TULFO: MANGGAGAWA HANGGANG SA LAYLAYAN IPAPRAYORIDAD

TINIYAK kahapon ni Cong. Erwin Tulfo na hindi lang mga poorest of the poor, senior citizens, persons with disabilities (PWDs) solo parents, kundi pati mga manggagawa at overseas Filipino workers (OFWs) ang kanyang ipaprayoridad pagdating niya sa Senado. Ginawa ni Cong. Tulfo ang pagtiyak nang magtungo kahapon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa The Manila Hotel upang ihain ang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-senador. “Okey lang ituloy natin ang pagtulong sa mahihirap at bulnerable ng lipunan na makaahon dahil kulang o wala pa,” ayon kay Cong. Tulfo,…

Read More

Barangay officials kinondena ng mga benepisyaryo ‘SABOTAHE’ SA DOLE-TUPAD PAYOUT SA MONTALBAN

(JOEL O. AMONGO) NAGKAISA ang halos 300 benepisyaryo sa pagkondena sa anila’y malinaw na pananabotahe ng ilang opisyal ng barangay sa pagdaraos ng Department of Labor and Employment -Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DOLE-TUPAD) payout noong Oktubre 1 sa Barangay Burgos, Montalban, Rizal. Sa panayam ng SAKSI Ngayon, hindi napigilan ng mga residente na manggalaiti sa galit dahil ginulo anila ang sana ay maayos na paghahatid ng ayuda sa kanila. Kwento ni Marlyn Lipata, 40, residente ng Brgy. Burgos, bandang alas-9 ng umaga nang dumating siya sa Aranzazu covered…

Read More

15-ANYOS RIDER, ANGKAS PATAY SA TRACTOR HEAD

CAVITE – Patay ang isang 15-anyos na rider at angkas nito nang mabangga ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang tractor head matapos pumasok sa kabilang lane ng kalsada sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw. Naisugod pa sa Estrella Hospital ang biktimang si Mickaella Baysa y Mendoza, 15, at angkas nito na si Melboy Biceda y Haplic, 30, subalit kapwa namatay habang nilalapatan ng lunas. Kinilala naman ang driver ng Mercedes Benz 206 tractor head na si Ray Anthony, 32-anyos. Ayon sa ulat, binabagtas ng mga…

Read More

ANGELES CITY VICE MAYOR, 12 PA KINASUHAN NG GRAFT

PAMPANGA- Nahaharap sa kasong graft and corruption ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Angeles City matapos ireklamo sa Office of the Ombudsman ng United Pilipino Against Crime and Corruption (UPACC) noong Huwebes. Inihain ang reklamo kasama ang motion for issuance of immediate preventive suspension laban sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Angeles City, Pampanga na umano’y kumuha ng “ghost employees” noong 2022. Kabilang sa mga respondent sina Vice Mayor Ma. Vicenta Vega Cabigting at ang mga Konsehal ng Lungsod na sina Joan Crystal Aguas, Marino Bañola, Crisanto Cortez,…

Read More

Sa Kalangitan Landfill closure KORTE NAGLABAS NG TRO KONTRA BCDA, CDC

NAGLABAS ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Regional Trial Court sa Capas, Tarlac laban sa Bases Conversion Development Authority (BCDA) at Clark Development Corporation (CDC) upang pigilin sa pag-takeover ng 100-ektaryang Kalangitan Sanitary Landfill. Ito ay dahil sa nakatakdang kunin ng CDC at BCDA ang nag-iisang engineered sanitary landfill na may pang-araw-araw na kapasidad sa koleksyon ng basura na 4,000 tonelada hanggang 5,000 tonelada. Ito ay nagsisilbi sa 150 local government units sa Central at Northern Luzon, kabilang ang mga ospital sa Metro Manila. Parehong naghahanda ang CDC at BCDA…

Read More

PAGSUSULONG NG MGA PROGRAMANG NAKABUBUTI SA IBA’T IBANG ASPETO NG LIPUNAN

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO BAGAMA’T maraming grupo at indibidwal ang nagsasabing adbokasiya nilang tulungan ang mga kapos sa buhay at isulong ang karapatan ng mga senior citizen, hindi naman lahat ng ito ay nadarama ng dapat talagang makinabang. Kaya kawalan talaga sa Kongreso ang pagtatapos ng termino ni Rep. Joey Salceda dahil talaga namang itinulak niya ang mga batas na nagbigay ng maraming benepisyo sa mga Pilipino. Bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Albay, hindi na mabilang ang mga batas na ipinasa niya para mapadali ang pagnenegosyo sa bansa,…

Read More

NABILOG BA TAYO NI MABILOG?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NANGAKO si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog na sasagutin niya ang mga ibinabato sa kanya noong administrasyon ni Duterte. Humanga ako sa kanya nang bumalik siya sa Pilipinas matapos ang ilang taong pananatili sa ibang bansa dahil nga sa pangako niya. Bilib na sana ako sa kanya, pero parang hanggang pangako lang ang nangyayari dahil imbes na klaruhin ang mga paratang sa kanya ay tila ang inaatupag niya ay ang ambisyong makabalik sa dating puwesto. Mula nang humarap sa House Quad Committee ay tahimik na…

Read More

PARA SA SERBISYONG MAKADIYOS AT MAKATAO: TEAM COLLAB AT ANG BAGONG YUGTO NG TANAUAN

TARGET NI KA REX CAYANONG ANG serbisyong tunay na may prinsipyong ipinakita ng Team CollAb, sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at City Administrator Wilfredo “Dodong” Ablao, ay higit pa sa inaasahan ng mamamayan ng Tanauan. Ang kanilang walang pag-aalinlangang paninindigan para sa kapakanan ng mga Tanaueño ay pormal nang pinagtibay sa naganap na induction ceremony kamakailan, kung saan ang bawat isa ay nangako ng maka-Diyos at makataong paglilingkod. Sa bawat hakbang at desisyon ng kanilang pamumuno, makikita ang pagpapahalaga sa batas at sa karapatan ng mamamayan. Kasama si Kons.…

Read More

ELEKSYON NA NAMAN, PABUBUDOL KA BA ULIT?

PAINIT nang painit ang mga palabas sa entablado ng pulitika habang papalapit na ang huling araw ng paghahain ng kandidatura para sa Halalan 2025. Kanya-kanya nang gimik ang ilan sa mga lalawigan, distrito, siyudad at munisipalidad kung saan nila balak mahalal. Sa pagkasenador, may gustong palawigin ang kanilang termino, may nais makabalik, at may magbabakasakali muli. Nasa 18,272 nasyonal at lokal na posisyon ang nakalatag sa eleksyon sa Mayo 12, 2025. Bakit parami nang parami ang gustong magkaroon ng pwesto bilang halal ng bayan? Madali lang ang mga kwalipikasyon sa…

Read More