(BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa kapalpakan at pagiging pabaya umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tuluyang nawala ang tiwala sa kanila ng mamamayan kaya ibinibigay na ang donasyon sa non-government organizations (NGOs) para sa mga biktima ng Bagyong Kristine. Obserbasyon ito ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos idaan ng ilang donors ang kanilang donasyon sa Angat Buhay na pinamumunuan ni dating vice president Leni Robredo imbes na diretso sa gobyerno. “Mismong government official ay piniling magtiwala sa NGO c/o VP Leni kaysa lubos na ipaubaya sa government…
Read MoreDay: October 28, 2024
KAMARA NAKAKITA NG 2 BATAYAN NG IMPEACHMENT CASE VS VP SARA
NAKAKITA na ng dalawang batayan ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ang House committee on good government and public accountability na nag-iimbestiga kung paano ginamit ang confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Ito ang kinumpirma ni Manila Rep. Joel Chua, chair ng nasabing komite, sa mga mamamahayag sa Kamara kahapon subalit nilinaw na bibigyan ng pagkakataon si Duterte na patunayan na hindi nilustay ang kanyang pondo. “Well, in the first place, ginawa naman po ito not for the purpose…
Read MoreKOMPENSASYON SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG KRISTINE IGINIIT
IGINIIT ng grupo ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na bigyan ng kompensasyon ang mga biktima ng Bagyong Kristine dahil sa kapabayaan ng gobyerno at pambabalahura sa kalikasan ng malalaking kumpanya sa bansa. “It is not enough to merely distribute aid,” ani House deputy minority France Castro kaya kailangang bayaran ang mga nasalanta ng matinding pagbaha lalo na sa Bicol region at Batangas. Ganito rin ang nais mangyari ng grupo ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel upang matulungang makabangon aniya ang mga biktima ng matinding pagbaha lalo na…
Read MoreDIGONG INAKO WAR ON DRUGS
I alone take full responsibility. Ito ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ipinatupad niyang war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon. Sa pagharap niya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ng dating pangulo na siya lamang ang may full legal responsibility sa lahat ng nagawa ng kanyang mga pulis na sumunod sa kanyang kautusan. Sinabi ng dating Punong Ehekutibo na kung may makukulong ay siya na lamang at huwag ang mga pulis dahil kawawa naman sila na sumunod lamang sa utos. Iginiit ni Duterte…
Read MorePAGTAKBO SA HALALAN NG MGA UMALI PINALAGAN
KINONDENA ng grupong Novo Ecijano: Bantay Boto Movement (NE: BBM) ang pagtakbo sa susunod na halalan ng halos ‘buong angkan’ ni Nueva Ecija Gov. Aurelio “Oyie” Umali. Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), anim na Umali ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa matataas na elective positions sa Nueva Ecija. Muling tatakbo sa pagka-gobernador si Umali, pero naghain din ng kandidatura sa pagka-gobernador ang kanyang 23-year old na anak na si Patricia Marie Umali. Sa pagka-vice governor naman, tatakbo ang nakatatandang kapatid ni Governor Umali na si…
Read MoreBATO, GO KINASTIGO SA PAGSALI SA WOD SENATE HEARING
KINASTIGO ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher Lawrence “Bong” Go dahil sa kabila ng panawagan na mag-inhibit ang mga ito sa pagdinig ng Senate sa war on drugs (WOD) ay dumalo pa rin ang mga ito. “We strongly condemn the shameless display of partisan defense and self-serving statements made by Senators Bong Go and Ronald “Bato” Dela Rosa during the Senate inquiry into the Duterte administration’s bloody war on drugs,” ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Kahapon ay sinimulan ng…
Read MorePASIG MAYOR VICO SOTTO PINADI-DISQUALIFY KALABAN SA 2025 POLLS
PINADIDISKWALIPIKA ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kanyang katunggali sa darating na 2025 national and local elections. Naghain si Sotto ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) laban kay Cezara Rowena Descaya dahil sa umano’y pagkakaroon nito ng koneksyon sa Joint Venture Company ng Miru System Company Limited. Ang Miru System Company Limited ang siyang technology provider ng Comelec para sa 2025 Midterm elections. Si Descaya, ayon kay Sotto ang may-ari ng St. Gerard Construction Company na may koneksyon sa St. Timothy, ang financial partner ng Miru System Company…
Read MoreBAGYONG LEON: SIGNAL NO. 1 SA ILANG LUGAR
ITINAAS na ang Signal No. 1 sa ilang lugar dulot ng pagpasok ng Bagyong Leon kaya nagkukumahog ngayon ang iba’t ibang search and rescue unit maging ang mga nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Relief Operation sa mga lugar na sinalanta ng Severe Tropical Storm Kristine na nag-iwan ng 116 patay habang nasa 29 ang reported missing, ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon ng umaga. Pinangangambahang patuloy na madaragdagan ang bilang ng casualties sa pananalasa ng nagdaang Bagyong Kristine. Sa datos ng NDRRMC, nasa…
Read MoreKASO NG LEPTOSPIROSIS POSIBLENG TUMAAS – DOH
NANGANGAMBA ang Department of Health (DOH) sa posibleng balik-sirit ng sakit na leptospirosis matapos ang matinding pagbaha dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang isiniwalat ni DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, inaasahan umano ang pagtaas ng kaso ng sakit mula sa ihi ng daga sa susunod na dalawang linggo. Nitong Linggo nakapanayam ang opisyal at sinabi nito na bumaba na ang mga kaso ng leptospirosis bago ang pananalasa ng bagyo ngunit maaari itong tumaas muli sa mga susunod na araw dahil maraming tao ang nalantad sa baha. Gayunman, puspusan ang…
Read More