GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISA na namang road rage incident ang nangyari kamakailan sa Antipolo. Isang tao ang namatay. Tatlong iba pa ang nasugatan. Dapat ito ay isang matiwasay na araw lang. Sa halip, napalitan ng galit. Ngayon, isang pamilya ang nagdadalamhati. Ang iba ay inaalagaan ang kanilang mga sugat. At ang iba naman katulad ko, ay naiwang nagtatanong ng parehong tanong. Bakit ito patuloy na nangyayari? Ito ay palaging nagsisimula sa parehong paraan. Nagalit ang isang driver, na baka may pumutol ng linya sa kanila sa kalsada.…
Read MoreDay: April 2, 2025
ATM NG 4Ps ISINASANGLA?
MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT TAONG 2008 nang simulan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ang layon ay mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagtiyak na makatatapos ng basic education ang mga batang anak ng mga mahihirap. Noong unang ipatupad ang programang ito, 330,000 ang beneficiaries at habang tumatagal ay pataas nang pataas ang kanilang bilang dahil 4.4 million pamilya na ang mga ito pero ayon sa report mismo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), 1,010,464 lamang ang nakaahon sa kahirapan. Ang susuwerte ng 4Ps beneficiaries dahil bukod…
Read More‘ZERO REMITTANCE WEEK’ NG OFWs PALALAWIGIN
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGKAISA ang overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa sa buong mundo na palawigin ang kanilang ‘zero remittance week’ kung kinakailangan para iparamdam ang kanilang pagkadismaya sa ginawa ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. Nauna rito, inihayag ng mga manggagawa sa abroad noong Marso 28, 2025 sa 80th birthday ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, magsasagawa sila ng ‘zero remittance’ mula Marso 28 hanggang Abril 4, 2025…
Read MoreSa blank items sa bicam report PAMBOBOLA NG KONGRESO SINUPALPAL NI RODRIGUEZ
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BARADO kay dating Executive Secretary Vic Rodriguez ang mga mambabatas na patuloy sa pagde-deny kaugnay sa mga blank item sa ipinasang bicameral report kaugnay ng 2025 national budget. Sa kanyang Facebook live nitong April 1, ipinakita ni Rodriguez, tumatakbong senador ngayong May 2025 midterm election, ang mga ebidensyang magpapatunay aniya na may mga item sa 2025 General Appropriations Act (GAA) o national budget ang walang pirma. “Sasagutin ko lang ‘yong nagpapakalat ng fake news na wala raw basehan ang ating petisyon sa Korte Suprema questioning the…
Read MoreORAL ARGUMENT SA PHILHEALTH FUND TRANSFER IPINAGPATULOY NG SC
NAGPATULOY kahapon ang ikaapat na oral arguments kaugnay sa paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth pabalik sa National Treasury. Pasado alas-dos nagsimula ang pagtalakay kung naaayon sa Saligang Batas ang paglilipat ng pondo ng PhilHealth na aabot sa P89.9 billion. Ang oral arguments ay para sa consolidated petition na magkakahiwalay na inihain nina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III, Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at ng 1SAMBAYAN Coalition. Sa ikatlong oral arguments na ginanap noong nakaraang buwan, sinabi ni Supreme Court Associate Justice Antonio Kho na…
Read MorePULIS NA BUGAW SA FBI AGENTS PINALALANTAD
NAIS ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan na malaman kung sinu-sinong mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nagbugaw umano ng mga kababaihan sa mga ahente ng Federal Bureau of Investigation (FBI). “Sino ang mga sangkot? Anong ahensya? Dapat managot ang lahat ng nagpakunsinti sa iligal na gawain na ito. We demand that all perpetrators—both the foreign agents and our local police who facilitated this abuse and exploitation—be held accountable to the fullest extent of our laws,” galit na pahayag ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas. Ginawa ng…
Read MoreBersamin may sariling ‘diskarte’ MARCOS SINUSUWAY NG GABINETE
KINUWESTYON ni Senador Imee Marcos ang magkaibang pahayag at direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni Executive Secretary Lucas Bersamin kaugnay sa pagdinig ng Senado sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng senadora na sa kabila ng pahayag ng Pangulo na hindi niya pagbabawalan ang mga opisyal ng pamahalaan na dumalo sa ikalawang pagdinig ng Senado, lumutang ang tila salungat na posisyon ng Malacañang. Ito ay nang magpadala ng liham si Bersamin sa Senado na malinaw na nakasaad na hindi makakadalo ang mga opisyal ng ehekutibo sa…
Read MoreNOLCOM, FRONTLINER SA HUMANITARIAN MISSION PARA SA 250K OFWs SA TAIWAN
NILINAW kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine na ang paghahandang ipinag-utos ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner sa hukbo ng Northern Luzon Command (NOLCOM) na maging handa nang maging frontliner sakaling lusubin ng China ang Taiwan, ay patungkol sa pagliligtas sa 250K overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa Taiwan. Ito umano ang nais na paghandaan ng NOLCOM dahil tiyak na maaapektuhan ang Pilipinas sakaling mangyari ang hindi inaasahang pagsalakay ng China sa Taiwan na itinuturing nilang teritoryo at probinsiya lamang nila. Ayon kay Col. Francel…
Read MoreOVP TUTULUNGAN MGA PINOY NA INARESTO SA QATAR
INIHAYAG ni Vice President Sara Duterte na tutulungan ng kanyang tanggapan ang mga Pilipinong inaresto matapos magsagawa ng political demonstration sa Qatar noong nakaraang linggo. Sa katunayan, makikipag-ugnayan ang Office of the Vice President (OVP) sa ibang ahensiya para pag-usapan ang tulong na maaaring ipagkaloob sa mga inarestong Pinoy. Nauna rito, tiniyak ng Malakanyang na hindi aabandonahin ng gobyerno ng Pilipinas ang mga inarestong Pinoy at tutulungan ang mga ito. “Obligasyon pa rin po ng ating pamahalaan, ng administrasyon, ang mga Pilipino anuman po ang kulay nila, wala po tayong…
Read More