Adhikain para sa animal welfare: Dumalo sa Flash TV si Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga at ang Head ng Advocacy Communications Management na si Michelle Caguiao upang ipaliwanag ang kampanya ng Meralco sa pangangalaga ng community cats sa ilalim ng programang Catropa. Makikita sa larawan si Zaldarriaga at Caguiao na ipinapaliwanag kay Joy Rosaroso, host ng programang Tara Usap Tayo ang kahalagahaan ng pagpapalaganap ng animal welfare initiatives bilang sandata laban sa animal cruelty at incidents ng rabies sa bansa. Isa ang Meralco sa mga kumpanyang kinikilala bilang isang animal friendly…
Read MoreDay: December 6, 2024
Sa pagdami ng tutol sa Sara impeachment MARCOS, CONGRESSMEN ‘NAG-FELLOWSHIP
HINDI sinabihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang may 200 congressman na huwag iimpeach si Vice President Sara Duterte sa kanilang fellowship sa Palasyo ng Malacañang noong Miyerkoles ng gabi. Kapwa ito kinumpirma nina House committee on good government and public accountability chairman Rep. Joel Chua at La Union Rep. Paolo Ortega na kabilang sa 200 congressmen na personal na naghatid kay Marcos ng kanilang inaprubahang resolusyon ng pagsuporta rito. “Ay wala po. Wala pong napag-usapang impeachment. Nagpunta lang po dun kasama ‘yung ibang congressman at party leaders, binigay…
Read MoreLAHAT NG KUMUBRA NG CONFI FUND NG OVP, DEPED BUBUSISIIN
MATAPOS kumpirmahin ng Philippine Statistics Authority (PSA) na walang Pilipino na nagngangalang Mary Grace and Piattos at Kokoy Villamin, pinabeberipika na rin ng Kamara sa nasabing ahensya ang lahat taong tumanggap ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). “The revelation that Mary Grace Piattos is a fictitious identity raises serious red flags. The PSA must immediately audit and verify all the names appearing in the ARs submitted by the OVP to the Commission on Audit (COA),” ani Deputy Majority Leader Paolo Ortega…
Read MoreSolon kay VP Sara PANANAGUTAN, ‘DI PAGPAPATAWAD
“HINDI kami humihingi ng pagpapatawad mo. Ang kailangan namin ay panagutan mo ang pandarambong sa kaban ng bayan, pag-abuso sa kapangyarihan at pagtataksil sa mamamayan.” Sagot ito ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi niya mapapatawad ang kanyang mga kalaban sa pulitika. Ayon sa mambabatas, kung merong dapat humingi ng tawad sa sambayanang Pilipino ay ang Pangalawang Pangulo dahil sa kanyang inaasal, hindi maipaliwanag na paggastos sa kanyang confidential funds. Hindi nagbanggit ng pangalan si Duterte kung sino ang kanyang mga kalaban…
Read MoreTULONG SA PAMILYANG MAIIWAN NG POGO DEPORTEES SINIGURO
NAG-ALOK ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya ng mga dayuhan na nakatakdang i-deport dahil sa kanilang pagkakasangkot sa illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Sa 24 Oras special report ni Sandra Aguinaldo, araw ng Miyerkoles, ang mga magulang ng mga batang ito ay naglaan ng kanilang oras at panahon na tila ay kanilang huling mga araw na magkakasama habang hinihintay ang desisyon kaugnay sa kanilang deportasyon. Kabilang na rito ang 21-year old na si “Jamaica”, na mayroong limang buwan gulang na anak…
Read MoreSA ‘PAGTAKAS’ NI ROQUE, BI PINAGHIHIGPIT SA BORDER SECURITY
UMAPELA kahapon ang Department of Justice (DOJ) na palakasin ang border security sa bansa upang maiwasan makatakas ang ilang sangkot sa kaso, nang hindi dumaraan sa Immigration authorities. Ang panawagan ay iginiit ni DOJ Usec. Nicholas Felix Ty kasunod ng pagtakas nina Alice Guo at dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque. Aminado ang opisyal na may mga nakalulusot talaga na hindi dumaraan sa tamang proseso Partikular sa mga daungan at paliparan, sa kabila pa rin ito ng ipinalabas na lookout order ng ahensya. Kaya’t sinabi nito na kailangan palakasin ang…
Read MoreGAMER MINARDER SA COMPUTER SHOP
ANTIPOLO CITY – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng isang computer shop sa Antipolo City noong Miyerkoles. Kinilala ang biktimang si Biboy Montallana, alyas “Ace Dela Cruz”. Ayon imbestigasyon ng Antipolo City Police Station, bandang ala-una ng hapon, naglalaro ang biktima ng online scatter game sa isang computer shop sa Sitio Taguisan 1, Barangay Bagong Nayon 1, nang biglang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at ito ay pinagbabaril. Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek na naglakad lamang palabas ng shop dala…
Read More1 PATAY, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL NG CAR SELLER
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pamamaril ng isang car seller sa dalawang indibidwal na nagresulta sa kamatayan ng isa sa mga biktima sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Edzcel Lumboy, 46, may asawa, ng Brgy. San Lorenzo, Sta. Rosa, Laguna habang isinugod naman sa Asia Medic Hospital ang kasama nitong si alyas “Jackelou”, 44-anyos. Kinilala ang suspek na alyas si “Elmer”, isang ahente umano ng sasakyan, na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa salaysay ni Jackelou, nakipagtransaksiyon…
Read More5 SUGATAN SA NAG-CRASH NA NAVY CHOPPER
KINUMPIRMA ng Philippine Navy na nag-crash land ang isa nilang Agusta Westland AW-109 nitong Huwebes ng umaga sa Sangley Airport sa Cavite habang nagsasagawa ng training and maintenance flight. Ayon kay Commander John Percie Alcos, tagapagsalita ng Philippine Navy, bandang alas-10:18 ng umaga ng mag-crash ang kanilang Naval Helicopter NH432 sa Sangley Aerodrome. “This is to confirm that one of our AW-109s crashed early this morning (kahapon) around 10:18 a.m. at the Sangley Airport,” ani Navy Public Affair Office chief. Sugatan subalit nasa maayos nang kalagayan ang dalawang piloto nito…
Read More