WARRANTLESS ARREST SA VOTE BUYERS, SELLERS INIUTOS NG COMELEC

NAGLABAS ng resolusyon ang Commission on Elections (Comelec) na nagpapahintulot sa law enforcement officers na arestuhin ang vote buyers at sellers nang walang warrant kapag sila ay naaktuhan. Ang Resolution No.11104 ay magpapalawak ng awtoridad ng Committee on Kontra-Bigay ng poll body na subaybayan ang pagbili at pagbebenta ng boto sa Eleksyon 2025. Ang resolusyon ay nagpapahintulot sa isang tagapagpatupad ng batas na gumawa nang walang warrant na pag-aresto kung siya ay nakasaksi ng isang pagtatangkang gumawa o nakagawa na mga pagkakasala sa halalan. “Any law enforcement officer may, without…

Read More

MOST WANTED SA MURDER NABUSLO SA TONDO

ARESTADO ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District – Delpan Police Station 12, ang isang most wanted person sa kasong murder, noong Lunes ng umaga sa Tondo, Manila. Kinilala ang suspek na si Michael Cañete, 35, binata, construction worker, at naninirahan sa Parola Compound, Tondo, Manila. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Ferdinand Omli, hepe ng Warrant and Subpoena Section, kay Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, station commander, bandang alas-11:15 ng umaga nang damputin ang suspek sa naturang lugar. Ang suspek ay top 4 most…

Read More

3RD NOMINEE NG PARTY-LIST INARESTO HINDI DINUKOT – PNP

BINIGYANG-DIIN ni PNP spokesperson at Police Regional Office-Central Luzon Director Brigadier General Jean Fajardo, na inaresto sa bisa ng warrant of arrest at hindi dinukot ang isang 3rd nominee ng Magsasaka Party-list sa operasyon ng mga tauhan ng Marikina City Police Station Intelligence Section noong Pebrero 2, 2025, sa Gate 2 Service Road, Karangalan Village, Brgy. Dela Paz, Pasig City. Aniya, si Lijone dela Cruz alyas “Lejun,” 56, residente ng Quezon City, ay miyembro ng Alex Boncayao Brigade (ABB) at anak ni Nilo Dela Cruz, co-founder ng ABB gun for…

Read More

NEGOSYANTE PINATAY NG AKYAT-BAHAY SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang negosyante makaraang barilin ng hindi nakilalang suspek na nanloob sa kanilang bahay sa Brgy. Malabanban Sur, bayan ng Candelaria noong Lunes ng madaling araw. Base sa report ng Candelaria PNP, binaril ng mga suspek ang biktimang negosyante na si Willy Sy, 59-anyos, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang matuklasan nito ang dalawang lalaking armado ng baril sa loob ng kanilang bahay. Batay sa imbestigasyon, nang makapasok ang mga suspek, niyapos ng isa sa mga ito ang anak na babae ng biktima. Tinangka namang agawin ng…

Read More

MAGPINSANG RIDER PATAY SA TRUCK

CAMARINES SUR – Patay ang magpinsang estudyante matapos masalpok ang sinasakyang motorsiklo ng isang truck sa Rolando Andaya Highway ng Brgy. F. Simeon, sa bayan ng Ragay sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Brex Villa, 19, at Jamaica Kim Moreno, 16, kapwa residente ng Brgy. Lower Omon, Ragay. Camarines Sur. Ayon sa ulat ng Ragay Municipal Police, bandang alas-5:20 ng hapon, pauwi na ang magpinsan at minamaneho ni Villa ang motorsiklo sa southbound direction ng highway nang nasalpok sila ng kasalubong na wing van truck…

Read More

KAPAYAPAAN SA HALALAN 2025, TINIYAK NG PNP CALABARZON

TINIYAK ng PNP CALABARZON ang maayos at ligtas na halalan sa 2025 sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng gun ban alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11067. Ayon kay PCol. Melvin Napiloy, ang Deputy Regional Director for Administration ng PRO CALABARZON, sa ilalim ng programang F.E.E.L S.A.F.E.R., umabot na sa 3,138 na armas ang boluntaryong isinuko mula Setyembre 2024 hanggang Enero 2025. Sa isinagawang mga operasyon tulad ng search warrants, checkpoints, police patrols, at Oplan Bakal, 414 armas ang nakumpiska at 313 katao ang naaresto. Bukod dito, sa Oplan Katok,…

Read More

Sa CALABARZON Region 3K ARMAS NAKUMPISKA, ISINUKO NG MGA POLITIKO

TINATAYANG mahigit sa 3,000 matataas at maiiksing armas na nakumpiska mula sa iba’t ibang police operation, at pag-aari ng mga politiko at kandidato ngayong midterm election, ang iprinisenta sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna. Kaugnay ito sa proyekto ng Police Regional Office CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon) na F.E.E.L S.A.F.E.R. o Firearms and Explosives from Candidates/Supporters/Kins/Juridical for Safekeeping and Disposal, An Effort Leading to a Secure, Accurate and Fair Election in CALABARZON Region). Sa kabuuan, tinatayang 3,138 na mga baril at mga armas ang iprinisenta kabilang dito ang…

Read More

Atty. Rodriguez sa imbitasyon ng Tri Comm sa vloggers PASAKALYE SA PAGSIKIL SA FREE SPEECH

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PARA kay Atty. Vic Rodriguez, pasakalye o panimulang hakbang ang imbitasyon ng tri-committee ng Kamara sa 40 social media personalities para sagkaan ang malayang pamamahayag. Sa kayang Facebook page, inihayag ng senatorial aspirant ang aniya’y layunin ng unang Tricomm congressional hearing. Malinaw aniya, base sa mga pinadalhan ng imbitasyon na nakatutok ito sa mga bumabatikos sa administrasyong Marcos. “This is very clear based on the list of those invited that is actually a virtual who’s who of known and perceived critics of the Marcos administration. Right…

Read More

COMPLAINANTS SA IMPEACH SARA MAY VIGIL SA KAMARA

ISANG vigil ang isinagawa ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng mga complainant sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Base sa itinakdang skedyul ng mga progresibong grupo, alas-kuwatro ng madaling araw magsisimula ang vigil sa South Gate ng Mababang Kapulungan, kasabay ng huling araw ng session ng Kongreso. “Last 2 minutes na ng session bago ang break. Hindi na dapat i-dribble pa ang impeachment. Ang kailangan ay fastbreak para madala na ang articles of impeachment sa Senado. Ito ang hiling ng taumbayan,” ayon kay Bayan Muna president…

Read More