SPECIAL BODY VS PINOY BIRTH CERT NG CHINESE NAT’LS APRUB NA

PINAGTIBAY na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magtatag ng special body na magkakansela sa Filipino birth certificate na inisyu sa mga Chinese nationals na sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at ilegal na droga. Walang tumutol nang isalang sa committee approval ang House Bill 11117 na mas kilala sa “Fraudulent Birth Certificate Cancellation Law” at nakatakdang iakyat na sa plenaryo sa susunod na linggo para sa ikalawa at ikatlong pagbasa. “A birth certificate is the most basic document a Filipino citizen must…

Read More

Pinalagan ng mga konsehal GRAB MAY ILLEGAL OPERATION SA LIPA CITY?

BINATIKOS ng mga konsehal ng Lipa City ang Grab Philippines sa illegal umanong pag-o-operate nito ng Grab Bike sa siyudad. Sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod noong ika-4 ng Disyembre, tinalakay ng mga konsehal ang ginagawang ilegal na operasyon ng Grab Bike sa siyudad. Kailangan munang aprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang permit ng Grab Bike bago ito makapag-operate sa isang lungsod. Napag-alaman sa sesyon na maituturing na “kolorum” ang Grab Bike dahil wala itong pahintulot mula sa konseho ng Lipa City. Ipinatawag na ng Lipa City Council ang Grab Philippines para…

Read More

3 DIST. HOSPITALS HUMAKOT NG DOH AWARD

SINA Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo (from left) kasama sina SAH Director Dr. Grace Padilla at JASGH Director Dr. Merle Sacdalan-Faustino. TUMANGGAP ng karangalan ang tatlo sa district hospitals na pinatatakbo ng city government of Manila mula sa Department of Health (DOH) dahil naabot nito ang best practices bilang ‘Green and Safe’ health facilities. “We in the City of Manila are grateful to the DOH for this unique acknowledgement of our efforts to keep our health facilities green and safe and environmentally-friendly,” pahayag ni Manila Mayor Honey…

Read More

KONGRESO TUTULONG SA PAGPAPABABA NG PRESYO NG BILIHIN – ROMUALDEZ

TUTULONG na ang Kongreso para mapababa ang presyo ng mga bilihin lalo na sa mga pagkain. Tinukoy ni House Speaker Martin Romualdez, ang pagbuo at pagsama-sama ng limang komite ng Kongreso na mag-iimbestiga kung bakit mataas pa rin ang presyo ng mga pagkain gayong mababa naman ang presyo nito sa farmgate at presyo sa pandaigdigang kalakalan lalo na ang bigas. “Inatasan ko ang Committee on Ways and Means, Food and Agriculture, Trade and Industry, Food Security, at Social Services na alamin kung ang mataas na presyo ng bilihin ngayon ay…

Read More