CAVITE – Makaraang mabiktima ang dalawang doktor at isang engineer, isa namang negosyante ang naitalang biktima ng basag-kotse sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si alyas “Michael”, 28, residente ng Barangay Sta. Rita, Olongapo City, Zambales habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek. Ayon sa ulat, ipinarada ng biktima ang kanyang Ford Everest na may plakang CAI 2062, sa parking lot sa harap ng isang commercial center complex sa Paliparan Road, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, upang dumalo sa TESDA seminar. Habang nasa seminar, narinig niyang…
Read MoreDay: February 6, 2025
BABAE NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY
QUEZON – Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang sa ilalim ng tulay sa Barangay Pulo, sa bayan ng San Antonio sa lalawigan noong Martes ng umaga. Ayon sa ulat ng San Antonio Police, bandang alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay na nakabulagta sa gilid ng ilog sa ilalim ng tulay sa Barangay Pulo. Napag-alaman sa imbestigaston ng pulisya, natuklasan ang mga sugat nito sa noo at mukha na maaaring sanhi ng pagkahulog mula sa tulay. Nabatid naman mula sa ilang nakasaksi, nakita ang babae na naglalakad…
Read MoreBARANGAY CAPTAIN NAIPIT SA MINAMANEHONG ROAD GRADER, PATAY
BATANGAS – Patay ang isang barangay captain matapos na maipit ng kanyang minamanehong road grader sa Barangay Calantas, sa bayan Rosario sa lalawigan noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Barangay Captain Rudy Manongsong Endencio, ng Barangay Antipolo, Rosario. Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang soil grader sa barangay road pababa sa bahaging may tulay nang mawalan umano ng preno ang heavy equipment. Iniwas ito ng kapitan sa mga batang estudyante na naglalakad sa kalsada, at itinalon sa gilid ng daan. Para sa kanyang kaligtasan, tumalon din ang…
Read MoreMPT South Achieves Triple ISO Certification, Strengthening Commitment to Excellence and Sustainability
MPT South, the concessionaire of the Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) and Cavite-Laguna Expressway (CALAX), and a subsidiary of Metro Pacific Tollways Corporation, was recently granted three International Organization for Standardization (ISO) certifications. The company achieved certifications for ISO 9001 (Quality Management), ISO 14001 (Environmental Management), and ISO 45001 (Occupational Health and Safety), showcasing its commitment to operational excellence and sustainable business practices. To celebrate this milestone, an awarding ceremony was held on January 27, 2025, at Sequoia Hotel, where certifying body, DQS Certification Philippines President Mr. Romeo Bravo formally presented the…
Read More6TH MULTILATERAL MARITIME COOPERATIVE ACTIVITY ISINAGAWA SA WPS
PINASIMULAN kahapon Pebrero 5, 2025, ng pinagsanib na pwersa ng Pilipinas, Australia, Japan, at United States ang ika-anim na Multilateral Maritime Cooperative Activity sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa. Sa inilabas na pahayag kahapon mula sa tanggapan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner, nagsimulang maglayag patungong West Philippine Sea ang combined armed and defense forces ng Philippine Navy Australia, Japan, at U.S. para ipakita ang sama-samang pagsisikap ng magka-alyadong mga bansa na mapalakas ang regional and international cooperation bilang suporta sa malaya…
Read MoreREP. NOGRALES NANINDIGAN PARA SA P200 ACROSS-THE-BOARD WAGE HIKE
“MAS mahalaga po na tumindig tayo at magkaisa para tuluyan nang maisabatas ang panukalang pagtaas ng sahod ng ating mga manggagawa. Ang sipag at tiyaga ng bawat manggagawang Pilipino ay dapat nating bigyan ng sapat na pagkilala, suporta, at nararapat na sahod upang matiyak ang mas maayos na kalidad ng buhay ng ating mga kababayan.” Tinuran ito ni House committee on labor and employment chair Rep. Fidel Nograles matapos pangunahan ang pag-apruba sa panukalang P200 across-the-board wage increase sa mga empleyado sa pribadong sektor. Pinamunuan ni Nograles ang pagpupulong ng…
Read MorePETISYON KONTRA 2025 BUDGET UMUSAD NA SA SC
(JULIET PACOT) INATASAN ng Supreme Court ang Kongreso at si Executive Secretary Lucas Bersamin na magkomento sa loob ng 10 araw para sagutin ang petisyon na humahamon sa legalidad ng 2025 General Appropriations Act o national budget. Magugunitang kamakailan, nagsampa ng petition for certiorari and prohibition sina dating ES at Senatorial aspirant Atty. Vic Rodriguez, Davao City 3rd district Rep. Isidro Ungab at iba pa. Pinangalanan naman bilang respondent si ES Bersamin kasama sina Senate President Francis Escudero at House Speaker Martin Romualdez. Sa naturang petisyon, ikinatwiran ng mga petitioner…
Read MoreBUS LANE PLANONG ALISIN NA SA EDSA
INAASAHAN na ang planong pag-alis sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) bus lane para lumuwag ang espasyo sa mga pangunahing daanan. Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes na ang pag-phaseout sa EDSA bus lane ay tinalakay sa isang pulong na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, noong Martes. Ang panukala ani Artes ay sa gitna ng ginawang pagpapawalak ng Department of Transportation’s (DOTr) sa kasalukuyang kapasidad ng Metro Rail Transit (MRT). “Magdadagdag daw po ng isang bagon, so that’s another…
Read MoreSANDRO MARCOS NANGUNA SA PAGPAPA-IMPEACH KAY VP SARA
KASABAY ng pag-endorso sa article of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, pinangalanan na ng Kamara ang labing isang congressmen na tatayong prosecutors sa impeachment trial. Kabilang sa mga ito sina Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro. Antipolo City Rep. Romeo Acop, 1Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez, Manila Rep. Joel Chua, Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon, General Santos City Rep. Loreto Acharon, House minority leader Marcelino Libanan, Oriental Mindoro Rep. Arnan C. Panaligan, San Juan City Rep. Ysabel Maria J. Zamora, Iloilo Rep. Lorenz R. Defensor at…
Read More