POSISYON NI US SECRETARY OF STATE RUBIO SA WPS IKINATUWA SA KAMARA

(BERNARD TAGUINOD)

IKINATURA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang posisyon ni United State (US) Secretary of State at dating US Senator Marco Rubio laban sa pambubully ng China sa Taiwan at Pilipinas sa West Philippine Sea.

“Napakasarap malaman at marinig para sa ating mga Pilipino na ang incoming US Secretary of State ay malalim ang kaalaman sa mga karumal-dumal na ginagawa ng China sa WPS laban sa Pilipinas at Taiwan at handa nila tayong tulungan sakaling may hindi magandang mangyari dito,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Sa Senate Foreign Relations Committee hearing kung saan dinidinig ang appointment ni Rubio bilang Secretary of States, binalaan nito ang China na itigil na ang pambubully sa Taiwan at Pilipinas dahil kung hindi ay mapipilitan ang Amerika na umaksyon.

Ginawa ni Rubio ang babala dahil habang tumatagal ay palala nang palala ang pambubully ng China sa mga Filipino sa WPS kung saan dinala pa ng mga ito ang kanilang higanteng barko ng Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal ng bahagi ng 200 mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“God forbid any miscommunication or some inadvertent conflict emerges out of China’s bullying and other forms of aggressions in the WPS, the US would be forced to defend the Philippines as its treaty ally, and its impact would have on the entire globe would be enormous, “and that includes Europe,” babala ni Rubio.

“The actions they (China) are taking now are deeply destabilizing; they are forcing us to take counteractions because we have commitments to the Philippines and we have commitments to Taiwan that we intend to keep,” ayon pa sa dating US senator.

Kung nais aniya ng China na maayos ang relasyon ng mga ito sa America ay dapat itigil ng mga ito ang kanilang ginagawang aksyon laban sa Pilipinas at Taiwan dahil kung hindi ay magkakaroon umano ang mga ito ng mas malaking problema.

Kagabi (oras sa Pilipinas) ay pormal nang nanumpa si Donald Trump bilang ika-47 Pangulo ng Amerika matapos itong manalo sa presidential election noong November 2024 laban kay dating US Vice President Kamala Harris.

“The stance taken by incoming US Sec. of State Sen. Rubio against China’s aggression in the WPS serves as a warning against China’s continuing disrespect on the Philippines and Taiwan’s territory and sovereignty,” ani Barbers kaya dapat igalang na ng China ang A 2016 arbitration ruling ng United Nations tribunal na nagbabasura sa pang-aangkin ng Beijing sa buong South China Sea.

46

Related posts

Leave a Comment