SALARY STANDARDIZATION ISUSULONG NI ATTY. RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) ISUSULONG ni Atty. Vic Rodriguez sa Senado ang pagkakaroon ng pantay na sahod ng mga manggagawa sa lalawigan at Mega Manila. Isa ito sa mga layunin ni Atty. Rodriguez sa paglahok sa 2025 midterm election. Sa programang Ikaw Na Ba ng Super Radyo DZBB, inilutang ng dating Executive Secretary ang pagbuwag sa Regional Wage Board para magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa kita ang lahat ng manggagawa. “Bilang senador ninyo, nais kong ipanukala ‘yung pagkakaroon ng pagkakapare-parehas ng sahod. ‘Yung wage standardization. Dapat wala nang discrimination or distinction…

Read More

SINDIKATO ITINURO SA PAGBAHO NG MAYNILA

ILANG kalalakihan ang naaktuhan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nagtatambak ng basura sa mga lansangan mula sa isang cargo truck sa Tondo. Kinilala ang mga naaresto na sina Pablo Fajardo, 60, at Jake Aguilar, 24, habang iniimbestigahan din si Edgar Alde, 58, isang junk shop owner na residente ng Aroma Compound, Barangay 105 Zone 8, Tondo, Manila na umanoy may ari ng industrial truck na ginamit sa pagkakalat ng basura. Base sa ulat ng PNP-MPD Manila City Hall Task Force (MCHTF), isang reklamo mula sa Department…

Read More

MARCOS PINADIDISTANSYA SA IMPEACHMENT VS SARA

“PRESIDENT Marcos should not interfere with the impeachment process”. Ito ang pahayag ng isa sa mga endorser sa pangalawang impeachment case na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte na si House deputy minority leader France Castro. Kamakalawa, muling pinanindigan ni Marcos na wala pa sa panahon ang pagpapa-impeach sa Pangalawang Pangulo na itinuturing ni Castro na pakikialam at pag-iimpluwensya sa mga mambabatas sa Kamara. “Congress has a constitutional duty to process this case immediately. The people deserve accountability and transparency,” ayon sa mambabatas. Sinabi naman ni dating congressman Antonio…

Read More

POSISYON NI US SECRETARY OF STATE RUBIO SA WPS IKINATUWA SA KAMARA

(BERNARD TAGUINOD) IKINATURA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang posisyon ni United State (US) Secretary of State at dating US Senator Marco Rubio laban sa pambubully ng China sa Taiwan at Pilipinas sa West Philippine Sea. “Napakasarap malaman at marinig para sa ating mga Pilipino na ang incoming US Secretary of State ay malalim ang kaalaman sa mga karumal-dumal na ginagawa ng China sa WPS laban sa Pilipinas at Taiwan at handa nila tayong tulungan sakaling may hindi magandang mangyari dito,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. Sa…

Read More

2 SUSPEK SA PAMAMARIL SA CAVITE, ARESTADO

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang “persons-of-interest” na inginusong responsable sa pamamaril, at nahulihan ng baril sa isinagawang follow-up operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Sec 26 (q) ng Omnibus Election, ang mga suspek na sina alyas “Jessie, 62, at “Renante”, 37, kapwa ng Dasmariñas City. Ayon ulat, bandang alas-7:30 ng gabi, nagsagawa ng follow-up operation ang Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. Langkaan 1, ng nasabing lungsod, hinggil sa persons-of-interest sa nangyaring shooting incident sa…

Read More

P400-M DROGA WINASAK NG PDEA SA LEYTE

PINANGUNAHAN ni Philippine Drug Enforcement Agency 7 (PDEA7) Regional Director, Dir. III Bryan B. Babang ang pagsira sa nasamsam na drug and non-drug evidence at expired medicines sa pamamagitan ng thermal facility ng Heaven’s Gateway Chapel, sa Brgy. Campetic, Palo, Leyte. Winasak sa pamamagitan ng matinding init ang 58,930.0371 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na may street value na aabot sa P400,724,252.96; 0.1123 grams ng marijuana, at assorted expired medicines na may halagang P9,871.60. Ang isinagawang dangerous drug destruction na naaayon sa RA 9165, ay sinaksihan ng mga kinatawan…

Read More

Korean na magbebenta sana ng mamahaling kotse KINIDNAP SA MAKATI, NAILIGTAS SA BATANGAS

NASAGIP ng mga awtoridad sa Batangas ang isang Korean national na dinukot ng armadong kalalakihan sa isang spa sa Makati City noon pang January 15. Kinilala ang biktima na si Taehwa Kim, 40-anyos, isang Bitcoin trader at residente ng Lincoln Tower, sa Makati City. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pagkidnap dito noong Enero 15 nang makipagkita si Kim sa isang alias “JC” para sa bentahan ng kanyang kotseng Lamborghini Urus. Matapos ang test drive, nagtungo sila sa LaSema Jim Spa sa Makati para umano makipag-usap sa abogado ng…

Read More

PAGBABA NG SINGIL SA KURYENTE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MAGANDANG balita para sa mga customer ng Meralco ang kaka-anunsyo lamang nitong nakaraang linggo na bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Enero. Nasa halos 22 sentimo ang ibinaba ng rate, na katumbas ng mahigit na 100 pisong mababawas sa bayarin ng isang customer na kagaya kong nasa halos 500 kWh ang buwanang konsumo. Dahil tataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo, mabuti namang may relief naman para sa mga customer ng Meralco. Malaking tulong na rin ‘yan sa mga pamilyang Pilipino dahil…

Read More

KALINISAN, LIVELIHOOD PROGRAM ATBP., PRAYORIDAD NI GOV. DRA. HELEN TAN!

TARGET NI KA REX CAYANONG PINATUNAYAN muli ni Governor Doktora Helen Tan ang kanyang dedikasyon sa kapakanan ng bawat Quezonian sa matagumpay na pagsasagawa ng Batch 2 STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program nitong Miyerkoles, Enero 15, sa Brgy. Ilog, Infanta, Quezon. Sinasabing ang programang ito ay hindi lamang sumasalamin sa pagpapahalaga ng pamahalaang panlalawigan sa kalusugan at kaligtasan ng publiko, kundi pati na rin sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga mamamayan. Sa pangunguna ni Governor Tan, katuwang si PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, naipamahagi ang mahahalagang…

Read More