KOMPENSASYON SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG KRISTINE IGINIIT

IGINIIT ng grupo ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na bigyan ng kompensasyon ang mga biktima ng Bagyong Kristine dahil sa kapabayaan ng gobyerno at pambabalahura sa kalikasan ng malalaking kumpanya sa bansa.

“It is not enough to merely distribute aid,” ani House deputy minority France Castro kaya kailangang bayaran ang mga nasalanta ng matinding pagbaha lalo na sa Bicol region at Batangas.

Ganito rin ang nais mangyari ng grupo ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel upang matulungang makabangon aniya ang mga biktima ng matinding pagbaha lalo na sa Bicol Region, Batangas at iba pang lalawigan.

Ipinaliwanag ng grupo ni Manuel na kung hindi binalasubas ng malalaking negosyante ang kalikasan tulad ng quarrying, pagmimina na hinayaan ng gobyerno ay hindi mararanasan ang matinding pagbaha sa Bicol Region.

Dahil dito, sinabi ni Castro na dapat ipatigil na ang malawakang pagmimina, quarrying, deforestation dahil kung hindi ay mas malala pa ang mararanasan ng taumbayan sa hinaharap lalo na nagbabago na ang klima.

Kahit anong dami aniya ang itatayong flood control projects kung hindi matitigil ang pambabalahura sa kalikasan ay patuloy na manganganib, hindi lamang ang buhay ng mga tao, kundi ng kanilang kabuhayan.(BERNARD TAGUINOD)

60

Related posts

Leave a Comment