RETIREMENT AGE NG PULIS, GAGAWING 57 YO

LUMUSOT na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang dagdagan ng isang taon ang serbisyo ng officers and non-officers ng Philippine National Police (PNP) bago sila obligadong magretiro. Ito ang nilalaman ng House Bill (HBO 11140 na pinagtibay sa House committee on public order and safety at nakatakdang iakyat na sa plenaryo ng Kamara para pagtibayin sa ikalawa at ikatlong at huling pagbasa. “Ang pagpapalawig ng mandatory retirement age para sa PNP ay makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng ating bansa para sa mga pulisya na may…

Read More

Babala ng NDRRMC-OCD ‘WAG BALEWALAIN EPEKTO NG SHEAR LINE, MAGING ALERTO

NANAWAGAN ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na huwag ipagsawalang-bahala ang mga panganib na dulot ng shear line na nagdadala ngayon ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa bansa. Ayon kay Usec. Ariel Nepomuceno, Civil Defense Administrator, “As we engage in worst-case scenario planning, it is crucial for everyone to heed the warnings regarding the current weather systems affecting our regions.” Ang shear line ay bunga ng pagsasalubong ng malamig na hangin mula sa hilagang silangan, kilala bilang northeast monsoon o amihan, at ng easterlies, ang mainit na…

Read More

ROCKET DEBRIS NG CHINA POSIBLENG BUMAGSAK SA PALAWAN

NAGBABALA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga taga-Palawan hinggil sa posibilidad na pagbagsak ng rocket debris sa kanilang lugar kasunod ng rocket launch ng People’s Republic of China. Sa inilabas na abiso ng NDRRMC, nakatakda ang Long March 12 rocket launch mula Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan China mula alas-8 ng gabi hanggang alas-12 ng madaling araw sa pagitan ng November 30 hanggang December 5, 2024, kung saan inaasahan ang drop zone nito ay sa bahagi ng Rozul Reef at Quezon, Palawan.…

Read More

ISA PANG IMPEACHMENT CASE VS SARA ISINAMPA

ISA pang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ang ang pormal na inihain kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na inendorso ng tatlong mambabatas mula sa Makabayan bloc. Ito ang pangalawang impeachment case na isinampa laban kay Duterte dahil noong Lunes, December 2, 2024 ay naunang nang naghahain ng reklamo ang Civil Society Group. Gayunpaman, kumpara sa unang impeachment complaint, tanging ang betrayal of public trust ang nilalaman ng pangalawang kaso na inihain ng 75 complainants mula mula sa iba’t ibang progresibong grupo sa pangungunan ng Bayan Muna.…

Read More

COC NG SAN PASCUAL, BATANGAS MAYORALTY BET PINAKAKANSELA

PINASASAGOT ng Commission on Elections 2nd Division si San Pascual, Batangas mayoralty candidate Arlene Bantugon-Magboo kaugnay sa inihaing petisyon ni Danilo A. Aldovino laban sa kanya. Pirmado ni Atty. Genesis M. Gatdula, Clerk of the Commission ang summon na inilabas noong Nobyembre 28, 2024, at inaatasan si Magboo na magsumite ng isang Verified Answer cum Memorandum sa loob ng limang (5) araw mula sa araw ng pagtanggap nito. Inihain ang petisyon alinsunod sa Seksyon 78 ng Omnibus Election Code na humihiling na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni Magboo…

Read More

COA, ADB MAGTUTULUNGAN PARA SA MAS EPEKTIBONG PAG-AUDIT SA FOREIGN-ASSISTED PROJECTS

NAGPULONG ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA) at Asian Development Bank (ADB) para talakayin ang mas maigting na pag-audit sa mga foreign-assisted projects, public debt audit at reporma sa Public Financial Management (PFM). Bahagi ng agenda sa idinaos na pulong ang PFM Inter-Agency Initiative for Green Lane Fiduciary Arrangements na parte ng international commitments ng COA. Sa pangunguna ni COA Chairperson Gamaliel A. Cordoba, nagbigay ang COA ng pagsusuri sa mga proyektong pinopondohan ng ADB. Pinuri naman ng ADB ang papel ng COA para matiyak na epektibo at…

Read More

PUBLIKO PINAG-IINGAT SA ONLINE SHOPPING

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Party-list, ang mamimili na tangkilikin ang mga lokal na produkto at suportahan ang maliliit at katamtamang laki ng negosyo (SMEs) lalo na ngayong kapaskuhan. Ipinaalala rin niya sa mga consumer na maging mapanuri sa kalidad ng mga imported na produkto at mag-ingat sa lumalalang banta ng mga online scam. “Sa Paskong ito, magsikap tayong mamili ng mga lokal na produkto,” sabi ni Poe sa isang pahayag. “Bagaman ang mga imported na produkto ay maaaring tila mas mura at nag-aalok…

Read More

MID-TERM ELECTION APEKTADO

DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI malayong maapektuhan ang mid-term election sa May 2025 kapag nagdesisyon ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tuluyang i-impeach si Vice President Sara Duterte. Sa kaso ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona, in-impeach siya sa Kamara ng 188 sa 285 na miyembro ng Kapulungan noong Disyembre 11, 2011 at sinimulan ng Impeachment Court ang paglilitis noong Enero 16, 2012. Nasentensyahan ng guilty si Corona noong Mayo 29, 2012 kaya mahigit apat na buwan na nilitis ng Impeachment Court o ng Senado…

Read More

ISANG KWENTO NG PAG-UNLAD

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG viral na TikTok na parirala na, “Hindi na marami ang tubig ng instant noodles,” ay sumasalamin sa katatagan, pag-unlad, at pag-asa. Sa unang tingin, ito ay tila isang simpleng komento tungkol sa paghahanda ng pagkain, ngunit para sa maraming Pilipino, ito ay kumakatawan sa isang mas malalim na kuwento ng kaligtasan at paglago. Sa loob ng maraming taon, ang pagdaragdag ng mas maraming tubig sa instant noodles ay isang pangkaraniwang kasanayan sa mga naghihirap na sambahayan. Isa itong malikhaing paraan upang mapakain ng…

Read More