LADY RIDER PATAY SA FIRETRUCK

PATAY ang isang 34-anyos na babaeng motorcycle rider makaraang mag-overtake sa isang jeepney at masalpok ng firetruck sa westbound lane sa Pedro Gil Extension sa panulukan ng P. Carreon St., Sta. Ana, Manila noong Huwebes. Kinilala ang biktimang si Kathlyn dela Cruz, residente ng Paco, Manila. Habang ang driver ng firetruck ay kinilalang si Joey Remento, 36-anyos. Batay sa ulat ni Police Master Sergeant Maximil Yabut, desk officer ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-6:56 ng gabi nang mangyari ang insidente sa nabanggit na lugar. Ayon sa report…

Read More

PURA LUKA VEGA MULING INARESTO

MULING inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District ang kontrobersyal na si Pura Luka Vega sa panulukan ng Rizal Avenue at San Lazaro St., Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng hapon. Ayon sa ulat ni Police Major Billy Ray S. Canagan, ng Intelligence and Warrant Section, bandang alas-4:30 ng hapon nang arestuhin si Vega o si Amadeus Magallanes Pagente sa tunay na buhay, tinaguriang no. 1 most wanted person, district level, dahil sa kasong “Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows (RPC Art. 201 as amended by…

Read More

Notarial seal pinagkakitaan DATING EMPLEYADO IPINAARESTO NG ABOGADO

CAVITE – Ipinaaresto ng isang abogado ang 39-anyos na dati nitong empleyado dahil sa paggamit ng kanyang notarial seal at pinagkakitaan sa Bacoor City, noong Huwebes ng gabi. Nahaharap sa kasong usurpation of authority, falsification of public documents, forgery at estafa ang suspek na si alyas “Josie”, 39, nadakip sa entrapment operation makaraang ipaaresto ng dati niyang amo na si alyas “Atty. Ver”, 46, isang practicing lawyer. Ayon sa reklamo ni Atty. Ver sa pulisya, ginagamit at pinagkakakitaan umano ang kanyang notarial seal ng kanyang dating empleyado. Bunsod nito, nagkasa…

Read More

Natutulog pinukol ng speaker KUYA PATAY SA SAKSAK NI UTOL

CAVITE – Patay ang ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng nakababatang kapatid na nagalit matapos na batuhin ng biktima ng speaker habang natutulog sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa ospital ang biktimang si alyas “Marvic”, 37, ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng mga saksak mula sa nakababatang kapatid na si alyas “Marvin”, 36-anyos. Napag-alaman, habang natutulog si Marvin sa kanilang bahay sa Brgy. Amaya 6, Tanza dakong alas-8:00 ng gabi nang dumating ang biktima na binato ng speaker ang nakababatang kapatid.…

Read More

A school renovation project amplifies the potential of deaf community

A dedicated teacher from PSD provides a hands-on lecture inside their newly rehabilitated school building. Being hearing-impaired is a challenge in itself, navigating a world where communication relies heavily on spoken words. In the Philippines, this challenge further creates a gap, as opportunities for the deaf are limited, particularly in education and employment. The struggle is intensified as only a few secondary learning institutions are catering to their unique needs, with affordability and facility conditions further hindering their pursuit of skills and knowledge. A personal advocacy Shery Funcion, the Principal…

Read More

2 PATAY SA PAMAMARIL SA MAGUINDANAO DEL NORTE

MAGUINDANAO DEL NORTE – Dead on the spot ang dalawang lalaking nakasakay sa isang multicab matapos tambangan sa Sitio Bangkwang, Barangay Datu Kilay, sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha sa lalawigan noong Huwebes ng tanghali. Kinilala ng Maguindanao Del Sur Police Provincial Office ang isa sa mga biktima na si Rashied Lumanggal, taga Barangay Mirab, sa Upi, Maguindanao Del Norte. Hindi pa matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan sa isa pang napatay na biktima. Ayon sa report, mag-aalas-dose ng tanghali, sakay ang dalawang biktima sa asul na multicab at tinatahak ang…

Read More

4 NPA NAPATAY SA ENGKWENTRO ILOILO

ILOILO – Apat na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army ang napatay sa nangyaring engkwentro laban sa mga tropa ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army noong Miyerkoles ng madaling araw sa Brgy. Torocadan, sa bayan ng San Joaquin sa lalawigan. Ayon kay Brigadier General Michael Samson, commander ng 301st Infantry Brigade ng Army, unang nakita ang tatlong napatay noong Miyerkoles sa mismong encounter site at kinilala ang dalawa sa mga ito na sina Jeniel Estoque at Mario Reovoca, habang hindi pa natutukoy ang isa pa. Noong Huwebes ng…

Read More

SANGGOL PATAY SA SUNOG SA CAGAYAN DE ORO CITY

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang sanggol sa nangyaring sunog na tumupok sa 15 kabahayan sa Brgy. Balulang sa lungsod na ito, noong Huwebes ng hapon. Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente kung bakit hindi nailabas ang isang taong gulang na sanggol mula sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente. Ayon sa Cagayan de Oro City BFP, dakong ala-1:00 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa Purok Manggahan na agad itinaas sa ikalawang alarma. Sinasabing nagsimula ang apoy sa bahay ng isang residenteng si…

Read More

HALOS P12M AYUDA IPINAMAHAGI SA PUERTO PRINCESA CITY

PINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamimigay ng tulong sa mahihirap na pamilya at mga biktima ng sunog sa Puerto Princesa City. Si Romualdez ang itinalagang caretaker ng ikatlong distrito ng Palawan matapos pumanaw si dating kinatawan at mayor ng Puerto Princesa City na si Edward Hagedorn noong Nobyembre. “It is a duty I embrace with the utmost seriousness-to ensure that you the heart and soul of our community-are supported and uplifted during these trying times,” ani Romualdez,…

Read More