Open letter kay Marbil kumakalat sa Crame PAG-ARESTO KAY DIGONG PINALAGAN NG PNP JUNIOR OFFICERS

(TOTO NABAJA) KUMAKALAT ngayon sa Kampo Crame ang isang open letter na mula umano sa Junior Officers ng Philippine National Police (PNP) para kay PNP chief General Rommel Francisco Marbil. Nakasaad sa liham mula sa Junior Officers o Honorable Men in Uniform, ang kanilang galit at lungkot sa ginawa kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Tinatanong din sa sulat kung ano na ang nangyayari sa bansang Pilipinas at ‘sabay-sabay na ba ang kanilang paglubog’? Ang ginawa umano sa dating pangulong ay para sa personal na interes ng mga nakapwesto na ang…

Read More

ANG PAGTATAYA NG BUHAY PARA SA CONTENT AY HINDI NAKATUTUWA

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NAG-VIRAL kamakailan ang isang lalaking vlogger matapos magbihis na parang berdeng kuhol at gumapang sa gitna ng highway sa Consolacion, Cebu. Sa video na in-upload niya, mabagal siyang gumagalaw sa kalsada habang dumadaan ang mga sasakyan at motorsiklo. Bumusina ang ilang driver. Ang iba ay huminto upang maiwasang matamaan siya. Hindi ito nakatatawa. Delikado ito. Gagawin ng ilang vlogger ngayon ang lahat para makakuha ng atensyon. Ilalagay nila sa panganib ang kanilang kaligtasan at ang kaligtasan ng iba para lang maging viral. Gagawa sila…

Read More

PHILHEALTH FUNDS ‘DI DAPAT IPINANGNENEGOSYO

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT TAMA si senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez na dapat gamitin at ubusin ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para tulungan ang mga Pinoy sa kanilang bayarin sa hospital kapag sila ay nagkakasakit. Noong 2024, halos kalahating trilyong piso o P498 billion cash ang hawak ng PhilHealth pero imbes na gamitin ang pondong ito para matulungan ang mga nagkakasakit sa kanilang bayarin sa hospital ay pinagdadamutan nila ang mga ito. Marami akong kilala na kapag may nagkasakit sa kanilang pamilya ay lumalapit sila sa mga senator,…

Read More

DUTERTE BIKTIMA NG “INJUSTICE” SA SARILING BANSA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMI ang nagsasabi na biktima ng injustice si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pag-aresto sa kanya kamakalawa, na pinangunahan ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief General Nicolas Torre. Kamakalawa dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Pangulong Duterte galing sa Hong Kong na pagkalapag ng eroplano na sinasakyan nito sa nasabing paliparan ay agad siyang dinala sa Villamor Air Base na kung saan siya binasahan ng “Miranda Rights” o “Mga Karapatan sa Miranda.” Nakapaloob sa “Miranda Rights” ang pagsasabi ng nagpapatupad…

Read More

BATANG BABAE, COED PATAY SA MOTOR

QUEZON – Patay ang isang 8-anyos na batang babae matapos masalpok ng motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Buenavista-San Narciso Road, Brgy. Maguiting, sa bayan ng San Narciso sa lalawigan. Ayon sa ulat ng San Narciso Municipal Police Station, bandang alas-7:30 ng umaga nang mabundol ng motorsiklong minamaneho ni alyas “Chris”, 29, residente ng Brgy. Abuyon, ang grade 2 student na biktimang kinilalang sa pangalang “Princess”. Naglalakad umano sa gilid ng kalsada ang biktima nang mahagip ito ng motorsiklo. Dinala ang bata sa Quezon Provincial Hospital Network-San Narciso…

Read More

DRIVER TIGOK SA PAMAMARIL

QUEZON – Walang buhay na tumimbuwang ang isang driver matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang ipinaparada ang isang sasakyan sa Brgy. Gibanga, sa bayan ng Sariaya noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Mario Pantoja, 50, residente ng nabanggit na barangay. Ayon sa imbestigasyon ng Sariaya Police, bandang alas-3:50 ng hapon nang pagbabarilin ito ng isang hindi nakilalang suspek habang ipinaparada ang barangay patrol vehicle sa harap ng bahay ng kanilang kapitan ng barangay na si Brgy. Captain Reynoso. Nalagutan ng hininga ang biktima dahil sa mga tama…

Read More

2 HOLDAPER PUMALAG SA PULIS, 1 SUGATAN

CAVITE – Sugatan ang isang hinihinalang holdaper habang arestado ang kasama nito makaraang makipagpalitan ng putok sa tumutugis na mga awtoridad sa Dasmariñas City nong Martes ng gabi Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang suspek na si alyas “Elmer”, 27, tricycle driver, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, dahil sa tama ng bala mula sa awtoridad na kanyang naka-engkwentro. Hawak na rin ng Dasmariñas Component City Police Station ang isa pang suspek na si alyas “William”, 32, landscaper, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City matapos na maaresto.…

Read More

BRGY. CHAIRMAN KINASUHAN NG ADMINISTRATIBO

NAHAHARAP sa mga kasong grave misconduct in office, gross neglect of duty, at abuse of authority dahil sa paglabag sa Republic Act 7160 at RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) ang isang barangay chairman sa Lungsod ng Malolos na isinampa ng mag-inang negosyante kamakailan. Si Chairman Lolita Gatchalian ng Barangay Balite, City of Malolos, ay kinasuhan ng administrative case ng mag-inang sina Lilia Capule at Joseph Dominic, kapwa residente ng City of Malolos, sa Sangguniang Panlungsod ng Malolos noong Marso 10, 2025. Nag-ugat…

Read More

ONLINE-VOTING SA MGA OVERSEAS PINOY SAMANTALAHIN – SOLON

UMAPELA ang dalawang mambabatas sa Mababang Kapulungan sa mga overseas Filipino na huwag palagpasin ang pagkakataon na makaboto ngayong midterm elections lalo na’t idadaan na lamang ito sa online. Sinabi nina representative Ron Salo at Marissa Magsino na hindi na mahihirapan ang mga botanteng Pinoy na nasa ibang bansa kasama na ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa pagboto dahil sa ipapatupad na ng Commission on Election (Comelec) ang Online Voting and Counting System (OVCS). Ayon kay Salo, kung noon ay kailangang personal na pumunta sa embahada ng Pilipinas ang…

Read More