NASABAT ng tropa ng 6th Infantry (Redskin) Battalion ang iba’t ibang armas at pampasabog matapos mapigilan ang sagupaan sa pagitan ng dalawang armadong grupo sa Brgy. Ganta, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur. Ayon kay Lt. Col. Al Victor C. Burkley, commanding officer ng 6IB, nakatanggap sila ng sumbong mula sa mga residente tungkol sa engkwentro sa pagitan ng armadong grupo na pinamumunuan ni Badrudin Dagandal at pangkat ni Bendao. Bilang tugon, agad nagresponde ang mga sundalo bandang alas-6:00 ng umaga, na nagresulta sa agarang pag-atras ng mga ito nang…
Read MoreDay: March 31, 2025
LOBOC RIVER, PAIILAWAN – SEN. LAPID
BILANG bahagi ng pagpapalago ng turismo, sinabi ni Senador Lito Lapid na pag-aaralan ang posibilidad na pailawan ang Loboc River sa Bohol na dinarayo ng mga turista dahil sa floating restaurants dito. Sa ginawang inspeksyon, inihayag ni Lapid na hiniling sa kanya ni Loboc Mayor Raymond Jala ang posibilidad na pondohan ang pagkakabit ng mga ilaw upang makapag-operate kahit sa gabi ang Loboc river cruise. Sinuspinde ni Mayor Jala ang panggabing operasyon ng mga floating restaurant matapos masira ng bagyo kaya nagdilim ang lugar at nagkaroon ng posibilidad ng panganib…
Read MorePAGTUKOY SA KINAROROONAN NG MGA PINOY SA MYANMAR PAIGTINGIN
UMAPELA si Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Foreign Affairs at sa Philippine Consulate sa Myanmar na paigtingin pa ang pagsusumikap na malocate ang mga nawawalang Filipino matapos ang malakas na lindol. Sa gitna ito ng ulat na ilang Pinoy ang hindi pa mahanap matapos ang lindol. Bagama’t wala anyang Pinoy na napabalitang nasawi sa Thailand, hiniling ni Gatchalian sa DFA na pakilusin din ang kanilang mga tauhan upang matulungan ang ating mga kababayan na naapektuhan ng lindol at tiyakin na mabibigyan ng kaukulang tulong ang mga nangangailangan. Pinuri ni…
Read MoreAKSYON NI MAYOR VICO SA PEACE COVENANT EVENT PINUNA
KINONDENA ni Pasig City congressional candidate Atty. Christian “Ian” Sia ang pagiging arogante umano ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Partikular na pinuna ni Sia ang aksyon ng alkalde sa idinaos na peace covenant signing event sa lungsod kamakailan. Ayon kay Sia, maituturing na offensive ang pagbibiro ni Sotto nang magkunwari itong tila kinakamayan ang katunggali nyang kandidato. Magugunitang hindi umabot sa nasabing event si mayoral candidate Sarah Discaya, dahil masama umano ang pakiramdam nito. Nagtungo rin si Discaya sa peace covenant event, subalit maagang natapos ang aktibidad dahil maaga…
Read MoreHOUSE TO HOUSE AT PALENGKE TOUR NG TEAM BINAY SA MAKATI
PINANGUNAHAN ni UNA official candidate for Makati Mayor Nancy Binay ang unang salvo ng Team BINAY sa pamamagitan ng isang pasasalamat na misa sa San Ildefonso Parish Church sa Barangay Pio del Pilar, sa naturang lungsod. Kasama ni Binay ang kandidato ng UNA sa Vice Mayor Monsour del Rosario, at mga konsehal ng 1st District ng Makati. Sinundan ito ng house-to-house at palengke tour ng Team BINAY sa unang araw ng kampanyang lokal. (Danny Bacolod) 20
Read MorePRINSIPYONG TAPAT, HINDI KORAP IPAGPAPATULOY SA MAYNILA – MAYOR HONEY
“TAPAT, totoo…. hindi korap, hindi manloloko, hindi mang-iiwan.” Ito ang prinsipyong ipagpapatuloy ni Manila Mayor Honey Lacuna, at ng buong Asenso Manileño, isang pangako na kanilang binitawan sa harap ng Loreto Church sa Sampaloc nang pangunahan niya ang buong tiket ng Asenso Manileño sa simula ng unang araw ng kampanya noong Biyernes. “Tatlong taon na ang nakaraan, dito sa lugar na ito tayo nagsimulang mangarap at unang gumawa ng kasaysayan. Ngayon, narito na naman tayo, na muling humaharap sa Diyos at sa inyo. Dito sa Sampaloc, kung saan unang minahal…
Read MoreSOCIAL WORKER LANG NG DSWD MAAARING MAG-ASSESS SA MGA BENEPISYARYO NG AKAP – GATCHALIAN
INIHAYAG ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Rex Gatchalian na walang referral na kailangan para ma-access ang Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) dahil tanging mga social worker lamang ng DSWD ang makakatukoy kung sino ANG kwalipikado para sa programa at maging ang kaukulang halaga ng tulong na ibibigay. Sa isang panayam, sinagot ng DSWD chief ang isang katanungan hinggil sa mga hakbang na isinagawa ng kanyang kagawaran upang maprotektahan ang AKAP mula sa paggamit ng mga politiko sa panahon ngayon ng pangangampanya para sa nalalapit…
Read MoreTolentino sa pagsusumite ng ‘Talampas ng Pilipinas’ chart sa UN agency EXPLORATION NG LANGIS, NATURAL GAS, MINERALS MABIBIGYANG-DAAN
MAGBIBIGAY-DAAN ang pormal na submisyon ng chart ng Talampas ng Pilipinas sa International Seabed Authority (ISA) ng United Nations sa eksplorasyon ng mga yaman nito para tugunan ang pangangailangan sa enerhiya ng bansa. Ito ang idiniin ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino, principal author ng Philippine Maritime Zones Law (RA 12064), na siyang nagpatibay sa hurisdiksyon ng bansa sa 13-milyong ektaryang undersea plateau na matatagpuan sa eastern seaboard ng bansa sa Hilagang Luzon. ANG pormal na pagsusumite ng bansa ng chart ng ‘Talampas ng Pilipinas’ sa International Seabed Authority…
Read MoreMERALCO NAGSAGAWA NG WIRE CLEARING OPERATIONS SA NAIA ROAD
Nagsagawa ang Manila Electric Company (Meralco) ng isang buwang wire-clearing operations sa kahabaan ng Andrews Avenue sa Pasay City upang masiguro na ligtas at maayos ang daraanan ng mga motoristang papunta at galing sa the Ninoy Aquino International Airport (NAIA). “Mahalaga ang wire-clearing operations dito sa paligid ng NAIA para maalis ang mga nakalaylay na kable sa aming mga pasilidad, lalo na’t inaasahan natin ang pagdagsa ng mga biyahero dahil sa paparating na Semana Santa,” ani Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga. Patuloy na nakikipagtulungan…
Read More