Intelligence and Investigation Service sa isinagawang maritime patrol operation na nagresulta sa pagkakasabat sa motor boat na FB JFM 2. Nang inspeksyunin ang motor boat o kilala bilang “Jungkong”, natuklasan na may sakay itong mga kontrabando. Bigo ang siyam na crew na magpakita ng kinakailangang mga…

Read More

Pagkatapos ng bigay-bawi PWESTO SA PNP NO. 2 POST IBINIGAY NI ACORDA SA IBA

MATAPOS ang isyu hinggil sa bawian ng appointment para sa no. 2 top post sa Philippine National Police, nagtalaga na si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ng bagong PNP Deputy Chief for Administration. Batay sa nilagdaang memorandum order ni PNP Director for Personnel and Records Management PMGen. Belli Tamayo, epektibo mula noong Huwebes, mayroon nang bagong number 2 man ang Pambansang Pulisya. Sa inilabas na pahayag ni PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, itinalaga ni General Acorda si Police Lt. Gen. Emmanuel Peralta bilang number two…

Read More