KAGUTUMAN SINALAMIN SA WORLD PANDESAL DAY

MISTULANG naging salamin ng kahirapan ang ginanap na pagdiriwang ng World Pandesal Day kahapon kung saan natalakay ang lumalaking bilang ng pamilyang naghihirap, graft and corruption at lumolobong utang ng Pilipinas Inilantad nina Senador Panfilo Lacson at Senador Imee Marcos ang mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng bansa partikular ang kagutuman at food security sa ginanap na talakayan sa Kamuning Bakery and Café sa Quezon City. Sinang-ayunan ito ni Wilson Lee Flores ang may-ari ng pinakamatandang panaderia sa Pilipinas dahil sa dami ng dumagsang tao sa Kamuning Bakery and Café…

Read More

Referrals ‘di totoong inaksyunan lahat OVP PUMALAG; DSWD SINUNGALING?

(CHRISTIAN DALE) KINONTRA ng Office of the Vice President ang pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na na-accommodate lahat ng referral mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa OVP, hindi ganap na naipoproseso ang mga programa kaya nakaliligaw ang pahayag ni Sec. Rex Gatchalian. Ayon kay Director for Operations Norman Baloro, nagkaroon ng ilang pagkakataon na tinanggihan ang mga referral ng OVP. Ibinigay niyang halimbawa ang hininging tulong ng isang grupo na ang kabuhayan ay naapektuhan dahil sa African Swine Fever virus. Tinanggihan aniya…

Read More

WALANG BOTANTE MGA DUTERTE – GADON

HINDI dapat pangambahan sa darating na halalan ang kampo ng mga Duterte. Ito ang hayagang iginiit ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon, patungkol sa mga pahayag na si VP Sara Duterte, ang mabigat na kandidato sa darating na presidential elections sa 2028. “The Dutertes are not major formidable political brand. Philippine politics is divided into two major groups – Marcos vs Aquino. Now is second generation rivalry, but while Marcos has heirs to the Marcos brand, the Aquino brand name only has closest kin Bam Aquino…

Read More

Iba’t ibang grupo dumulog sa SC PHILHEALTH FUND TRANSFER KADUDA-DUDA

(JULIET PACOT) DINALA kahapon sa Korte Suprema ng iba’t ibang grupo ang petisyon na kumukuwestiyon sa paglipat ng bilyong pondo ng PhilHealth sa national treasury. Ang pagharang ay ginawa ng mga dating opisyal ng pamahalaan, grupo ng mga abogado, pribadong sektor, mga lider ng simbahan at paaralan sa pamamagitan ng petisyon. Giit ng grupo sa kanilang petisyon, labag sa Konstitusyon at wala rin sa batas ang naturang plano lalo na’t pera ng mga manggagawa ang PhilHealth funds. Duda rin ang grupo sa naturang hakbang dahil tila gagamitin o magagamit lang…

Read More

NOYPI NANGANGAMOTE SA CIVIL SERVICE EXAM

MISTULANG hirap na hirap ang mayorya sa mga kumukuha ng civil service exam na ibinigay ng Civil Service Commission (CSC) sa Filipino professionals na gustong magtrabaho sa gobyerno. Ganito ang lumalabas matapos umaabot lamang sa 14.43% ang pumasa sa Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT)  na isinagawa noong Agosto 11, 2024 sa iba’t ibang panig ng bansa. Nabatid sa CSC na mula sa 296,758 total candidates na kumuha ng CSE Professional Level, 47,449 lamang ang nakapasa o katumbas lamang ng 14.43 percent. Maging sa CSE Sub Professional…

Read More

PRIVATIZATION NG AIR TRAFFIC MANAGEMENT SYSTEM MAPANGANIB

TUTOL si Senador Raffy Tulfo sa panukalang isapribado ang operasyon ng communications, navigation, and surveillance/air traffic management system (CNS/ATM) sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP). Ito ay makaraang makumpirma ni Tulfo mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagsumite ng proposal ang ComClark Network and Technology Corp. (ComClark) na pag-aari ng Tech tychoon na si Dennis Uy para sa pag-take over sa operasyon ng Philippines’ air traffic management system. Sinabi ni Tulfo na magdudulot ito ng seryosong panganib sa national security at nagiging bukas ang bansa sa…

Read More