Comelec sa mga pasaway na kandidato BAKLAS CAMPAIGN MATERIALS O DQ?

PADADALHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato ng ‘Notice to Remove ‘ para alisin ang kanilang campaign materials na nakalagay sa mga bawal na lugar.

Ilang araw bago ang campaign period ay nag-ikot si Comelec Chairman George Garcia sa Maynila kung saan maraming campaign materials ang namataan sa ilang lugar ng lungsod.

Nakita niyang nagkalat pa rin ang campaign materials sa bahagi ng Honorio Lopez Boulevard at iba pang lugar na una nang nilinis ng komisyon.

Dahil dito, sinabi ni Special Asst. to the Chairman, Atty. Frances Aguindadao-Arabe, ipinag-utos ng Comelec na maisyuhan ang mga kandidato ng ‘Notice to remove campaign materials’.

Ayon pa kay Atty. Arabe, pinuno ng TF Oplan Baklas, kung hindi tutugon ang mga kandidato ay saka sila kukunan ng sinumpaang salaysay at iisyuhan ng show cause order.

Ito ay para sa dalawang hiwalay na tugon ng komisyon kung hindi aaksyon ang mga kandidato hinggil sa mga paglabag sa patakaran sa pangangampanya.

Una nang nagbanta ang Comelec na handa silang aksyunan ang mga paglabag ng mga kandidato kahit umabot pa ito sa pagsusulong ng kanilang diskwalipikasyon. (JOCELYN DOMENDEN)

21

Related posts

Leave a Comment