NAGPIYANSA ang dalawang dating mataas na opisyal ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) para sa apat na kaso ng graft na isinampa laban sa kanila ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y iregularidad sa P2-bilyong vessel monitoring system (VMS) project noong 2018. Naglagak ng tig-P360,000 na piyansa sina dating DA Undersecretary for Fisheries at BFAR National Director Eduardo B. Gongona at dating BFAR National Director Demosthenes R. Escoto sa Antipolo City Regional Trial Court (RTC) kapalit ng pansamantala nilang kalayaan. Itinakda ng korte ang kanilang…
Read MoreMonth: January 2025
HALOS 2M NAKIISA SA NATIONAL PEACE RALLY
(JESSE KABEL) HUMIGIT kumulang dalawang milyon ang nakiisa sa National Peace Rally ng Iglesia ni Cristo kahapon sa Quirino Grandstand sa Maynila. Sa initial estimate na ibinahagi ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office, bandang alas-11:00 ng tanghali ay mahigit 1.2 milyon na ang crowd estimate sa Quirino Grandstand. Una rito ay tiniyak ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines-Joint Task Force NCR na magpapakalat sila ng sapat na pwersa para tumulong sa pangangalaga at pagsasaayos ng peace rally. Nakipag-ugnayan din ang PNP, AFP, National…
Read MoreKASAYSAYAN NG AMA MAUULIT KAY PBBM?
MAUULIT lang kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, ang karanasan ng sambayanan na hindi pinapanagot ang mga nagkakasala sa bayan kaya maging sunud-sunuran lang ang Kongreso sa kanya. Ginawa ni dating Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casino ang pahayag dahil walang senyales na aaksyunan ng Kongreso ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte at mapanagot ito sa paglustay sa pera ng bayan. “The accountability of public officials should not lie at the whims of President Marcos,” ayon sa dating mambabatas kaya kailangang aksyunan ng Kongreso ang impeachment case…
Read MoreP25-M PARA SA DEMOLITION JOB VS VP SARA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NASA P25 milyon ang paunang pondo na ginamit ng mga kalaban para siraan si Vice President Sara Duterte. Bahagi ito ng pagbubunyag ni VP Sara sa pagharap sa kanyang Filipino supporters sa Tokyo, Japan, noong weekend. Naniniwala si VP Sara na patuloy ang pagbuhos ng pera ng kanyang mga kalaban para pabagsakin siya. “Kasi noong nangyari ‘yon, noong 2023 doon sa budget sa Department of Education and Office of the Vice President, sinabihan na ako no’ng kilala ko, kaibigan ko sa loob ng PR industry ng…
Read MoreLGUs kinalampag NATAPOS NA DEADLINE MAY POGO PA RIN
(CHRISTIAN DALE) HINIKAYAT ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang local government units (LGUs) na paigtingin ang kanilang pag-iinspeksyon upang matiyak na tuluyang mapupuksa ang natitirang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. “Mensahe ito sa lahat ng LCE [local chief executives], husayan n’yo trabaho, siguraduhin n’yong inspeksyunin n’yo lahat ng mga building. Kayo rin ang mananagot kung mahuli namin na pinasok n’yo mga building at hindi kayo nag-report sa amin,” ang sinabi ni Remulla. Ipinalabas ni Remulla ang babala matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang pasilidad sa Barangay Tambo,…
Read MoreP3.3-M ALAHAS NADEKWAT SA BAHAY NG NEGOSYANTE
QUEZON – Mahigit P3.3 milyong halaga ng mga alahas at relo ang natangay ng mga kawatan mula sa bahay ng isang negosyante sa Brgy. Bulakin, sa bayan ng Tiaong sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Nadiskubre ang insidente ng pagnanakaw bandang bandang alas-6:00 ng umaga, matapos makita ng biktimang si Ramon Gomez Talusan, 69-anyos, retiradong empleyado at residente ng Paseo Acacia, Hacienda Escudero, Phase 1, na nasa labas na ng kanilang bahay ang kanyang shoulder bag at backpack na dati ay nakalagay sa loob ng kanyang bahay. Ayon sa imbestigasyon,…
Read MoreBINATA PATAY SA TARAK NG SENIOR CITIZEN
CAVITE – Patay ang isang 25-anyos na binata makaraang saksakin ng kaalitang isang 63-anyos na senior citizen sa Bacoor City noong Linggo ng hapon. Kusang loob na sumuko ang suspek na si alyas “Danilo”, residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, na responsable sa pagpatay sa biktimang si alyas “Josh”, ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. San Nicolas 3 Extension, Bacoor City kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa. Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, biglang pinagsasaksak ng suspek…
Read More2 MANGINGISDA MISSING SA TUMAOB NA MOTORBOAT
NASAGIP ang isang mangingisda habang nawawala ang kanyang dalawang kasama matapos na tumaob ang kanilang bangka habang sila ay nangingisda sa karagatan ng Tayabas Bay nitong nakaraang Linggo. Ayon sa report, galing sa Dalahican, Lucena City ang tatlong mangingisda at namamalakaya sa laot sa pagitan ng Quezon, Batangas at Marinduque nang hambalusin ng malalaking alon ang bangka at tumaob. Mapalad namang nakakapit sa tumaob na bangka ang isa sa mga sakay nito na si Alberto Cabiao, 53-anyos, at nagpalutang-lutang sa dagat hanggang sa mapadpad at masagip sa karagatang sakop ng…
Read MoreNaaktuhang kaulayaw ng kalaguyo BABAE PATAY SA SAKSAK NG LIVE-IN PARTNER
CAVITE – Patay ang isang 22-anyos na babae nang umano’y aksidenteng masaksak ng kanyang live-in partner imbes na ang kalaguyo nito matapos silang maaktuhang magkaulayaw sa Dasmariñas City noong Linggo ng madaling araw. Mismong ang live-in partner pa ang nagdala sa biktima na si alyas “Marivic” sa Medical Center Imus ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Pinaghahanap naman ang suspek at live-in partner ng biktima na si alyas “Joseph”, 26, isang construction worker. Ayon sa ulat, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa loob ng…
Read More