NASA 85 lamang mula sa 155 party-lists ang inaprubahang online campaign platforms ng Commission on Elections (Comelec) En banc na maaaring gamitin para sa 2025 May elections. Habang 29 lamang na online campaign platforms ang inaprubahan mula sa 66 senatorial candidates. Apat sa mga kandidato ang partially compliant at 33 naman ang non-compliant, ayon sa Comelec. Base sa hinihingi ng Education and Information Department, inatasan ng komisyon ang mga partially compliant na tumalima. Inatasan din ang mga kandidato at partido na non-compliant na tanggalin o i-take down ang kanilang mga…
Read MoreDay: February 18, 2025
BUONG PWERSA NG PHIL. ARMY KASADO PARA SA 2025 MIDTERM ELECTION
“WE are committing the whole Philippine Army to ensure that we will have a peaceful, honest, orderly and credible Midterm election,” ito ang naging pahayag nitong Lunes ni Army Commanding General Roy Galido. Sa ginanap na CGPA’s Time with the Media 2025 kahapon ng umaga sa kanilang Punong Himpilan sa Fort Andres Bonifacio, Taguig City, inihayag ni General Galido na nakahanda ang buong pwersa ng Hukbong Katihan na suportahan ang Commission on Election at Philippine National Police sa pagtiyak na magiging mapayapa ang gaganaping eleksyon. “WE can move thousands of…
Read MoreHOUSE PROSEC KUMPIYANSANG MAPATUTUNAYANG GUILTY SI VP SARA
KUMBINSIDO ang isa sa labing isang House prosecutor ng impeachment court na mapapatunayan ang pagkakasala ni Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio kapag nagsimula na ang pagdinig sa impeachment ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte (FPRRD). Lalong ganado ang katukayo ng dating pangulo na si 1-Rider party-list congressman Ramon Rodrigo ‘Rodge’ Gutierrez matapos lumabas sa isang survey na 73 porsyento ng mga Pilipino ang nagnanais sumaksi sa impeachment trial, partikular na sa pagbabanta ni VP Sara sa buhay nina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (PBBM), First Lady Marie Louise ‘Liza’…
Read MoreComelec sa mga pasaway na kandidato BAKLAS CAMPAIGN MATERIALS O DQ?
PADADALHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato ng ‘Notice to Remove ‘ para alisin ang kanilang campaign materials na nakalagay sa mga bawal na lugar. Ilang araw bago ang campaign period ay nag-ikot si Comelec Chairman George Garcia sa Maynila kung saan maraming campaign materials ang namataan sa ilang lugar ng lungsod. Nakita niyang nagkalat pa rin ang campaign materials sa bahagi ng Honorio Lopez Boulevard at iba pang lugar na una nang nilinis ng komisyon. Dahil dito, sinabi ni Special Asst. to the Chairman, Atty. Frances Aguindadao-Arabe,…
Read MoreDENGUE OUTBREAK GUMAPANG SA 8 LUGAR
(JULIET PACOT) NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagdedeklara ng dengue outbreak sa 8 pang lugar sa bansa sa gitna ng pagtaas ng mga kaso nito sa mga nakalipas na linggo. Nauna nang nagdeklara noong Sabado ang Quezon city ng dengue outbreak. Hanggang noong Biyernes, Feb. 14 nasa 1,769 na ang may dengue sa Quezon City kung saan sampu na ang nasawi na kinabibilangan ng mga menor de edad. Nakikitaan din umano ng pagtaas ng kaso, ayon kay Health spokesperson ASec. Albert Domingo ang walo pang lugar sa…
Read MoreALVAREZ PINABUBUSALAN SA BLANGKONG BICAM REPORT?
GUSTO umanong busalan ng tatlong administration congressmen si dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez sa gitna ng seryosong alegasyon sa sinasabing niyang criminal act sa pagsingit umano ng mga probisyon sa mga blangkong bahagi ng 2025 General Appropriation Act (GAA). Buwelta ito ni Alvarez kina Taguig representative Amparo Maria ‘Pammy’ Zamora, Majority Leader Jose Manuel Dalipe at 1-Rider party-list congressman Ramon Rodrigo ‘Rodge’ Gutierrez na kumukuwestiyon sa motibo ng dating Speaker sa pagsampa nila ng kaso laban sa mga matataas na opisyales ng Kamara de Representante. Magugunita na bukod sa…
Read MoreONLINE SCAM LUMALA SA SIM REGISTRATION – PAOCC
MALAKING hamon sa mga awtoridad ang pagsugpo sa online scams dahil sa SIM Registration Act, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Inihayag ito ni PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz matapos iulat ng credit rating firm na Moody’s na may Filipino entity at mga tao ang sangkot sa romance scams. Sa katunayan, nakita ang mabilis na pagsirit sa 45 noong 2024 kontra sa 10 noong 2023. “The Philippines ranked seventh globally for the highest number of entities and people with potential ties to romance scams,” ayon sa Moody’s. Aminado…
Read MoreAno’ng nangyari sa cold storage program ng DA? MARCOS SININGIL SA MULTI BILYONG ORION PROJECT
(PAOLO SANTOS) INUSISA ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kung ano ang nangyari sa ₱3 bilyon cold storage program ng Department of Agriculture (DA) at humihiling ng agarang kasagutan at pananagutan hinggil sa Optimization and Resiliency In the Onion Industry Network (ORION) Project dahil ang pinakabagong patakaran umano sa pag-aangkat ng sibuyas ay inaasahang magdudulot ng kalituhan sa mga lokal na magsasaka. Ayon sa KMP, “nakita na natin ito noon pa—bumaba ang presyo ng sibuyas at napilitang itapon ng mga magsasaka ang kanilang ani dahil sa sobrang supply kaya ngayo’y…
Read MoreAKO OFW PARTY-LIST UMARANGKADA SA QATAR
DOHA, Qatar– Gumuhit ng kasaysayan ang AKO OFW Party-list bilang unang Philippine party-list na naglunsad ng international campaign sa ikalawang araw ng opisyal na pagsisimula ng panahon ng kampanya para sa May 2025 mid-term national & local elections (NLE). Dinaluhan ng Filipino community leaders and stakeholders ang paglulunsad sa grupo na sinabayan ng pagbabahagi ng kaalaman kaugnay ng online voting. Pormal nang ipatutupad sa Mayo ang online voting system for overseas absentee voters (OAVs) kung saan maaari nang makaboto ang mga Pinoy na nasa ibayong dagat sa pamamagitan ng kanilang…
Read More