PAGBAGSAK NG CHOPPER SA NUEVA ECIJA, INIIMBESTIGAHAN

INIHAYAG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na tuloy-tuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring pagbagsak ng isang helicopter na sinasabing sinakyan ni Senator Bato Dela Rosa, bago nag-crash sa Guimba, Nueva Ecija noong hapon ng Sabado na ikinamatay ng 25-anyos na babaeng piloto. Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio, maraming pag-aaralang factor sa pag-crash ng chopper tulad ng panahon, engine o makina ng helicopter, record ng piloto at ng mismong aircraft. Agad na nilinaw ng CAAP na mayroon…

Read More

POLICE VLOGGER KINASUHAN NG RAPE

ISANG tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang inilagay sa preventive custody dahil sa kinahaharap nitong kasong administratibo at kasong kriminal. Ayon kay PNP spokesperson at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, dinis-armahan na ng PRO4A ang police vlogger na inakusahan ng panggagahasa sa isang teller. Sinabi ni Fajardo, bukod sa dinidinig na kasong administratibo, sasampahan din ng kasong kriminal ang pulis at isa pang kasabwat na at-large. Ang biktimang teller ng sabungan sa Batangas, ay kasalukuyang nasa pagamutan dahil sa trauma na dinanas nito sa kamay ng nasabing police vlogger.…

Read More

Netizens napa-throwback sa pagyao ni Barbie Hsu WE WILL MISS YOU, SHAN CHAI

BROKENHEARTED ang Meteor Garden fans sa balitang pumanaw na si Barbie Hsu na siyang gumanap bilang San Cai sa naturang hit Asian series. Ang 48-anyos na si Hsu ay sinasabing nasawi sa komplikasyong dulot ng influenza. Kinumpirma ang balita ng kanyang nakababatang kapatid na si Dee Hsu, Taiwanese host, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag na ipinadala sa mga miyembro ng media sa Taiwan. Kwento ng kapatid ni Hsu, nagbakasyon ang kanilang pamilya sa Japan noong Chinese New Year ngunit sa kasamaang palad ay dinapuan ng influenza-related pneumonia ang…

Read More

TULAK LAGLAG SA DRUG BUST

HINDI nakapalag ang isang 25-anyos na umano’y tulak ng ilegal na droga nang arestuhin sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Conde Street malapit sa Bilibid Viejo St., sa Barangay 391, Quiapo, Manila noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si alyas “Awit”, jobless, residente ng Quiapo, Manila. Batay sa ulat ni Police Major Salvador Iñigo, Jr., hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon sa nabanggit na lugar na nagresulta…

Read More

TIRADOR NG KABLE AT BARIL, NASILO SA BINONDO

ISINELDA ng mga operatiba ng Manila Police District – Meisic Police Station 11, ang isang 32-anyos na lalaki makaraang makitaan ng mga kable ng CCTV, at mahulihan ng improvised na baril sa Muelle Dela Industria malapit sa Numancia Street, Binondo, Manila nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si alyas “Christian”, binata, jobless, tubong Pangasinan, at residente ng Sta. Cruz, Manila. Batay sa ulat ni Police Master Sergeant Bienvenida Rebaya kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang madakip ang suspek habang…

Read More

DUMARAMI NA NAMAN ANG KRIMEN

DPA ni BERNARD TAGUINOD NAKABABAHALA na naman ang pagdami ng mga krimen na pansamantalang nawala noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi lamang mga adik ang natatakot kundi maging ang mga kriminal. Hindi sa pabor ako roon sa tokhang ni Duterte dahil marami sa mga pinatay ng mga ng pulis ay hindi naman nanlaban at may mga napatay silang inosenteng mga biktima na wala namang kinalaman sa ilegal na droga at hindi sangkot sa kriminalidad. Ngayon ay nagbabalikan na naman ang mga kriminal kaya nagkakaroon na naman ng…

Read More

BESTLINK COLLEGE OFF-CAMPUS ACTIVITY UNAUTHORIZED

PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG pagbabasehan natin ang inilabas na Show Cause Order (SCO) ng Commission on Higher Education (CHED) kaugnay sa nangyaring selebrasyon ng ika-23 anibersaryo ng Bestlink College of the Philippines (BCP) na ginanap noong nakaraang Linggo, Enero 26, 2025, ito ay hindi awtorisado. Base sa inilabas na CHED SCO, bago magkaroon ng off-campus activity ang kolehiyo at unibersidad, pinatatakbo man ito ng pribado o gobyerno, ay kailangan nilang humingi ng pahintulot mula sa Commission on Higher Education (CHED). Kung kaya’t kailangan ng mga eskuwelahan na magsumite…

Read More

OPORTUNIDAD SA PANAHON NG KRISIS

At Your Service Ni Ka Francis ANG oportunidad ay walang pinipili, maging maganda man o nakararanas ng krisis ang ating bansa. Napatunayan ito noong nakaraang mga taon sa kainitan ng pananalasa ng COVID-19 pandemic sa buong mundo. Sa panahong ito nagsimulang napilitang gumamit ang mga tao ng proseso sa pamamagitan ng online. Hindi kasi makalabas ang mamamayan dahil ipinagbawal ang paggala ng mga tao para maiwasan ang mabilis na hawaan sa virus ng COVID-19. Mahigpit na ipinatupad ng mga awtoridad ang health protocols na hindi maaaring lumabas ng kanilang bahay ang…

Read More